"AKDA"

0 0 0
                                    

"AKDA"

Mahirap sumulat ng akda
Habang lumuluha
Ginagawang ngumiti
Upang itago ang pighati

Emosyon ng sumulat
Nakapaloob sa bawat ulat
Bagyo sa buhay
Dinadaan sa kwentong makulay

Maikli at mahabang kwento
Tulang  minahal at paborito
Sa ganda ng isinulat
Ramdam sa bawat aklat

Pagdala ng kasiyahan
Makawala sa kalungkutan
Karamay na kaibigan
Sa aklat matatagpuan.

✍️ NEOSTERIUMPIENTA

NEO'S POETRYWhere stories live. Discover now