Chapter 1

13 0 0
                                    

*(ALARM CLOCK)* “Aaaahhh! 7:30 na! Late na ako! First day pa naman namin ngayon.”sabi ni Stephanie na hawak-hawak ang kanyang alarm clock na nag-iingay na. First day pa naman nila ngayon at siya’y nasa fourth year high school na. “Kung mina-malas ka nga naman oh.” Sabay ng pagsabi niya nito ay siya ring pagbangon at pagmamadali upang hindi pa lalong mahuli sa klase. 8:00 ang simula ng kanilang klase at medyo malayo-layo pa naman ang kaniyang bahay papunta sa eskwelahan.

 7:55 na siya naka-alis sa kanyang bahay ng hindi nag-aalmusal. Nagmadali na siyang maghanap ng sasakyan ngunit tila minamalas nga siya dahil ngayong umaga ay nagka-traffic. Nang siya’y bumaba na sa kanyang binababaan ay naglakad siya ng mabilis at sa kanyang paglalakad ay nakita niya ang isa niyang kaibigan na si Stacey. “Staaaaaaaceeeeeeey!!!” pasigaw na sabi ni Stephanie. Huminto naman si Stacey nang marinig ang kaibigan at inatay ito. Nang makalapit na si Stephanie sa kanyang kaibigan ay nagtanong ito kung bakit hindi siya nagmamadali.

     “Bakit naman ako magmamadali? Nakalimutan mo na ba na ngayon ang opening ceremony para sa mga freshmen? Kaya okay lang na magpalate tayo at saka first day ngayon wala pa naman tayong masyadong gagawin eh kung hindi mag-introduce at orientation lang sa tin.” Pagpapaliwanag ni Stacey. “Aahh. Kaya pala. Sabagay tama ka. Hahahaha.” Sagot naman ni Stephanie. Nagtawanan na lamang ang magkaibigan habang naglalakad.

 Pagkarating nila sa eskwelahan ay agad silang dumiretso sa bulletin upang malaman ang kanilang mga section. Nakipagsiksikan si Stephanie sa dami ng taong tumitingin na kanilang classroom at si Stacey naman ay humingi na lamang ng pabor kay Stephanie na hanapin ang kanyang pangalan. “A – A – Alonzo – Alonzo – Alonzo, Stephanie. Section: 10-Trustworthy. R – R – R – Rivera – Rivera, Mitchell – Rivera, Stacey. Section: 10-Trustworthy. AAAAAAHHHHHHHHH! STAAAACEEEEEYY!!! BESTFRIEND! Magka-klase na naman tayo!!! AAAHHHHH!”

  “Ang OA mo naman friend. Classmate na nga tayo ng 3 taon sa HS eh. Hindi ka pa ba nagsasawa? Hahahaha,” sagot ni Stacey sa kanyang kaibigan na nagpapaka-oa sa kakasigaw. “Hahahaha. Sabagay huling taon naman na natin sa high school eh.”

 “Maka-emote ka naman te. Kala mo wala nang college. Pwede pa naman tayo maging school mate di ba?” ang sagot naman ni Stephanie sa kanyang kaibigan.

 “Tse. Tara na nga. Anong oras na oh. Tapos na ang opening ceremony at ang taas pa ng room natin. 4th floor pa tayo the. PInapagod tayo ng school eh. Dapat may eleveator dito o kaya naman escalator man lang,” pagyaya ni Stacey kay Stephanie.

 Matapos tignan ang kanilang mga section ay agad na silang umakyat at nagkwentuhan na lamang ng mga nangyari noong bakasyon. Pagkarating sa ikaapat na palapag ng gusali ay agad nilang hinanap ang kanilang classroom at naghanap ng mauupuan at ipinagpatuloy ang pag-uusap habang inaantay ang kanilang homeroom adviser.

Maya-maya’y dumating na ang kanilang guro at sila’y inayos pinalabas muna upang ayusin ang kanilang seating arrangement base sa kanilang pangalan. Nakaupo sa likod si Stacey samantalang sa harapan naman si Stephanie. Ang ayos ng kanilang mga upuan ay by pairs. Sa kasalukuyan ay wala pang katabi si Stephanie dahil late ito at wala siyang kaalam-alam kung sino ang kanyang katabi. Matapos ayusin ang kanilang upuan ay nagsimula na ang kanilang orientation.

 Makalipas ang 15 minuto ay may dumating na isang lalaki.

 “Mr. Alegre. You’re late. First day na first day. O diyan ka sa tabi ni Ms. Alonzo uupo,” wika ng kanilang guro.

 “Sorry sir. Na-late po ng gising eh,” ang sagot nman ng estudyanteng kadadating lamang. Lumakad na ito papasok sa classroom at dumiretso sa tabi ni Stephanie.

 “Hi Steph,” pagbati na binata kay Stephanie. “Hi Louie,” ang pagbati rin ng Stephanie kay Louie na may kasama pang ngiti.

 “Ayiiiieeee. Hahahaha,” pang-aasar ng kanilang mga kaklase sa kanilang dalawa.

 “Tumigil nga kayo,” pagsaway ni Stephanie sa kanyang mga kaklase. 

“Nice one bro!” pang-aasar din ni Rainier na kaibigang matalik ni Louie. 

“Hay naku Rainier. Ayan ka naman. Tumigil ka nga. Landi mo bro. Hahaha,”pagsaway din ni Louie sa kanyang kaibigan.

 “O siya, siya. Mga bata. Magsitigil na kayo at itutuloy na nain an gating pinag-uusapan at magbobotohan pa tayo,” ang pagsaway naman ng guro sa kanila upang tumigil na. 

Tumigil naman ang klase at nakinig na lamang sa kanilang guro.

 “Oy Louie. Bakit parang namumula ka ata?” pag-uusisa ni Stephanie sa katabing nananahimik.

 “Ah. Ahh. Wala lang to. Mainit kasi eh,” pagpapalusot naman ng binate sa kanyang katabi.

 “Okay.” Matapos nun ay nanahimik ang dalawa at nakinig na lamang.

 Sa loob-loob ni Louie ay kinakabahan siya at parang bumubilis ang pagtibok ng kanyang puso. Namumula rin ang mukha niya. Kinakabahan ba siya dahil first day nila? Bakit siya namumula? Kung mainit, bakit siya lang namumula? Si Stephanie naman ay kalmado lamang at nakikinig lamang sa kanilang guro nang nakangiti. Bakit kaya?

Finally InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon