Chapter 44

365 18 2
                                    

Jaicy's POV

ILANG ARAW pa ang lumipas na hindi ako nangahas lumabas ng bahay namin. Ayaw kong magpakita sa kahit sino sa mga tao sa 'min. Natatakot ako na baka harapan nila akong husgahan. Natatakot ako na baka pati si Mama ay madamay sa panunuya ng mga tao sa akin at sa sekswalidad ko.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw kung ano na nga ba ang relasyon na meron kami ni Prince.

Kung ako ang tatanungin ay mahal ko pa rin naman s'ya. Hindi naman nawala o nabawasan iyon. Ito nga ang dahilan kung bakit ko ito ginagawa. Kung bakit ko pinipiling saktan kami pareho. Ito ang nakikita kong tanging paraan para maayos pang muli ang nalukot na relasyon ng mga pamilya namin.

Mahal ko s'ya kaya hindi ko kayang makitang unti-unting masira s'ya sa tao.  

"Hanggang kailan mo ko balak magmukmok sa loob ng bahay, anak? Hindi ko na matandaan kung kailan ka huling nasikatan ng araw. Baka magkasakit ka n'yan sa ginagawa mo..."

Napatigil ako sa pagtitiklop ng mga damit.

Maayos na itong nakasalansan sa aparador pero dahil sa pagkabagot ay nilabas kong muli para tiklupin.

"Hangga't hindi po tumitigil si Prince sa kakadalaw ay mananatili ako dito sa bahay. Ayaw ko po muna s'yang makita."

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Mama. Alam kong nahihirapan na rin s'ya sa sitwasyon ko ngayon. Daig ko pa kasi ang kriminal kung makapagtago sa mga tao. 

"Naghatid ako ng ulam sa mga Tito Otep mo kanina. Hindi raw kumakain si Prince."

Nagpanting ang tainga ko sa narinig.

"Si Ryu naman ay hindi mahagilap ng Tito mo no'ng isang linggo pa. Si Lei naman ay nasa Maynila raw. Ewan ko ba naman diyan sa mga kababata mo. May mga sariling mundo. Kung ako ang Tito Otep mo ay matagal nang tumirik ang mata ko sa tigas ng ulo ng tatlong iyon."

Teka... Nawawala si Ryu?

Ngayon ko lang din napagtanto na ang tagal ko na pala s'yang hindi nakikita. Ang huli pa naming pag-uusap ay iyong may nasabi akong masakit sa kanya. Tingin ko ay dinamdam n'ya ng husto iyon dahil simula noon ay hindi ko na talaga naramdaman ang presensya n'ya.

Naguguluhan na ako. 

Hindi ko na nga mawari kung paano aayusin ang sa amin ni Prince tapos dumagdag pa sa isipin ko ang nawawalang si Ryu.

Sino ba ang uunahin ko? Pareho silang mahalaga sa akin.

"Ilang na raw pong hindi kumakain si Prince?" nag-aalalang tanong ko kay Mama. May ugali na talaga iyon na nagpapalipas ng gutom lalo na kapag masyadong abala sa pagpipinta. Kaya nga minsan ay kinakailangan ko pa s'yang subuan dahil kung hindi ay matatapos talaga ang isang araw na walang laman ang tiyan n'ya.

Kaya n'yang magtiis ng gutom lalo na ngayon na may pinagdadaanan s'ya.

"Simula no'ng huling punta n'ya dito. Sinabihan ko kasing bigyan ka muna ng panahong mag-isip. Ayun at nagkulong sa kwarto ay hindi na kumain. Nag-aalala na kami ng Tito mo. Hindi rin kasi s'ya pinagbubuksan ng pinto ni Prince."

Parang pinisil naman ang puso ko sa narinig. 

Hindi ko naman inaasahan na masyado pa lang didibdibin ng nobyo ko ang ginawa kong paglayo. Ang nasa isip ko kasi ay baka maisip rin n'yang mas importante ang career n'ya kaysa kung ano'ng meron kami.

Art Of The Devil (Devil Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon