MATA, apat na letra, bitbit ang sulyap ng kagandahan
Sa unang tingin, ako'y napabihag sa iyong biyaya
Hindi droga, ngunit ang iyo'y kinakaadikan
Nabihag na ako sa taglay nitong kagandahan
Isang tingin alam kong hindi magiging akin
Ngunit sa bawat sandali, puso'y nagdaramdam
naalam ko't ramdam, di ako ang kanyang hangarin
Ngunit sa paglipas ng panahon, damdamin ay naging lalim.
Presensya mo ay hanap sa bawat araw na dumaan
abot langit ang ngiti sa tuwing ika'y mapagmasdan
sumasalamin sa iyong mga matang madilim
ang kalawakan na aking tinitignan.