Hoof.. Paano kaya nangyari yun? Bakit nandito si kuyang naninigaw? Like anong ginagawa niya? At bakit siya papuntang Palawan? Hay naku po.. Actually, kaya ako tuliro ngayon dahil takot ako sa kanya.. Remember nung sinigawan niya ako? Yun yun. Ayoko masigawan ulit.. May phobia ako sa sigaw-sigaw na yan eh.. Pero kasi yung magazine familiar ang model eh.. Makabili nga nun mamaya..
At last, we finally arrived.. At si kuyang naninigaw? Hindi ko alam dahil tumabi ako sa mama ko..
"Mama, punta muna akong convenience store may bibilhin lang ako.."
"OK. Bilisan mo darating na ang sundo natin.."
"Mauna na po kayo.. Susunod rin po ako.." Kasi naman na-iintriga ako dun sa model.. Familiar ang mukha.. Hinanap ko agad ang summer issue ng magazine tapos tiningnan ko muna.
Sabi na nga ba eh kaya pala familiar si Maggie to eh.. Maggie Ocampo. Maggie Ocampo.. Nag-momodel na pala siya.. Tss.. kala ko pa naman wala siyang hilig dun.. Well, Maggie is a friend of mine.. childhood friend, best friend, close friend at kung ano pa.. Binayaran ko na agad ang magazine at lumabas. Nakita ko na ang van ng resort kaya nag-madali akong lumabas at pumunta dun tapos binuksan ang van at umupo..
"Mama, si Magg---"
shocked face.. sabay nganga.. -ako (not good with emoticons..)
shocked face sabay who-are-you face - tao sa loob..
Nakakahiya.. Ano ba ginanagawa ko dito.. Nasan ba sina Mama?
"Ahmm.. Sor--"
"Maam Blanche!" driver.. Kilala niya ako? Oo nga pala. Driver ng resort namin.. Ako nag-interview sa kanya nun eh..
"Manong Jun!" haha buti na lang at kilala ko lahat ang employees namin sa resort.. 2 months lang naman akong nawala..
"Maam, sa kabilang van po kayo.. kanina pa po kayo hinihintay.."
"Ah, ganun ba? Sorry sa inyong lahat.. Sige po.. " Paalis na ako ng van nang may marinig akong nagsasalita..
"Tsk.. How assumptive!" siya yung kuyang naninigaw.. Ano ba problema niya sa'kin? Pero nahihiya pa rin ako.. Pero bakit nasa van siya? Don't tell me? NO way!
Paul's POV
Nabigla ako nang makita ko siyang binuksan ang van at umupo sa tabi ko.. Hala! Ang kapal. Yung iba naman nagtataka kung sino siya.. May pa-flip-flip pa siya ng magazine. Siguro kung nandito na ang driver nadala na namin to.. Nag-CR pa kasi dahil 1 hour din daw ang biyahe namin..
"Mama, si Magg---" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya sana..
shocked face.. sabay nganga.. -siya
shocked face sabay who-are-you face - kami
"Ahmm.. Sor--"
"Maam Blanche!" driver..huh? Kilala siya ng driver?
"Manong Jun!" masigla niyang tawag dun sa driver..
"Maam, sa kabilang van po kayo.. kanina pa po kayo hinihintay.."
"Ah, ganun ba? Sorry sa inyong lahat.. Sige po.. "
"Tsk.. How assumptive!" yun na lang nasabi ko..
Hindi ko maiwasang isipin kung bakit kilala ng driver si Cabin Girl kaya naman tinanong ko siya.
"Kuya, bakit niyo po kilala si Blanche?"
"Kilala mo rin siya Paul?" tanong ng manager sa akin..
"Ahm.. Not really.. She happened to be my classmate. That's why." Tama naman di ba? Hindi ko siya kilala..
"Si Maam Blanche po ang may-ari ng resort na tutuluyan niyo po.." Siya ang may-ari?
BINABASA MO ANG
Billionaire's Daughter Love story
JugendliteraturWhat if nakita mo na pala ang destiny mo pero hindi mo pa nalaman na siya yun? What if nasa harap mo lang pala siya but you refuse to accept it dahil hindi mo naman siya gusto? What if ayaw niyo sa isa't-isa pero sabi ng destiny niyo, "You are meant...