Chapter II

56 4 3
                                    




Your vote and feedback are highly appreciated! Enjoy reading~

❀。• *₊°。 ❀°。


Cheisen's Point of View

Hindi ko alam kung bakit hindi ko nagawang magsalita sa sinabi ni Damon. Halos kita ko rin sa gilid ng aking mga mata ang nangunguwestyong tingin ng mga kaklase ko.

I cleared my throat, magsasalita na sana ako ngunit biglang sumubsob si Damon sa harapan ko. Muntik na s'yang ma-out of balance, buti na lamang ay naisandal n'ya ang palad sa'king upuan.

"Woah," nabighani at nagkakagulong sambit ng mga lalaki kong kaklase nang dumaan at umupo si Loice sa bandang likuran.

S'ya ang naging dahilan kung bakit na-out of balance si Damon.

"Okay class, quiet!" rinig ang awtoridad sa boses ni Professor Morante kaya naman agad nagsi-ayos ang mga kaklase ko.

What a show?

❀。• *₊°。 ❀°。


Half day lang naman ang pasok namin kaya sobrang convenient para sakin na pagsabayin ang pag-aaral at ang trabaho ko.

Luckily, through online ang business namin ng client ko mamaya pag-uwi sa condo. Hassle free every Monday 'cause my client wants our relationship thru online only. He's an influencer kaya ganoon.

I remembered his reason why he hired me. Noong una akala ko hindi ko magugustuhan. But when he explained it well to me, I understand his position. Hindi rin naman ako tumatanggap ng mga client na basta-basta na lang or dahil gusto lang nila ng kasintahan at mapaglilipasan ng oras. Hindi ganoon ang trabaho ko at hindi ako ganoong babae.

I need to know their reason why they want to work with me, their background, their status, their sources of income, and their attitudes. Lahat inaaral ko at dapat maingat ako.

Habang naglalakad papunta sa motor, naramdaman ko ang mabigat na braso ni Kaela sa aking braso.

I knew it's her. Palagi s'yang ganito sakin, kahit saan. Amoy na amoy ko rin ang pabango n'ya.

"Ano yung kanina?" Chismosang bungad ni Kaela. "Were you acquainted with that guy before? Saan?"

Inalis ko ang kamay n'ya sa aking braso, "I'll tell you later. Nagmamadali lang ako, Kae."

Wala talagang pinapalampas na chismis ang babaeng 'to.

Kae pouted and gave up, "Fine! Fine! Give me some updates kapag nakauwi ka na, hmm?" she started to walk away and waved her hand.

Tumango ako, ngumiti at kumaway na rin.

She's going home after staying at my condo for almost 1 week. Sinamahan n'ya akong maglipat ng mga gamit sa bago kong condo. I told her not to worry kasi kaya ko naman na mag-isa. Mapilit lang talaga s'ya.

I'm about to start the engine when I heard a call from my phone. Sandali ko muna itong tinignan and I saw my client's name on the screen.

I looked around, nasa parking lot pa rin ako ng campus. Maraming naglalakad at nakatambay na estudyante pero abala sila sa kani-kanilang sarili.

I cleared my throat, bumaba muna ako sa motor at sinagot ang tawag ng kliyente ko. Monday pa lang ngayon, bukas pa ang pagkikita namin. Why is he calling?

"Cheisen Klare, at your service! Hello?" I started.

Nailayo ko ang telepono nang marinig ang malakas na tugtog sa kabilang linya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 01 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

At Your Service [On-Going]Where stories live. Discover now