Chapter XXVI

2.1K 88 1
                                    

Naalimpungatan ako sa isang malakas na katok sa baba ng bahay namin.

Tiningnan ko naman ang orasan na nakalagay sa may dingding ng kwarto ko.

Alas tres pa lang ng umaga ah? ano naman kaya yong ingay na yon? Dali dali naman ako bumaba sa hagdanan namin para tingnan yong kumalabog kanina.

Hindi pa nga pala umuuwi si kuya, baka nakipag inuman nanaman yon at doon na sa kaibigan niya nakitulog. Nabanggit niya nga din pala kanina na baka may salo salo yong kaibigan niyang may birthday.

Kinabahan naman ako bigla kasi kami lang ni Abby ang tao dito sa bahay, paano kung may biglang magnanakaw.

Sinilip ko naman ang bintana pero wala naman akong nakitang tao dito, pinag sawalang bahala ko na lang ito at saka umakyat na sa taas para matulog na ulit.

Nagising ako sa tunog ng aking alarm clock hudyat na kailangan ko na tumayo para mag asikaso sa bunso kong kapatid.

"Abby gising na" Pag-gising ko dito na mukhang himbing na himbing pa ng tulog.

Buti naman hindi nag rereklamo ang kapatid ko kapag ginigising ko siya, mukhang mas excited pa nga siya pumasok kesa sa akin eh.

Nauna naman na bumaba si Abby kesa sa akin at narinig ko naman ang sigaw nito

"Kuyaa good morning!!" Sigaw nito sa kuya ko na nag aalmusal na pala

"Bunso good morning" Sabi nito kay Abby at tumayo na ito para ikuha siya ng plato

"Kuya nakauwi ka na pala" Saad ko dito, tumango naman ito sa akin at bago nag salitang muli

" Oo kanina lang Aeiou nag dala na din ako almusal natin para di ka na mag luto" Sabi nito kaya napangiti naman ako

"Nga pala may nakita akong sobre dyan sa harapan natin pero hindi ko na binuksan baka para sayo" Sabi niya sa akin kaya nag tataka naman ako lumapit dito ng may kinuha siyang sobre sa lamesa

"Kanino daw galing?" Tanong ko dito

"Hindi ko alam eh walang nakalagay kaya hindi ko na binuksan" Sabi niya, kinuha ko naman ang sobre na binibigay niya sa akin bubuksan ko na sana pero umimik muli si kuya.

"O maya mo na tingnan yan kain ka na muna" Sabi nito kaya inilagay ko na lang muna sa aking bag ang sobre. Sige na nga mamaya ko na buksan pag nasa school na

Kumain naman ako ng dinala niyang mga siloh syempre ang kinuha ko yong may tapsilog at kay Abby naman yong tocilog. Paborito talaga namin tong almusal, kaya alam na alam din ni Kuya kung ano yong mga gusto namin kapartner ng silog.

"Ingat ka Aeiou ako na bahala dito kay Abby" Sabi ni kuya bago ako naka labas ng pintuan. Si kuya na daw mag hahatid kay Abby sa school.

Ngayon din yong laro namin ng volleyball kaya naman sobrang sikip ng bag ko tsaka mabigat din. Ang bagal tuloy ng lakad ko ngayon.

Habang nag lalakad di ko naman mapigilan na di kabahan muli dahil para nanaman may naka sunod sa akin na mga mata. Kaya kahit naman mabigat ang bag ko ay binilisan ko na lang muli ang aking lakad papunta sa sakayan ng jeep.

Agad naman akong nakasakay kahit na mukhang punong puno na ito, kalahati na nga lang ng pwet ko ang nakaupo eh, okay na din yon kesa naman mag stay ako don na feeling ko di ako safe.

Pagkatapos ng byahe ko ay maayos naman akong nakarating ng school, naglakad na ako papasok sa gate pero bigla namang may nahagip na asul na kotse ang aking mga mata na dumaan sa aking gilid. Pero kataka-takang lumagpas ito sa school namin. Pero baka naman nga iba lang ang iniisip ko. Napaparanoid na tuloy ako sa mga bagay bagay hays.

The Barista's Heartbeat (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon