Napabalikwas ng bangon si Juvia dahil sa narinig na ingay at kaguluhan sa labas ng bahay. Agad siyang bumangon at sumilip sa bintana. Nakita niyang nagtatakbuhan at nag-iiyakan ang mga mamamayan ng Galuna Island. Agad siyang kinabahan kaya nagmamadaling lumabas siya ng bahay. Nasalubong niya ang mga nagkakagulong tao kung kaya't pinakalma niya muna ang mga ito.
"Huminahon kayo! Ako ang bahala sa inyo. Pumasok kayo sa pamamahay ng inyong pinuno. Magmadali kayong lahat!" Ang sigaw ni Juvia.
Sinunod naman siya ng mga tao. Nagmamadaling pumasok ang mga ito sa bahay ng kanilang pinuno. Dahil kokonti lamang ang mga mamamayan na nakatira dito ay agad siyang sinunod ng mga ito. Nang masiguro ni Juvia na nasa loob na ang karamihan ay gumawa siya ng malaking Water Bubble.
"May kakayahan ang ginawa kong Water Bubble na protektahan ang nasa loob nito. Hindi ito madaling mawawasak. Ligtas kayo sa loob nito." Ang wika ni Juvia at tumakbo na para hanapin si Gray.
Nakita niyang nakikipaglaban ang pinuno ng Galuna Island at ang mga kasama nitong mandirigma. Tinulungan sila ni Juvia gamit ang kanyang Water Slicer.
Nang matalo ang ibang mga kalaban ay tinanong ni Juvia kung nasaan si Gray.
"Nasa kagubatan si Gray at nakikipaglaban sa malalakas na kalaban. Patawad kung di namin siya magawang tulungan." Ang malungkot na sagot ni Pinuno.
"Wag kayong mag-alala, alam kung kakayanin ni Gray ang kanyang mga kalaban kahit gaano pa ito kalakas. Sapat na ang inyong tinulong. Siguruhin niyo na lamang na wala ng makakalapit na kalaban sa inyo. Pupuntahan ko na si Gray." Ang naka-ngiting wika ni Juvia at tumakbo na patungo sa kagubatan.
Naabutan niyang nakikipaglaban si Gray. Gumamit ito ng Ice Make Hammer at Ice Make Arrow.
Nang makita ni Juvia na may tatamang apoy kay
Gray ay agad siyang gumamit ng Water Slicer."Gray! Ayos ka lang ba?" Ang nag-aalalang tanong ni Juvia ng makalapit na siya sa binata
"Juvia, anong ginagawa mo dito? Delikado kapag tumatagal ka pa dito. Kaya ko na ang mga kalaban." ang wika ni Gray.
"Trabaho ko ang samahan ka, at kaya kong ipagtanggol ang sarili ko. Gray, alam kung malakas ka ngunit nauubos din ang ating kapangyarihan." Paliwanag ni Juvia.
Nang mapansin niyang dumadami ang kalaban ay gumamit si Juvia ng Water Lock. Manghihina ang nasa loob ng kanyang Water Lock.
"Juvia, nasusunog na ang halos kalahati ng kagubatan. Mabilis na kumakalat ang apoy, ako ng bahala sa mga naiwan na kalaban." Ang wika ni Gray at gumamit ng Ice Make Lance.
"Sige, ako ng bahala sa apoy. Gray, mag-iingat ka. Hihintayin kita." Ang madamdaming wika ni Juvia at hinawakan ang kamay ni Gray.
Ngumiti ng matamis sa kanya si Gray at sinabing "babalik ako Juvia, para sayo."
Umalis na si Juvia pagkatapos marinig ang sinabi ni Gray.
"Mag-iingat ka Gray, mahal na mahal kita." Ang naiiyak ngunit nakangiting wika ni Juvia sa sarili.
Nang makarating sa lugar kung nasaan ang malaking sunog ay nabigla si Juvia, malapit na kasi itong umabot sa kabayanan.
Madali siyang gumamit ng Water Nebula ngunit hindi ito sapat para mapatay ang nangangalaiting apoy. Gumamit pa siya ulit ng Water Nebula ngunit hindi pa rin sapat kung kaya't inipon niya ang kanyang lakas upang maging dahilan ng pag-ulan. Agad na dumilim ang kalangitan at ilang saglit pa ay bumuhos na ang malakas na ulan. Napangiti si Juvia kasabay ng pagluhod sa lupa. Halos nagamit niya ang kanyang kapangyarihan ngunit hindi pa tapos ang laban na iyon. Pinilit niyang tumayo, kailangan niya pang puntahan si Gray, hindi na siya makapag-hintay pa sa pagbabalik nito.
Nanghihinang tinungo ni Juvia ang kinalalagyan ni Gray ngunit hindi pa siya tuluyang nakakalayo ay nakita na niyang papunta na si Gray sa kanya. Nakangiti pa ito, tumakbo pa ito papunta sa kanya.
BINABASA MO ANG
HIS BESTFRIEND (Juvia Lockser and Gray Fullbuster Love Story)
RandomJuvia's secret love for Gray-sama <3 (Fairy Tail fan fiction)