Gangster:07

150 5 0
                                    

"Manang alis na po ako"

"Ha sige anak magingat ka ha sana makahanap ka ng school mo "

"Salamat po"

"Sige alam mo na ba pasikot sikot dito"

"Dipa po pero magtatanung nalang po ako"

"O sige basta magingat ka "

OK kaya ko to naku San kaya ako maghahanap ng papasukan ko diko naman alam kung saan ako pupunta.Sisimulan Ko ng maglakad ah magtatanong nalang ako sa guard sa gate.

Oo nga pala ang kukunin KO ay Cullinary Gusto ko kasing mag Bake tapus gusto ko din magpatayo ng sarili kung Bakeshop.

"Oh aalis na to ho aalis na "

"San kayo Ma'am "

Tanong ng lalaki sakin

"Hmm San ba dito School"

"Ah sige Maam sakay na dadaan po to ng IJS"

Ha ano yun diko alam sige na sasakay nalang ako titingin nalang ako sa bintana baka may makita akong school dito. ano ba yan kasi ka asar bakit kasi wala ako sa bundok hahaha ngayon diko alam tuloy pupuntahan ko dapat pala nagpasama ako Kay Manang para di ako mawala.

Ano kayang itsura ng school nila siguro maganda at madami sigurong mayaman at sosyal dun.Ako kasi simple lang nakapalda ako ng mahaba at T-shirt lang with matching sandals na flat.

"Oh sinong baba ng IJS"

Teka ito naba yung sinasabi ni Manong na school,Oo nga may school nga.

"Teka po manong baba pa ako"

"Bilis"

Agad agad akong bumaba sa wakes yes nakita ko nadin ang school nila dito,kaso ang tanong maypapasukan kaya ako tatanggapin ba ako ? Sige push nato papasok nalang ako at magtatanung.

"Miss San ka pupunta"

"Ah manong pwede pa pong magenroll "

"Pwede pero ikaw mageenrol"

Tinignan niya ako pababa wow nakakainis napaka judgemental namann niya pinakita KO yung dala kung requirements.

"Ah sige pasok kana"

Hmm kung pwede lang hihampas sa mukha niya to eh bwicit porket ganito lang ang suot ko ang sama niya San kaya ang enrollment dito.

"Ah excuse me San po ang enrollment dito"

Tanong Ko sa babaeng nakasalubong ko pero Hindi siya sumagot bagkos tinignan niya lang ako pataas,pababa kaya naglakad nalang ako.

WaaaaHh kanina pa ako pabalik balik pero Diko pa alam kung saan mageenroll.Makaupo na nga muna pagod na ako buti nalang may bench dito. habang nakaupo ako pinapanuod ko nalang lahat ng dumadaan puro maarte ang mga tao dito diko ako bagay,kung maghanap nalang kaya ako ng school na iba,kaso ang tanong makakahanap paba ako.Hay juice colored panu na to.

The Gangster And The Promdi GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon