8.1 act cute

27 2 0
                                    


Yesterday was nothing but an embarrassment. The word that suddenly slipped out of my mouth without even thinking straight.



Today, I couldn't bring myself to face Koa. Kung bakit sa lahat ng pwede kong sabihin ay bakit "Ang cute mo" pa? Nakakahiya talaga.



Parang nag-iinit pa rin kasi ang pisngi ko sa hiya mula kahapon. Feeling ko yung pula ng pisngi ko ay kasing pula na ng kamatis.





Pagdating ko sa aklatan ngayon, agad-agad akong pumunta sa pinakadulong sulok, gusto ko lang talaga iwasan si Koa. Feeling focused ako pero in reality I kept peeking at the door of the library. Waiting for him to come.



Pero sana hindi.





But it wasn't long before I sensed Koa's presence approaching. Parang bumilis na naman ang tibok ng puso ko nang nararamdaman kong papalapit siya nang papalapit. Who else could it be if not Koa?



Nagtaas ako ng tingin upang makasigurong si Koa nga ito. Hindi naman ako nagkamali nang makita ko ang malaking ngiti niya habang nakatingin saakin.



"Hey there, cutie," Koa said with a grin as he slid into the seat opposite to mine.



I feel like my cheeks are becoming more red. I quickly averted my gaze, I didn't want to meet Koa's playful stare. Kaunti na lang ay lalamunin ko na ang sarili ko sa hiya. 




"Got something you want to tell me again?" Koa teased, leaning forward with a playful glint in his eyes.




My embarrassment only deepened at his teasing smile. I couldn't even say anything but silence.





Tumigil na lang ako't naghimutok sa inis sa sarili ko. Pero bago ko pa naisip ang isang magandang excuse, tuloy-tuloy na si Koa sa kanyang mga biro.





Parang normal lang ulit sakaniya ang mga ito. Parang hindi ko siya pinansin nang ilang araw, na parang walang nangyari sa pagitan namin. Kahit ako naman talaga ang may kasalanan kung bakit napapalayo ako sakaniya.

• • •

"Uno!" Isang sigaw mula kay Sunny ang narinig ko. Nakita ko silang kasama pa ang ibang barkada. Kaya naman napangiti ako ng palihim at napatingin kay Koa na nasa tabi ko.



Kanina pa siya nakangiti at hindi ako tinatantanan. Siguro ay iniisip niya na ayos na kami, kahit hindi ko pa nalilinaw.



Nang mapalapit sa kinaroroonan nila Sunny ay ramdam ko na agad ang pagtataka nito. I know he's curious If me and Koa are fine.



Agad naman na dumiretso si Koa sa gawi nina Axel. Habang si Sunny ay lumapit sa akin na naniningkit ang mga mata.



"Basta," mahinang bulong ko dahil hindi ko rin naman paano ipapaliwanag sakaniya. Koa thought we're okay, but in reality we're not.


Ilang araw at mahigit isang linggo na ang hindi namin nagpapansinan at pag-uusap ni Koa. Kaya natural lang na makaramdam ako ng pagkailang.


I couldn't help it. Parang hindi tama na biglang ayos na lang kami ni Koa.



Gusto kong mag-sorry, ayusin at linawin ang pagkakamali ko. Pero parang sira lang dahil hindi ko masabi-sabi ang mga katagang iyon at nanatiling tahimik.



"Hey, guys! Tara, arcade tayo!" sigaw ni Matt. "Tara na, pre! Baka puno na mamaya!" dagdag ni Chip,



Bago tumakbo papunta si Sunny kay Axel ay tinapik niya muna ako at nginitian. Parang alam ko na ang pinapahiwatig niya. Nagpahuli ako sa paglalakad dahil nag-iisip pa rin ako ng dapat sabihin kay Koa.


Napansin yata ni Koa na nahuhuli ako kaya huminto siya hanggang sa pareho na ang pace ng paglalakad namin.


"Koa," sabi ko, "Ano, Uno?" tanong niya, may kahalong pag-aalala.


"Heto kasi, Koa..." lakas loob na sambit ko. "Sorry sa mga araw na... hindi kita pinapansin. Hindi tama 'yon, alam ko. Sana maintindihan mo ako."


"Uno, okay lang 'yon," sabi niya, at hinawakan ang braso ko ng marahan. "Okay lang tayo."


Pero kahit ganun, parang may mali pa rin. "Hindi, Koa," mariin kong sabi, sa kabila ng kanyang pag pampakalma. "Dapat kasing mag sorry ako sa'yo nang maayos, hindi yung parang wala lang."



"Sa totoo lang hindi ko rin alam, kaya sorry kung hindi kita pinapansin." Tuloy ko.


"It's okay, Uno. Don't beat yourself over it. Kung hindi mo gustong sabihin sa akin yung pinagdadaanan mo, ayos lang. Ang hindi ayos sa'kin ay yung hindi mo ko pinapansin," pilit ngiting sabi niya. "Pero naiintindihan ko, kaya ayos lang."


Napahinto ako sa paglalakad, gano'n din siya.



"Koa, sorry talaga."



"Ayos nga lang."


"Hindi, hindi ka okay 'e. Sabi mo hindi ayos." Pagpilit ko, sa totoo naman na kasasabi lang niya non. Tahimik lang siyang nakatingin saakin.


"Sabihin mo lang kahit ano gagawin ko," sabi ko dahil wala na akong maisip. "Para maging ayos lang yung nararamdaman mo, para maging ayos na ulit tayo."


"Talaga?"


"Oo," I assured him. Anything to make him feel better.


"Act cutely," simpleng sabi niya at inilagay ang dalawang kamay sa bulsa ng pantaloons niya.


"Ha?" Bulalas ko, ano raw?


"Act cutely, do an aegyo. Parang yung mga kpop idols." Pag-uulit niya. Aegyo? Cute?


"Paano?" Tanong ko. Hindi ko alam paano gagawin 'yon.


"Hmm… just act cute." Sabi niya, kaya naman napakamot ako sa ulo ko.


Sa lahat ng papagawin niya ay yun pa?


"Ayoko," pagtanggi ko sa alok niya. Agad naman nagtaas ang isang kilay niya. "Ayaw mo? Okay, hindi tayo bati." Sambit niya at nagsimula nang maglakad.



"Bakit kasi yun pa!" Sigaw ko at hinabol siya.


"E, yun lang naman magpaayos sa lagay ko." Nakangiti niyang sabi. "Kaya kung ayaw mo, edi wag mo."


Feeling ko pinagtitripan lang ako ni Koa.


"Ano ba! Pwede iba na lang?" Pagkumbinsi ko sakanaya.


"Ayaw, yun lang gusto ko." Pilit niya, ang tigas talaga ng ulo nito.


Napabuntong hininga ako.




"Bilis na kasi Koa, ang hirap ng pinapagawa mo." Angal ko sakaniya. Paano ko gagawin yun? Ang hirap.



Wala siyang imik. Wala akong magagawa.


•••

You don't have to,
You're cute anyways.

Maligayang PagkukunwariWhere stories live. Discover now