5. confusion

23 1 0
                                    

Lumipas na naman ang araw na hindi ko siya nakakausap. Hindi binabalingan ng tingin...minsan lang pero hindi madalas.

Nakukonsensya ako sa ginagawa ko. Hahayaan ko na lang ba na masira ang pagkakaibigan namin nang dahil lang sa gusto kong dumistansya?

Hindi ko alam ang gagawin ko.

Ano ba ang dapat kong gawin?


Kung pwede lang ay buksan ko ang kaloob-looban ng dibdib ko para lang tanggalin ang kung anumang pisteng nararamdaman ko rito.

Hindi ko naman kasalanan, 'di ba?

Nahihirapan din ako sa sitwasyon ko. Gusto ko siyang kausapin, pero mas lalo lang akong nakakaramdam ng pagka-ilang.


Bakit bigla na lang akong nailang? Bakit sa tuwing lalapitan ko siya ay lagi kong naiisipang lumayo agad? Pati ako ay napapa-isip kung may mali ba siyang ginawa saakin kaya naiilang ako kapag kasama ko siya. 


Siguro ay alam ni Sunny ang nararamdaman ko. Ngunit kapag sinabi ko sa kanya ay aasarin na naman niya ako. Kaya hahayaan ko na lang na ako mismo ang humarap nito.


Kailangan ko ng kausapin si Koa.  Sa tingin ko, habang pinapatagal ko 'to ay mas lalong nalalayo ang loob niya saakin. Kaya dapat ay kausapin at lapitan ko na siya.


Baka tuluyan siyang mawala sa'kin pag nagkataon.


--

Kinaumagahan ay lalo akong naiinip sa hindi pag-uusap namin ni Koa. Nararamdaman ko ang bigat ng bawat sandali na lumilipas na hindi kami nagkakausap. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pakikipag-usap muli sakaniya dahil ako rin naman ang may mali dahil hindi ko siya pinapansin.  

Lalapitan ko na sana si Koa ngunit hinila naman siya ni Leila. Kaya tumalikod ako agad at kumaripas ng takbo papalayo. Kung kailan naman ay susubukan ko na siyang kakausapin ay siya naman itong busy at laging hinahagilap ng mga tao. Kaya hindi ko siya malapitan man lang at makausap.

Pumunta ako ng library para doon muling magbasa at gawin ang homework na ibinigay sa amin ng teacher namin. Ayoko na ng may gagawin sa bahay pagkauwi. Umupo ako sa usual spot ko, kung saan ako lagi umuupo at nagbabasa. 

Nakalipas na ang dalawang oras ay hindi ako mapakali. Dahil ba wala ang presensya ni Koa ngayon? Hinahanap ko ang presensya niya pero hindi pa rin siya nagpapakita saakin at tabihan ako nang tahimik. Hinintay ko pa siya ng ilang minuto, nagbabakasakaling pupunta siya rito para hanapin ako. 


Hanggang sa makauwi ako ay hindi siya nagpakita saakin. Bagot akong naglakad pauwi. Parang nawala ang mood ko ngayong araw. Akala ko nga ay lalapitan niya ako ngayong araw, nagkamali ako. Hindi niya ako nilapitan at kinausap man lang. 


Pero hindi. Gusto ko na lang ulit tuloy na hindi na talaga siya pansinin hanggang sa magkalimutan na kami. Kung tutuusin parang magandang idea 'yon. Senior high na kami sa susunod na buwan. Patapos na rin ang klase ngayon, dalawang buwan na lang ang titiisin ko. 

I'm sure that we will choose different strands because we both have different careers that were going to pursue. That will do. Hindi ko na lang siya papansinin.

Sigurado na 'ko. 

Maligayang PagkukunwariWhere stories live. Discover now