Mag-a-alas otso na pero wala pa rin si Silas. Nakailang text at tawag na ako pero hindi siya sumasagot. Kinakabahan na ako dahil hindi naman siya nahuhuli sa trabaho. Madalas nga nauunahan niya pa akong pumasok. Madalang na nauunahan ko siya.
Kanina pa ako patingin-tingin sa pinto para abangan siya. Sa tuwing may papasok, aakalain ko na siya. Nagtatanong na rin ang mga kasama namin kung papasok ba siya pero wala akong maisagot dahil ako mismo ay hindi ko alam. Nasaan na kaya 'yon?
Muli kong tinawagan ang numero niya pero kagaya kanina ay wala pa ring sagot. Nakita ko ang numero ni Serge kaya hindi na ako nagdalawang-isip pang tawagan siya. Nakakadalawang ring palang nang sagutin niya na.
"Hello, Ru. May problema ba?" bakas agad ang pag-aalala sa boses niya. Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga bago nagsalita.
"Serge, kasi si Silas, wala pa rin hanggang ngayon. Mag-a-alas otso na. Mahuhuli na siya sa trabaho." pagkwento ko. Natahimik ang kabilang linya. It took him several seconds before he talks again.
"Natawagan mo na ba?"
"Nakailang tawag at text na ako pero walang sagot." matagal muli bago sumagot si Serge. Kinakabahan na talaga ako. Kung wala namang problema si Silas, sasagot naman 'yon sa mga text at tawag ko. Hindi kasi siya ganito.
"Sir..." boses ng isang babae ang narinig ko mula sa kabilang linya.
"I have an emergency. Let's move the training at one." sunod kong narinig ay ang mabibilis na hakbang sa kabilang linya.
"Hello, Ru.." si Serge. "Pupuntahan ko siya sakanila." sabi ni Serge.
"Diba may training ka pa? Baka hindi lang nakasakay agad si Silas, Serge. Sige na. Huwag ka ng umalis dyan." natatarantang sabi ko. Shit. Hindi niya pwedeng iwan ang kompanya nila. Dapat pala hindi ko na tinawagan si Serge. Ikokompromiso niya pa tuloy ang training niya.
"I'm on my way now." muli akong nagpakawala ng buntong-hininga. Kilala ko si Serge. Kahit pigilan ko siya, hindi na naman siya magpapaawat pa. He's just too good that he's willing to compromise things for other people. Hindi naman ibang tao si Silas pero sa pressure na ibinibigay sakanya ng mga magulang niya, hindi na dapat siya nagsasayang ng oras. He needs to train. Siya ang inaasahan ng mga magulang niyang magpatakbo ng kompanya nila.
"Mag-ingat ka. Balitaan mo ako kapag nakarating kana." nag-aalalang sabi ko.
"I'll drop the call now." tumango ako kahit hindi niya naman makikita. Naputol ang tawag at domoble lang ang kaba ko.
Alas otso na at wala pa ring Silas na nagpakita. I don't have a choice but to put my phone on my locker. Nagsimula na ako sa pagtatrabaho ng wala sa sarili.
"Ayos kalang ba, Roseph?" puna ng katrabaho ko nang makita niyang tulala ako. Gusto ko ng maglunch para masilip ko na ang cellphone ko. Baka may balita na si Serge. Ano ba kasing nangyare kay Silas at hindi siya nakapasok?
Nang pumatak ang alas dose ay agad kong kinuha ang cellphone ko. I was anticipating for messages from Serge but there's none! Kahit missed call ay wala. Triple na ang kabang nararamdaman ko ngayon. Dapat kanina pa ay may text na siya. Imposibleng wala.
Nakarating ba siya sa bahay nina Silas? Nagkita ba sila?
I dialed his number. Tangina. Nakapatay.
Ano bang nangyayare?
Si Silas naman ang sunod kong tinawagan pero kagaya nang kay Serge ay nakapatay din ang cellphone niya. Hindi ko na kaya 'to. Pinagpapawisan na ako ng malamig sa sobrang kaba. Hindi na rin maayos ang paghinga ko dahil sa pag-aalala.
BINABASA MO ANG
When We Were Young
Teen FictionA story that will revolve on friendship, dreams, sacrifices, and love.