Chapter 2

1 0 0
                                    

Kinabukasan maaga akong nagising, alas singko pa lamang ng madaling araw ay nasa kusina na ako naghahanda ng mga iluluto ni mama para sa agahan. Kasi naman e, kahit anak mahirap ako ay hindi ako marunong magluto. Kung nakakapagluto naman ako ay parating may kulang o sobra. Nakakawalang gana lang kaya bawat araw ay tinitiyak ko na lamang na matutulungan ko si mama sa pagluluto. Ninais ko din namang matuto kaya lang, wala yata talaga sa akin ang talento ng pagluluto.

Maya-maya lang ay naaninag ko na si mama na pababa ng halos sira-sira na naming hagdanan, hindi pa siya nakapaghilamos. Mapungay pa ang mga mata habang papalapit sa akin. Maganda si mama, matangos ang ilong, maputi at maganda ang kurba ng labi kaya noon ay parati siyang napapasali sa iba’t ibang beauty contest, hindi ko nga alam kung saan ko ba namana ang kapangitan ko. Wala rin akong talento bagaman talentado si mama, matalino naman ako konti pero mas matalino pa rin si mama. Minsan nga iniisip ko na baka ampon lang niya ako e. Pero hindi rin ata ako ampon, kuhang-kuha ko ang hitsura ng papa ko e. Ang gulo lang. Jusme

Nang makalapit si mama ay nginitian niya ako.

“Good morning, anak. Kamusta ang tulog mo? Hindi kana nakapaghapunan kagabi. Nahirapan kaba sa first day of school?” pag-uusisa ni mama habang nagsasalin ng tubig at nagmumog mula rito.

“Hindi naman masyado ma, kaso nga lang e ang daming confidence ang nawala sakin. Biruin mo ma, pinasayaw kami tapos kanta? Jusqo ma nakakapagod, sobra,” tuloy-tuloy kung koda kay mama. Sa kanya lang ako at kay Yannie nakikipag-usap ng ganito madalas kasi tahimik lang ako.

Masyado kasing malaki ang boses ko kaya sa tuwing nagsasalita ako ay inaakala ng iba na galit na ako. Kaya minabuti ko nalang na manahimik.

“O siya, damihan mo nalang ang kain mo mamaya ha nang sa gayon ay mabawi mo ang sustansyang di mo nakuha kagabi,” saad ni mama. “Maligo kana at maghanda sa pagpasok, tatawagin na lamang kita kapag tapos na akong magluto,” nakangiting dagdag pa nito.

“Okay po.”

“Siya, umakyat kana.”

Tumango na lamang ako bilang tugon kay mama at tuluyan nang pumanhik sa taas. Kumuha ako ng tuwalya at inihanda ko na ang aking uniporme na sa pakiwari ko’y dumating kahapon. Pagkatapos ay dumiritso na ako sa banyo na nasa likorang parte ng bahay namin.

Nagmadali na akong maligo nang sa gayon ay makakain na ako, dadaan pa kami ni Yannie mamaya sa pinakamalapit na department store upang bumili ng kakailanganin namin sa major subjects namin.

Nang matapos na akong maligo at magbihis ay sakto namang pagtawag ni mama sa akin.

“Lexi, bumaba kana at mag-aagahan na tayo,” si mama.

“Opo. Pababa na,” sagot ko naman kay mama.

Patakbo akong nanaog dahil ramdam ko na talaga ang gutom, at mas lalo pang kumalam ang aking tiyan nang makita ko ang agahan. Sinangag, hotdog, itlog at tuyo. Mmmmmmmm, heavy breakfast. Napansin ko din na may gatas din sa baso na alam kung inihanda ni mama para sa akin.

Napangiti ako.

“Kain na, baka darating na si Yannie maya-maya lang,” anang mama.

Ngumiti na lang ako at nagsalin ng pagkain sa plato at nagsimulang kumain. Mahirap lang kami pero sinisigurado ni mama at papa na nasa maayos akong lagay at makakain ng tama. Construction worker si papa habang market vendor naman si mama. Nag-iisang anak nila ako kaya naman nasa akin lahat ng atensyon nila. Wala dito ngayon si papa dahil sa Bohol siya nakadestino, isang malaking kompanya ang pinagtatrabahuan niya.

“Ma?” tawag ko kay mama.

“Mmmm?” sagot naman niya.

“Kasi ma ano e, may kailangan kaming bilhin para sa major subjects namin,” nahihiyang ani ko kay mama.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 01 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Uncertain Endings Where stories live. Discover now