"Magandang umaga Juvia!" Ang naka-ngiting wika ni Gray ng makitang mag-isang naka-upo si Juvia.
"Magandang umaga din Gray. Kamusta? Nakapag-pahinga ka na ba?" Naka-ngiting sagot ni Juvia.
"Oo naman, namiss ko ng humiga sa kama ko eh. Ilang araw din akong nawala dahil sa misyon ko." Sagot ni Gray.
"Kamusta naman ang misyon mo?" Tanong ni Juvia. Masaya siya dahil nagka-usap na sila ni Gray. Alam niyang magku-kwento na ito tungkol sa kanilang misyon.
Kagabi ay hindi na siya lumabas ng kanyang silid upang kumain ng hapon. Nagdahilan na lamang siya na biglang sumama ang kanyang pakiramdam kung kaya't bago umalis si Lyon sa Fairy Tail Guild ay ito mismo ang naghatid sa kanyang kwarto ng pagkain.
"Ayos lang, nagawa naman namin ni Erza ng maayos. Medyo nahirapan kami pero dahil si Erza ang aking kasama, sisiw lamang ang misyon." Ang nagmamalaking wika nito.
"Ikaw, wala ka pa bang misyon?""Wala pa eh. Wala pa kasing bagong request. Nga pala, gusto mong sumama sa'kin Gray?" Tanong ko.
"Saan ka pupunta?"
"Kay Lyon, naalala ko kasing nais niyang pumunta ako sa Lamia Scale at ng makapag-kwentuhan naman daw kami don baka gusto mong sumama?" Tanong ni Juvia habang kumakain ng almusal na bigay ni Mira.
"Sige, sasama ako. Kailan ka pupunta?" Tanong ni Gray na kumakain naman ng tinapay.
"Pagkatapos ko kumain." Naka-ngiting sagot ni Juvia.
Lamia Scale Guild.
"Juvia! Mabuti naman at napadalaw kayo ni Gray dito. Kamusta na kayo?" Salubong na wika ni Jurah sa kanilang dalawa.
"Ayos lang naman kami. Ikaw? Nga pala nasaan si Lyon?" Tanong ni Juvia.
"Nasa ilog kasama si Chelia at Sheryl, babalik din daw agad sila. Upo muna kayo. Gusto niyo ba ng maiinom?" Aya ni Jurah.
"Wag na Jurah, salamat nalang." Sagot ni Gray.
"Hihintayin nalang namin si Lyon." Ang naka-ngiting sagot ni Juvia.Ilang minuto ang nakalipas.
"Juvia! Gray! Narito pala kayo." Wika ng kararating lamang na si Lyon.
"Lyon bro, galing ka sa ilog, 'bat wala kang dalang isda?" Ang natatawang wika ni Gray.
"Hindi naman kami namingwit eh. Si Sheryl kasi gustong mamasyal sa ilog kaya sinamahan na namin ni Chelia. Mabuti naman at napadalaw kayo dito. Kumain na ba kayo? Juvia gusto mo bang uminom?" Tanong ni Lyon.
"Wag na Lyon. Salamat nalang." Naka-ngiting sagot ni Juvia.
"Si Juvia kasi nais ka niyang puntahan kaya sinamahan ko nalang. Saan ba lakad niyo?" Tanong ni Gray.
"Wala kaming lakad ni Lyon. Gusto ko lang siyang bisitahin." Sagot ni Juvia.
"Ganun ba? Akala ko may lakad kayo. Ano ka ba naman Lyon, ang bagal mo. 'Bat di mo pa niyayang lumabas si Juvia?" Naka-ngising wika ni Gray.
"Gray!!" Nahihiyang wika ni Juvia.
"Busy pa si Juvia eh kaya di ko nayaya pero ngayon parang hindi na. Pasyal tayo Juvia?" Naka-ngiting tanong ni Lyon habang nakatitig sa dalaga.
"Ahh .. Ehh .." Alanganing saad ni Juvia na sumulyap sa gawi ni Gray.
"Pumayag kana Juvia basta kasama ako ha. Wag kang mag-alala, di ako istorbo." Natatawang wika ni Gray.
"Ano Juvia? Tara?" Nakangiting wika ni Lyon sabay lahad ng kamay kay Juvia.
"Sige na nga!" Nakangiting tinanggap ni Juvia ang kamay ni Lyon.
"Sa bayan tayo ha. Daming pagkain don, sagot lahat ni Lyon." Natatawang wika ni Gray.
"Oo ba, walang problema don. Tara na Juvia." Sagot ni Lyon.
BAYAN.
Namasyal silang tatlo sa bayan. Kumain at bumili ng nagugustuhan nilang gamit. Isang kwintas ang binili ni Lyon para kay Juvia at isang palamuti naman sa kamay ang nabili ni Juvia para sa sarili. Isang sombrero naman kay Lyon at isang kwintas din ang nabili ni Gray para sa sarili ngunit si Juvia naman ang pumili ng disensyo. Pagkatapos namili ay nagpalipas sila ng oras sa Parke ng Magnolia.
Magkatabi sa upuan si Lyon at Juvia at kaharap naman nila si Gray.
Nagkukwentuhan silang tatlo ng makita ni Gray si Cana at Lisanna na naglalakad. Tinawag ni Gray ang dalawa ngunit di nila ito narinig dahil sa dami ng tao at maingay ang Parke."Sandali lamang ha, nakita ko kasi sina Cana at Lisanna. Susundan ko lamang sila. Dito na muna kayo. Lyon, ikaw na muna bahala kay Juvia." Wika ni Gray at sinundan na ang dalawang kaibigan.
Naka-tingin lamang si Juvia sa papalayong si Gray. Hindi niya inalis ang paningin dito hanggang sa nawala na sa kanyang paningin si Gray. Hindi niya napansin na natutula na pala siya.
"Ehem! Babalik din si Gray, Juvia. Wag ka mag-alala babalik ang bestfriend mo." Naka-ngiting wika ni Lyon na kanina pa pinagmamasdan si Juvia. Nakangiti siya ngunit nababakas naman sa kanyang mga mata ang lungkot at pighati.
Napatingin naman si Juvia kay Lyon."Huh? Anong sinabi mo Lyon?" Nahihiyang tanong ni Juvia.
"Juvia, may itatanong sana ako sayo, wag ka sana magalit." Wika ni Lyon.
"Ano yon?" Sagot ni Juvia
"May gusto ka ba kay Gray?" Malungkot na tanong ni Lyon.
Nabigla naman si Juvia sa tanong ni Lyon. Agad siyang umiwas ng tingin.
"Wala akong gusto sa kanya Lyon, kaibigan ko lamang siya. Magbest-friend lang kami. Matalik na magkaibigan." Sagot ni Juvia at ngumiti kay Lyon, ngiting napipilitan lang.
"Ganun ba? Salamat naman. Alam ko kasing hindi ka rin gusto ni Gray at sinabi niya sa'kin na dati na kapatid ang turing niya sayo. Ayoko ko kasing makita kang nasasaktan Juvia." Wika ni Lyon at hinawakan ang kanyang kamay.
Ngumiti lamang si Juvia at kasabay ng ngiting yon ang buhos ng malakas na ulan."Naku! Umulan na Juvia tara sumilong tayo." Wika ni Lyon at inalayan siyang tumayo. Sumunod na lang si Juvia ngunit di niya napigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha dahil sa sinabi ni Lyon.
"Tama, bestfriend lamang ako ni Gray at masakit malaman na kapatid lang ang turing niya sakin kahit higit pa don ang nararamdaman ko para sa kanya."
Wika ni Juvia sa sarili habang pumapatak pa rin ang kanyang mga luha at dahil don mas lalong lumakas ang ulan. Basang basa na sila ni Lyon. Salamat sa ulan at hindi mapapansin ni Lyon na umiiyak siya, iyak dahil sa katotohanan di siya kayang mahalin ni Gray, ang lalaking bestfriend niya at lihim na minamahal.
BINABASA MO ANG
HIS BESTFRIEND (Juvia Lockser and Gray Fullbuster Love Story)
De TodoJuvia's secret love for Gray-sama <3 (Fairy Tail fan fiction)