---
"Manong manong! Ihatid mo na kami! late na naman kami oh!" -pagmamakaawa ni ate kay kuya driver. Pero tama bang sigawan ang mas nakakatanda sa kanya? tsk. tsk.
"Hindi pwede maam. Di pa tapos yung kapatid mo" -err -_- nandyan nanaman yung word na 'ma'am' hindi ba pwede kaming tawagin sa sarili naming mga pangalan? Si papa naman eh. Siya yung boss, siya yung nagse-sweldo sa kanila, siya dapat masunod. Sabi pa niya sa mga trabahador dito na dapat tawagin kaming ma'am. Hindi naman ako sosyalin eh. Si ate, sosyalin yan. Payag siyang tawaging "ma'am'. Siya na nga yung parang nag se-second boss eh -_-
"Daaad !!"
"Tapos na ako! tapos na ako" -tumakbo patungo samin ang bunso naming kapatid. Grade 5 siya. Di kami umaalis ng bahay pag hindi kompleto. Pag ika'y mahuhuli, dun kana sasabay sa kotse nina mama't papa. Pero siguradong sigurado ako na mas magiging late kapa sa pinaka pinaka tardiest person in the whole wide of all widest world (overXD). Papasukin ka talaga nila papa sa school kahit recess na. Naka-try na ako niyan. tsk
kung tiinatanong niyo man kung saan o ano man ang ginagawa ko, eto lang naman ako.. minding my own business. Doing my assignment in chemistry. Knock-out bigla ako kagabi ehh
(p.s. anong ginagawa pag-sobrang nagmamadali ka? edi, get all the things you can) corni XD
Time check- 7:32 am
100% late. -_- sanay na
"Pia! look at your hair! para kang mangkukulam" - ate. What happened to my hair?!
*suklay*
*suklay*
*suklay*
antigas naman ng buhok ko! ah, tama, sa sobrang taranta ko kanina, nakalimutan kong mag-shampoo -_- mantakin mo, 6:30 na ako naligo. Si ate eh, magi-isang oras nang nagi-istambay sa CR. Parang nag-sukat ng gown eh no?
*suklay*
*suklay*
eehhh !! ang tigas talaga!! "ate, may vitress ka ba jan?"
"Vitress? uhm.." kinulbit-kulbit pa niya yung bag niya--
"Eto oh" kinuha ko na yung vitress ni ate at naglagay ng konti sa buhok ko.
*suklay*
*suklay*
ayan, medyo hindi na matigas. Habang nagtra-travel ang kotse, pumukaw pansin sa'kin yung lalakeng sasakay ng magandang magandang as in magandang kotse. Sinilip ko naman yung mukha niya ---- Kyopta! (cute) at sakto, nakatingin rin siya sa'kin. Mas Gusto ko pa sanang titigan kaso, dumiretso bigla yung kotse namin. Hmp! -.- Hindi ako landi ha. Sa isip lang. Sa isip lang XD
huh?! ba't huminto ang kotse?! ahh!! nasa school na pala!! Niligpit ko na yung mga gamit ko. Get all you can ako kanina eh. Sinuot ko na rin yung magkabilang medyas, yung sapatos. Sinuot yung I.D. Inayos konti yung buhok...
"ate! hintay!"
"Bilisan Mo!"
Bumaba na ako ng sasakyan at inayos ko ulit ang buhok ko -_- hindi ako mabagal kumilos! mabilis lang talaga kayo
"Huy ate! hintay!! >o< " - inaayos ko pa yung uniform ko
BINABASA MO ANG
Life School High (OnGoing)
HumorA story about a girl's High school life --- Open po yung comment box. Kaya, comment what you like. Pero, sana positive comments :) ^^ [my very first ongoing story] ^^