Chapter 27 - Road Trip

9 0 0
                                    

"Salamat Panginoon! Tapos na ang enrollment at magclassmates pa tayong tatlo. Welcome to Block A Kai!" Lily overstretched her arms warmly welcoming Kai into our section, and smiling at him.

"Finally, we're blockmates." Kai looked at me wearing a smile from ear to ear.

"Hindi ako makapaniwala 3rd year na tayo, kunting kembot nalang at mag-iintern na tayo." With her daydreaming eyes and excited smile, Lily waved at our old classmates who made it to Junior Year.

"Indeed, it's the start of bloody war." Kinakabahan kong ani hawak ang Bishop na aklat sa kaliwang kamay ko. Wala man lang pink na book cover na nakita ko.

"Tama ka Cassie, ito na ang simula ng madugong labanan ng utak, kaluluwa, at lakas ng loob pero kahit anong mangyari sabay tayong gagraduate. Walang iwanan?" Sobrang taas ni Lily na para bang Tiktok influencer sabay inabot ang kamay niya iniimbitahan kaming sumali rin.

"WALANG IWANAN!" Sabay naming ipinatong ni Kai ang kamay rin naman sa kamay niya at sumigaw ng "LAVARN LANG!" pagkatapos ay itinaas ang aming kamao sa ere kaya't pinagtinginan kami ng mga freshmen at sophomores.

"Ate, ikaw po ba si Cassandra Valdez?" Napalingon naman kami sa isang babaeng enrollee na hawak-hawak pa ang kanyang enrollment form.

"Yes, why?"

"Nakita ko po kasi ang pangalan niyo sa Bulletin board. Ang amazing niyo po, pwede po ba humingi ng advise?" Napaisip tuloy ako kung anong dapat kong isagot sa kanya. Subjective kasi eh. Naalala ko tuloy nung first year pa ako nung nagtanong ako sa mga Seniors ay sinagot lang nila ako ng "SHIFT!" na para bang may halong sumpa ang kursong 'to.

"Kung nagpaenroll ka ng MedTech dahil yun ang sabi ng parents mo or nakisabay ka lang sa barkada mo, HUWAG KA NG TUMULOY BAKA MAGSISI KA!" Siniko ako ni Lily, ngumuso at sinamaan ako ng tingin.

"Totoo naman ah," palaban kong sagot.

"Real talk masyado si Ate Cassie mo nuh pero tama naman siya. Mahirap ang MedTech hija at kung mahina ang loob mo SHIFT KA NA ngayon pa lang!" Parang gusto ng umiyak ng bata at nakayuko sa hinahawakan niyang enrollment form na kalahati nalang at matatapos na siya. Nag-iisip siguro kong tama ba 'tong pinasok niya.

"Mas harsh ata ang sinabi mo eh," ani ko sabay hawi ng buhok.

"Supporting actress mo ako diba?" Ngumisi lang siya ng nakakainis at nanlumo naman ang batang humingi ng payo sa amin.

"Thanks mga Ate," malungkot niyang sagot.

"What's your name?" singit ni Kai sa likuran namin.

"Trina po."

"If you are really passionate Trina then for sure you will become a good RMT in the future." Pampalubag loob naman ni Kai. Kahit papano ay tumango si Trina at bumalik ang masiglang ngiti sa kanyang mga labi.

"Thank you Kuya. Bagay po kayo ni Ate Cassandra." Nabigla naman ako sa sinambit niya at parang inasinang uod itong katabi ko na tinulak pa ako buti nalang at nahagip agad ako ni Kai bago pa ko mabangga sa pinto ng office.

"Krazy ka!" saway ko kay Lily at nag good job hand sign pa siya sa 1st year na parang hindi ako muntik mabangga.

"Diba diba?" Nakipaghigh five pa talaga siya kay Trina at kilig na kilig silang dalawa. I bit my lips in embarrassment I can't even look at Kai.

"Good luck sayo Trina ha. LAVARN lang!" Lily winked with a fighting spirit hand sign before we waved goodbye at her.

"Anyway, we still have a week to rest before classes start right?" Kai spoke and offered to bring my tote bag with the books and lab manuals we bought from the bookstore. Maaga na kami bumili bago pa kami maubosan.

Sincerely, Your DearestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon