Perfectly loss

4 0 0
                                    

Hi ako si Anne isang babae at ako ay maganda sabi nila haha. Ako ay may magandang mukha, magandang buhok, at magagandang ngipin, at maputing balat, at ang aking pinapangarap lang sa buhay ay maging masaya, mapayapang buhay at maging isang mahusay na chef sa mundo matagal ko ng pangarap ito simula nung ako ay bata pa ang sabi ni ama kay ina ako nag mana sa galing magluto. May boyfriend ako si Kyle. Si kyle ay may perpektong ngiti, mapuputing ngipin, mapupulang labi, at maputing balat siya yung pinapangarap ng mga babae kaso napunta saakin haha wala eh ako na to. Kami ay nagkakilala kase dahil kami ay magkaklase siya lang ang lagi kong kinakatabi sa classroom dahil wala na akong ibang close kaya ayun unti-unti ako nahuhulog sa kanya at hanggang sa mag confess ako sakanya at yun nga gusto niya rin daw ako.

Ngunit isang araw ang masaya at perpekto na pagsasama namin bilang magkarelasyon ay biglang gumuho, ang lahat ay gumuho nang makita ko siyang masayang nakikipag kulitan at nakikipag tawanan sa isang babae at kaniya pang hinalikan sa pisngi ito hindi isa ngunit napakaraming halik sa pisngi. Napatulo ang pinipigilan kong luha na galing sa aking mga mata.

Siya'y napatingin sa aking gawi na tila alam niya kung saan ako nakapuwesto at nakatayong pinagmamasdan silang mag landian. Siya'y napatakbo papalapit saakin na  may pag alala sa mga mata.
"Love mali ka ng nakita mo" ang sabi nito.
"Tangina anong mali ang nakita ko? Tangina anong akala mo sakin bulag? Kyle wag mo kong gawin bulag na mali ang nakita ko, dalawang mata ko ang nakasaksi kung pano ka makipaglandian at pano mo pinaghahalikan ang pisngi ng babae mong yon" ang ani ko.
"Kailan pa kyle?"ang umiiyak kong ani muli dito.
"Magpapaliwanag ako anne"ang sabit nito.
"Tangina sagutin mo kailan pa? Ilang araw na kyle?"ang nagtitimping pagtatanong kong ani dito.
"Ann-"di ko na siya pinatapos at nagtanong ulit ako.
"KAILAN PA KYLE? ANO BA TANGINA SAGUTIN MO ANG TANONG KO KAILAN PA YAN NANGYAYARI?"ang pasigaw na ani ko dito.
"Nung isang buwan pa anne so-sorry tinutukso kase ako ng mga tropa ko sakanya kaya di ko na napigilan na mapaibig rin sakanya so-sorry love patawarin mo ako"ang umiiyak na ani neto.
"TANGINA KYLE KAYA PALA DI MO MAGAWANG MAG REPLY AGAD SA MGA CHAT KO DAHIL SA PUTANGINANG BABAE YAN AT KAYA PALA LAGI KANG TUMATANGGI SA MGA ALOK KO NA SABAY TAYO UMUWI DAHIL MAY IBA KA KINAKASABAY TANGINA ANTAGAL MO NA PALA AKO GINAGAGO" ang sumbat ko dito.
"So-sorry natukso lang ako sorry love"ang umiiyak na sabi nito.
"PUTANGINA NATUKSO? GAGO KA DI KA NATUKSO DAHIL GAGO KA, DAHIL MANLOLOKO KA, DAHIL MAKATI KA DI KA MAKONTENTO SA ISA YAN ANG TOTOO. Let's broke up, wala ng patutunguhan tong relasyon na to dahil sinira mo na. SINIRA MO YUNG MGA PANGAKO MO PARA SA ATING DALAWA, SINIRA MO YUNG TIWALA KO SAYONG GAGO KA."ang galit na sambit ko sa taong mahal ko ay mali sa dating mahal ko.

Napatakbo ako at tila nakisabay pa ang kalangitan sa aking pagdadalamhati at pagkakasawi sa pag-ibig dahil sa bagsik ng mga patak ng ulan na sumasakop sa aking katawan. Tumakbo ako na tila wala sa sarili ngunit bigla na lang ako nabalik sa aking ulirat ng makita ko ang padating ng isa at malaking truck na papalapit saakin.

"PEEEPPP"ang mahabang busina ng truck.

Ako ay napangiti nalamang habang nakatingin sa driver ng truck dahil alam kong di ko na maiiwasan pa ito.

"BOOGHS"

ang tunog ng pagbangga saakin ng truck at  ako ay tumilapon at nag paikot ikot sa daan. Aking inaalala yung masasaya kong mga alala na kasama ko ang aking mga mahal sa buhay at aking huling mga nadidinig ay ang mga busina ng kotse at mga taong nakakita ng aksidente at ang taong aking kinamumuhian ngunit mahal ko pa rin na si kyle.

"ANNNEEEEEE" ang malakas na sigaw nito ng makita ang aking katawan na mabangga ng truck at mag pagulong gulong sa gitna ng kalsada at bago pa man umalis ang aking ulirat ay nakita ko pa itong lumapit sa akin at binuhat ang aking ulo sa kanyang hita at nagsabi ng huling kataga bago ko pa lisanin ang perpektong mundo.
"i l-ove yo-u k-yle" at saka pumikit ng tuluyan ang aking mga mata.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 29, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Perfectly lossWhere stories live. Discover now