(a/n: this is my first ever story so I might make some mistakes. Please support and read Love and Laughter!! That's all)
Proving my independence
*lea's POV*
"Why are you so wild!?! You're like a crazy animal that escped the zoo! Why can't you be like your brother Aiden? he's proper, gets good grades and don't get into fights.
Ayan na compare nanaman.. At tsaka grabe naman si Jonathan sakin wild agad? Tapos anong zoo? Mukha ba akong hayop? If oo dapat si Jonathan yung sinisisi eh siya tatay ko.
"Ingay neto daming alam edi si Aiden na favorite" Bulong ko, mahirap na kasi pag narinig ni Jonathan baka sunugin ako neto..
"Sumasagot ka pa talaga, wala kang respeto! At sa tingin mo magiging favorite kita sa ugaling pinapakita mo? I didn't raise such a disrespectful and Wild child. From now on, I'm not going to treat you like my daughter" Narinig niya pala
The audacity for him to tell me na hindi siya nag palaki ng ganung anak ha, pero may point siya kasi hindi niya naman talaga ako pinalaki, yung maid lang naman nag aalaga sakin at si tita naman ang nag paka magulang sakin. Why? Because busy siya sa trabaho, his work is everything to him. Well yeah maganda ang buhay namin dahil dun sa pag tratrabaho niya pero sana pinaramdam niya sakin na tatay ko padin siya. Kay Aiden nga kahit busy siya nag bo-bonding sila. Eh sino naman ako?
Siguro kung andito si mama hindi ganito, mararamdaman ko pa siguro pag mamahal ng isang magulang, pero wala na eh umalis na siya dahil kay Jonathan. Ewan ko kung bakit kasi di naman nila sinasabi sakin ang dahilan.
Ayaw ko na mag tagal dito, nasasaktan na'ko. Agad ako na tumakbo sa kwarto ko at nag impake ng gamit ko, lalayas na'ko may naipon akong pera madami din yun pwede na'ko maka survive ng matagal-tagal.
Tumakas lang ako sa bahay at dumiretso kila tita, kapatid ni Jonathan. Sinabi ko sakanya ang plano ko.
"Nak, sure ka ba diyan sa desisyon mo? " Tanong ni tita na halatang nag aalala
"Opo, sigurado na po ako ayoko na kasi mag tiis sa ganun.. " Pag sagot ko kay tita
"Sige, ako na bahala sa school mo I e-enroll kita sa school ng ate mo at ihahanap narin kita ng matitirhan"
"Hala wag na po" Pakipot siya ehe, sige tita pilitin mo po ako ehehehe
"Sige tingin ko kaya mo naman na yan" Sagot ni tita sakin..
Di mabiro si tita ah
"Ah tita ok lang po pala" Si tita naman eh
"Ok, dito ka na matulog at bukas ipapa hatid kita sa titirhan mo" Sabik na sabi ni tita
"Thank you po tita" Tita hulog ka ng langit di tulad ni Jonathan
"Oh siya sige, dun ka na matulog sa kwarto mo dati" May kwarto ako dito kasi halos dito nako tumira sa kanila nuon kapag pinapagalitan ako ni Jonathan.
Tumango naman ako habang naka ngit sabay punta sa kwarto ko. Wala pa pala si ate.. Siya yung parang kapatid ko na tunay kasi kaaway ko si kuya Aiden palagi lalo na sa attention ni Jonathan pero di na'ko nakiki hati sa attention na yun kasi tanggap ko na ang totoo, hindi talaga ako mamahalin ng tatay namin ng parang pag mamahal niya kay kuya Aiden.
Naka tulog nalang ako habang umiiyak oo umiiyak ako, maangas ako pero masakit pa din kasi para sakin.
"Azalea! " Sigaw ni tita na sobrang lakas, pati kapitbahay siguro nagising na din.
"Lea, mag ayos ka na at ihahatid ka na ng driver sa titirhan mo, na enroll na din kita sa school ng ate mo" Sabi ni tita ng pasigaw ulit, sakit na ng tenga ko. Tinignan ko kung anong oras na at wow.. 4:38am palang!!
Pero agad naman ako pumunta sa dining area para kumain, wala pa rin si ate.. Miss ko na siya. Pag ka Tapos ay nag toothbrush at naligo na din ako. May naka handa naman pala na uniform sa higaan ko na di ko napansin kanina. Siguro ngayon na agad ako papasok. 2nd quarter na namin ngayon. Kaya kailangan ko na din pumasok agad. Bitin diba? Walang pahinga. Matalino naman ako mababa lang ang grades ko dahil sa naka focus ako sa mga kaibigan ko dati na mali pala dahil naging bad influence sila sakin. Pag Tapos ko mag handa ng gamit at pati na din ang sarili ko bumaba na'ko dahil tinatawag na din ako ng driver.
Habang nasa sasakyan nag iisip ako ng introduction ko para maging maayos ang first impression ng mga classmate ko sakin. Traffic din pala ngayon. Aga ko nagising anong oras na din pala ako makaka pasok. Speaking of oras late na late na'ko ilang oras nalang ay uwian na. Diniretso ako ni manong driver sa school at idadaan niya nalang daw sa titirhan ko yung mga gamit ko.
Pinigilan kami ng guard at late na daw kasi inexplain naman nung driver na late ako kasi transfer student palang ako and malayo pa yung pinaggalingan. Hindi parin kami pinapasok ng guard pero may binulong yung driver sa guard.
Di ko alam kung ano yung binulong niya pero nagulat ang guard at nag pilit ng ngiti, mukha siyang natatakot. Pero Di ko nalang inisip.
Naka rating kami sa parking at nag paalam na'ko sa guard. Binigay niya nga pala yung address nung titirhan ko.
Sinabi niya sakin kung anong address nung titirhan ko pero di sinabi kung asan ang room ko. Basta ang sinabi niya section A.
Pero anong use? Anlaki netong school at di ko din alam ang room ni ate ven dito. Andaming building, mukhang matatagalan ako kakahanap ng room kaya kinapalan ko yung mukha ko at nag hanap ako ng matatanungan kung asan yung room namin. Sakto naman may nakita ako papaalis sa parking lot na naka uniform din. Late din siguro to.
Kinapalan ko na nga ang mukha ko at nilapitan siya, ang pogi. Luh ang landi sis.
"Umh.. Pwede po bang mag tanong? " Wala na munang hiya hiya late na eh
"Go ahead, ms? " Sabi ni kuya pogi
"I'm Azalea Jace po, asan nga po pala yung room ng grade 11 section A? "
"Oh nice to meet you Azalea Jace I'm kye, transfer student ka ba? " Hindi siguro.. KAYA NGA NAG TANONG EH.
"Ahh opo" Mahinahon ko na sinabi
"Wag ka ng mag po or opo, same grade lang tayo. I'm from section B mag ka tapat lang room natin. " Ang bait, crush ko na to
"Oh, I'm sorry"
"It's fine, and by now break time na din so pwede kita I tour dito sa campus" Hi-hindi paba ako eh chance ko na to, baka maging kaibigan ko din siya.
"Feel free to ask questions about anything na din"
Na curious naman ako at agad na nag tanong
"Based on your experience here, mabait ba yung mga classmate ko? Kinakabahan kasi ako eh.. " Sana um-oo ka huhu
"Well yeah, I guess they're kind" Wow mabait naman pala ba't pako kakabahan?
"Some of them.. " Bulong niya sa sarili niya pero narinig ko padin, solid chismosa kaya to nohh!
Pero na realize ko lang yung sinabi niya.. Hindi lahat sila mabait?
"Sana maging ka close ko sila" Ayoko kasing maging lonely..
"Well don't worry ace, now you have one friend. " One friend? Eh sino?
"Ha? Sino naman? Tanong ko
"Edi ako" Bait talaga..
"Feel free to tell me anything, and if your classmates bother you just tell me"
Nginitian ko siya at tumango. Nag ring na yung bell at pumunta na kami sa room namin. Ang ganda, ang linis at ang laki pa..
Pag pasok ko sa room, may bumangga sakin na lalaki na naging dahilan para matumba ako sa hallway. ANG SAKIT!!
(a/n: I'll continue this story po, please stay tuned and continue reading)
YOU ARE READING
Love and laughter
Teen FictionOne wealthy girl proves her independence to her father by moving out, she transferred to a new school called Fairview high. Will she make a first good impression to her classmate or embarrass herself?