Long distance relationship.
Unang taon, kinakaya ko pa. Kinakayang magtiis, kinakayang hindi siya nakakasama, kinakayang hanggang internet-internet lang.
Pero sa mga nagdadaan pang taon, bakit unti-unti akong bumibigay?
Unti-unti kong nararamdaman yung hirap na hindi man lang mahawakan miski laylayan ng damit niya.
Yung hirap na hindi ko siya magawang mayakap, makausap, makasama sa personal.
Yung hirap na hindi mo man lang magawang sabihin sakanya sa personal kung gaano siya kaimportante, kahalaga at kung gaano mo siya kamahal.
Papaano ba ako napasok sa gan'tong klaseng relasyon?
Papaano namin nalampasan ang ganitong klaseng sitwasyon?
Sa totoo lang, hindi ko alam eh..
Hindi ko alam kung papaano kami nagtagal.
Basta ang pagkakaalam ko, hindi kami bumitaw kahit may mga pagkakataong gustong-gusto na naming bumitaw.
Nag-hold on kami sa pangako naming dalawa na balang araw, magkikita rin kami.
Nagpakatatag kami kahit alam namin na balang araw... Isa saamin ang bibitaw.
Pero akalain niyo iyon? Akala namin hindi namin kakayanin ang long distance relationship, pero 'akala' lang pala iyun.
Nagtagal kami. Hindi nga lang forever dahil sabi nga nila, walang forever.
Pero para saamin, forever na iyong kapurit na pagkakataon na nagkasama kami.
Dahil ang forever, hindi lang yan nasusukat sa tagal ng pinagsamahan.
Minsan, nasusukat din yan sa tagal ng pagmamahalan.
Kaya niyong gumawa ng forever kahit sa kapurit na panahon lamang. As long as mahal niyo ang isa't-isa.
Iyon ang pinanghawakan namin.. Kaya until now, may salitang 'forever' parin ang namamagitan saamin.
Kaya heto ako ngayon.. Sinusulat ko ang love story namin.
Ayoko man isulat dahil ang sabi ng iba, in every story there's an ending.
Pero nagkakamali sila.
Duh? I'm the writer here.
Ako ang magsusulat sa kapalaran namin. Ako ang bahala kung happy ending, happily ever after at to be continued ba ang istorya namin. Dahil ako nga ang writer.
Nasa saiyo kung bibigyan mo ng katapusan ang istorya mo. At nasa saiyo din kung dudugtungan at dudugtungan mo ang istoryang isinusulat mo.
Matapos man ang forever namin, pero hinding-hindi mawawala at matatapos ang pagmamahalan naming dalawa.
Ako si Ella Patricia Alvarez.
And that's how we handled our so called long distance relationship.
******
Copyrights © 2015 by IllyciaAbuan stories.
ALL RIGHTS RESERVED. This is a fictional story. All of the characters and scenes are produced by the author's imagination. Any unauthorized reprint or use of this material is prohibited.
Any resemblance to real persons, living or dead, events, places and/or other stories is entirely coincidental and not intended by the author.