Chapter 2
“You may now kiss the bride.” Sabi nung pari.
OMO! Hahalikan na’ko ni ...
Teka! Sino ba ‘to? Ba’t parang ang labo ng mukha niya.
Hala. Ayan na. Malapit na niya akong halikan. Omo! O.O
*Booooggggsssshhh* Nahulog ako sa kama.
Urgh.. Panaginip lang pala. Wew!
Tumayo na ako at bumaba sa Dining table para kumain ng breakfast.
Papunta na ako sa dining table ng mag-ring yung telephone.
*Kring ... kring ... kring*
“Hello?” Bati ko.
(Ynna??)
“Gab?”
(Oo, asan ka?)
“Sa bahay malamang. Ang aga mo naman tumawag.”
(Psh. Playground tayo mamaya?)
“Ah. Sigesige!”
(Sige. Maliligo muna ako. Hindi pa ako naliligo eh.)
“Yuck! Ew! Kaya pala yung baho mo, abot dito. Hahaha. Joke! Sige ako din eh. Kakain muna ako ng breakfast.”
(Hahahaha. Sige. Bye!) Then, binaba ko na yung phone.
Kumain, naligo at nagbihis na ako. Ewan ko kung anong meron pero na excite ako masyado pumunta playground ngayon.
Hindi pa pala ako nagpapakilala sainyo noh? Hehehehe ^^v
Ako nga pala si Alynna Janel delos Reyes. Half Korean-half Filipino. Mommy ko yung Korean tapos Daddy ko naman yung Filipino. Ipinanganak ako sa Korea tapos after 3 years sa Pilipinas na ako lumaki. Medyo marunong akong mag Korean ^^ Tinuruan kasi ako ng Mommy ko. Kahit daw kasi half Korean lang ako, dapat daw may alam ako kahit konting Korean language. Mahaba yung buhok ko. Hindi ako maganda kasi CUTE ako ^^v Hahaha. Hm. Medyo maputi ako because of my Eomma(Mommy)
Nagtataka ba kayo kung sino si Bf? Hahaha.
Siya si Gabriel Santos. Best friend ko siya since Kinder at grade 3 na kami ngayon. Siya ang best friend kong kapre =)) Hahaha joke. Matangakad lang siya. Ewan ko ba, bata pa naman kami pero ang tangkad na. Alam na! May future ‘to. Magiging basket ball player siguro ‘to pag laki namin. Hahaha. Lagi niya akong binibilan ng ice cream kapag pumupunta kami sa play ground, favourite ko kasi yun eh *u*
Magkaibigan din pala mga magulang namin kasi may shares daw yung family nila Gab sa company namin dito sa Pilipinas sabi ng Mommy ko.
Naalimpungatan ako kasi may nag door bell. Baka si Bf na yun ^^
*ding ... dong ... ding ... dong*
“BF!!” Sigaw ni Gab.
“Oh, Bf. Lika na?” Tanong ko tapos tumungo lang siya.
“Yaya, pa sara nalang po yung gate. Pupunta po kami ni Gab sa playground.” Sigaw ko kay Yaya.
Hindi naman malayo yung playground dito samin. Siguro mga 5-10 minutes andun ka na.
@PLAYGROUND
“Uy, Ynna! Gusto mo ba ng ice cream?” Tanong ni Gab
“Nae” (Yes)
“Ano? Anong salita yan? Salitang alien?”
“YES! Y-E-S sabi ko.” Kainis! Alam naman niyang half Korean ako eh :3
“Sige. Wait lang ah!”
Pumunta nalang ako sa may swing. Medyo marami ng bata kaya umupo nalang muna ako sa swing at tumitingin sa mga batang naglalaro. Hanggang sa ...
Wait! Parang pamilyar yung lalaking nagyo-yoyo sakin ah.
Parang nakita ko na siya ... Pero hindi ko alam kung saan eh ><
Wait. Wait. Wait. Sa school? Hindi naman.
Sa mall? Imposible naman.
DIto kaya sa playground? Malamang naman Alynna noh! Nakikita mo siya ngayon -____-
Pero nakita ko na talaga siya eh :3
Ang cute cute niya.Yung cheeks niya ang sarap pisilin. Tapos maputi siya. Plus ang galing niya pa magyoyo *u* Aaaaahhhhhh.. Kyeopta!!! (Cute)
“Hoy! Ynna!!” Sigaw ni Gab
“Oh, ice cream ko?”Tanong ko.
“Eto oh.” Sabay abot ng ice cream.
“’Thank you!”
“Okay.”
Sa kalagitnaan ng pag kain naming ng ice cream ...
“Uhm, Bf. Tignan mo yung bata don oh! *Sabay turo don sa bata na nagyo-yoyo*”
“Oh tapos?
“Psh! Ang sama mo! -.-“
“Heheheh. Joke lang. Oo na.”
“Diba ang galing niya?” Tanong ko.
“Oo na.”
“Ang cute niya pa oh.”
“Tsss. Mas cute pa ako diyan noh.”
“Oo na. Bf kita eh. Psh!”
“Good!”
After 15 minutes na pag titig ko dun sa batang naka yellow na nagyo-yoyo, nagyaya na si Gab umuwi kasi uulan daw tsaka magtatanghalian na. Kaya umalis na kami sa swing at nag simula maglakad. Pero nung nag lalakad na kami, may sumigaw na babae ...
“MARCUS! HALIKA NA DITO ANAK. UULAN NA. UWI NA TAYO.”
Napatingin ako sa batang tumatakbo papunta sa babaeng sumigaw. Yung batang naka yellow. Marcus pala pangalan niya. Ang cute naman ng pangalan niya kasing cute niya *u* Omo! Lahat nalang cute sakanya. Hihihihih
“Oh, Ynna! Pasok na. Medyo umaambon na rin eh.” Sabi ni Gab. Hindi ko namalayan na nakauwi na pala kami.
“Osige. Bye. Ingat ka. Takbo kana. Dali!!!” Ayun, tumakbo nga. Buti nalang hindi malayo bahay niya sa bahay namin.
-----------------------------------------------------------------------
A/N: Si Alynna po yung nasa picture sa side :)
Comment. Vote. Recommend & Follow ^^