Chapter I: At your service.

456 27 9
                                    



Cheisen's Point of View

"Akala ko tapos na contract n'yo? Bakit tumatawag na naman yan?" kunot-noong tanong ni Kaela habang nakatingin sa cellphone kong nasa ibabaw ng mesa.

Ang alam n'ya kasi last week pa nag-end ang contract sakin ni Mr. Prado. Totoo naman 'yon. Napapabuntong-hininga na lang ako kapag naaalala ko yung rate n'yang 1 star sakin doon sa app namin!

Sa tatlong taon ko rito sa trabahong 'to, never pa ako nagkaroon ng 1 or 4 star sa mga clients ko. Nakakainis! Mr. Prado really knows how our business and contract works.

Alam n'yang hindi ako makakatanggi kapag may emergency o out of control na pangyayari kahit tapos na ang kontrata ko sa kanya. I can still work for him kahit hindi na n'ya ako girlfriend.

Tinapos ko lang ang paglagay ng lipstick sa labi at agad na kinuha ang phone, "Balik ako bago mag-9 pm. Isarado mo na lang ang pinto, dala ko naman ang susi." sabi ko pagkatapos ay tumayo.

"Start of the class na bukas, hoy! Subukan mong magpa-late, iiwan talaga kita!" sigaw pa ni Kaela nang makalabas na ako sa gate.

Lakas talaga ng boses ng babaeng 'yon. Nakakahiya sa kapitbahay.

Pumara ako ng taxi at itinuro sa driver kung saan n'ya ako ibababa. 7:23 PM na, late ako ng ilang minuto bago makarating doon.

Napakamot ako sa ilong at kinagat ang labi. Lalo akong ma-1-1 star nito. Pero kasalanan naman ni Mr. Prado. Late na rin n'ya ako in-inform tapos gusto n'ya 7:30 PM nasa tagpuan na kami? Ilang kilometro ang layo ko sa Metro Manila, 'no!

Habang binabaybay namin ang kahabaan ng kalsada sa EDSA, napatingin ako sa labas. Mukhang uulan pa ata mamaya, masyadong madilim ang langit. Wala ring bituin, natatakluban ng makapal na ulap pati na ang napakalaking buwan. Tag-ulan ba ngayon?

"Mukhang babagyo, ah."

Napatingin ako sa driver nang magsalita ito at pinagmamasdan din pala ang labas.

"May bagyo po?" tanong ko. Wala man lang akong ka-alam alam sa balita. Hindi na rin kasi ako nanonood ng TV. Busy ako sa inquiries ng mga clients ko.

"Hindi pa confirmed, pero oo magkakaroon." sagot n'ya.

Ang malas ko naman, hindi ako nakapagdala ng payong. Naka-dress at heels pa naman ako ngayon. Wag sanang umulan pagkababa ko ng taxi.

Bumuntong-hininga na lamang ako at muling tinignan ang magandang view sa labas. I really love City lights. Sobrang nakaka-gaan sa pakiramdam.

Ilang taon na rin pala ako sa trabahong ito. Ni minsan hindi pa ako nagf-fail. Lahat ng mga clients ko natapos ang kontrata namin ng maayos, walang mga reklamo, malinis at walang special treatments.

Ewan ko ba rito kay Mr. Prado, kailangan pa talaga n'yang magrate ng 1 star para makipagmeet sakin. May valid reason naman s'ya para magkita kami. Gusto n'ya ba akong siraan sa mga future clients ko? Malaking epekto kasi iyong ginawa n'ya sa profile ko. Nakakainis!

Sisingilin ko talaga s'ya ng malaki dahil sa damage na ginawa n'ya!

"Nandito na po tayo sa Tower 1. Iikot po ba?" tanong ni Manong driver.

Hindi ko napansin na nandito na pala ako, agad naman akong umiling kay Manong.

"Hindi na po, thank you!" inabot ko na rin ang bayad pagkatapos ay bumaba na ng taxi.

Buti naman at hindi umulan, talagang madilim lang ang gabi. Lucky me~

Umihip nang malakas ang hangin matapos umalis ng taxi sa likod ko. Napangiti naman ako nang maramdaman ang paglipad ng mahaba at manipis kong buhok.

At Your Service [On-Going]Where stories live. Discover now