Nang makita ko ang mallit na porsyento ng pagsikat ng araw ay inunahan ko na ito bago ito tuluyang suminag. Tahimik akong pumasok ng bahay at kaagad na naligo.
Sinuot ko ang puti kong spaghetti strap na ruffled dress, tinali ko din ng puting ribbon ang buhok ko upang hindi ito maging sagabal kung humampas man ang malakas na hangin sa mukha ko. Matapos nito ay naabutan kong nakaupo na sa dining area ang mga elders kaya naman dumalo na ako para sa almusal.
"Ang aga mo yata nagising, hija?" tanong ni Lolo sa akin.
"And bakit ang aga mo naligo? Are you going somewhere with Lilo?" tanong ni Tita Mommy.
"Mom, pwede ba akong pumunta sa kung nasaan ang mga windmill?" ipinaalam ko na kaagad ito dahil baka mapalayo pa ang usapan at hindi pa ako makapagpaalam ng maayos.
"With Lilo? Isama niyo ang mga Kuya niyo." anang Daddy.
"No, Dad. I'm with a friend."
He is not actually a friend. Sinabi ko lang iyon upang payagan ako at baka sabihin ay kung kanikanino ako sumasama.
"A friend? Wow you already have friend here in Ilocos except from Lilo?" anang Daddy.
"You're getting too far sa topic. Isn't it dangerous there?" inaasahan ko nang ganyan ang magiging tanong ni Mommy.
Wala naman akong maisasagot dahil hindi ko naman alam kung delikado ba doon o hindi dahil ngayon pa lamang din naman ako pupunta doon. Kaya naman mula sa ilalim ng lamesa ay inabot ko ang hita ni Lolo Daddy upang yugyugin ito, pasimple siyang tumingin sa akin at kinausap ko siya mula sa mata.
"Let her be, Camila. It's not dangerous there, I've been there before and it's so relaxing." anya.
Kagat labi ako naghintay ng sagot kay Mommy, nawa'y payagan niya na ako dahil ngayon lamang din naman ako naging ganito.
"Okay, fine! Basta mag iingat ka ha!"
"Yes!" sumuntok pa ako sa ere sa sobrang galak.
"Sino ba iyang kaibigan mo?" tanong ni Lolo Daddy.
Do not say his pronouns, Aurora!
"Ash," I pursed my lips then looked away.
"Okay! Be careful, ha!" anang Lolo Daddy at saka ginulo ang buhok ko.
Sa pananabik kong makaalis na ay naging madalas ang pagtingin ko sa orasan. Bakit kapag ganitong may masasayang araw sa buhay ko na nakakapanabik ay parang napakabagal umandar ng oras!?
Ayoko na rin kainin ang pagkain sa plato ko dahil maging pag nguya ay inaayawan na ng utak ko, talagang naka focus na ito sa pagpunta sa windmill mamaya.
Ilang sandali lang ay napalingon ako sa pintuan kung saan papasok si Lilo at mukhang kagigising pa lamang. Kinukusot pa nito ang mata niya at humihikab pa. Napansin niya ako bigla at saka ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.
"I never saw you eating breakfast with that kind of dress. You always eat still wearing you pajamas from sleep. So, tell me where are you going?"
How funny it is that in that kind of small detail she really knows me.
Sasagot na sana ako nang para akong aso na naramdaman ang pagtaas ng tenga ko nang marinig ang tictac ng clock kaya mabilis ako napaharap dito. It's already 6:30! I have to go!
"Sorry, Lilo! I have to go!"
Dali-dali akong tumakbo palabas ng bahay kasama si Charlie, nahirapan pa ako sa pagbukas ng malaking gate at buti na lamang ay napansin ni Ash iyon kaya tinulungan niya ako. Nang maisara ko ang gate at humarap ay Ash napansin ko kaagad ang pagsakay niya sa isang bike.
YOU ARE READING
When Summer Falls For Autumn
Teen Fiction"Last Summer..." there's always a continuous conversation upon telling the story of how Aurora's summer experience. Ever since she was a child her family would always go to their beach house for a long summer vacation. She's always ready to face the...