Chapter 28 - Falling

7 0 0
                                    


"Good morning Manang! Good morning Manong!" Naalimpungatan ako nang marinig ang boses ni Kai na dumadagundong sa buong bahay.

"Anong oras na ba?" paos ang boses kong kinakapa ang cellphone ko sa ilalim ng unan ko. Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama at inalis ang makapal na kumot ko. Pagtanaw ko sa bintana, pakiwari ko'y nananaginip pa rin ako sa sobrang kapal ng hamog na nakapaligid. 6 AM pa pala, sobrang aga naman nitong nag-iingay. Nagdesisyon akong bumalik na sa paghiga at dahil nga medyo malabo pa ang paningin ko ay hindi ko napansin na hindi ko pa pala abot ang kama kaya't imbes na sa kama ang destinasyon ay natapilok ang isang paa at sa kawayang sahig ang bagsak ko.

"Not again!" I groaned in pain rubbing my sore back.

"Cassie?! What happened to you?" Heto na naman si Kai at sobrang OA sumaklolo sa akin. Baka akala pa nito ay nahulog ulit ako mula sa kama o hinimatay. Mas bagay sa kanya magnurse eh hindi MedTech.

"Natapilok lang ako." Nakatakip ang isang palad ko sa bibig kong sumagot sa kanya dahil wala pa nga akong toothbrush. Nakasuot kami ngayon ng makapal na fur jacket dahil mas malala pa ang lamig dito keysa sa AC namin sa OZ.

"Please be careful." Tumatango lang ako sa kanya at imbes na bumalik ng tulog ay bumaba na kami para kumain ng almusal.

"Teka, anong oras na pala tayo nakarating?" Napahinto si Kai at tumingin sa akin.

"9 PM," sagot niya sabay hinila ang silya at sumenyas ang mga mata niya para maupo ako.

Umiinom ng kape si Manang Riza sa tinimplang kape ni Manong Mike. Purong itim na kape ito mula sa pananim namin. Magtatanong pa sana ako kasi ang huling naaalala ko ay nasa sasakyan ako nakatulog ng malalim at wala akong maalala na lumipat o naglakad ako sa kwarto ko pero hindi ko nalang din tinuloy nang inabot niya ang kutsilyo at naghiwa ng pinya at hinain ito sa gitna ng mesa.

"Gising na pala ang ating munting prinsesa. Ang aga nagluto ni Kai para sayo hija."Nakangiting bati sa akin ni Manang Riza suot ang makahulogang tingin niya sa aming dalawa ni Kai.

"Manang hindi na po ako bata. Tumangkad na po ako," palihim namang tumawa si Kai na umupo sa tabi ko.

"Totoo naman ah." Siniko ko si Kai at nagpipigil lang talaga siya ng tawa na para bang may naalalang nakakatawa.

"Nakakatuwa kayong tignan hijo, noong mga bata pa kayo naglalaro lang kayo diyan sa labas mas matangkad pa si Cassandra noon sayo pero ngayon mas bagay na talaga kayo lalo na sobrang tumangkad na itong si Kaikai natin." Umakbay si Manong Mike sa kanyang asawa, hawak sa isang kamay niya ang kanyang kape tinititigan kami nagbabalik-tanaw, nilalagay kami sa isang masayang larawan. Si Manang Riza ang pinsan ni Papa pero ayaw niya kasing tawagin siyang Ante/Tita, mas gusto niyang tawagin siyang Manang kay nasanay na rin kami ni Kai.

"Nga pala, magandang maligo sa talon ngayon para masulit niyo ang pagbisita niyo dito. Naaalala niyo pa ba ang daan papunta doon?" Sumigla ang mata ko nang marinig ang isinaad ni Manang Riza sa amin. Tinikman ko ang luto ni Kai na broccolli at cauliflower na may butter at malaking hipon. Ninamnam ko ang sauce at mga half-cooked na gulay. Nagising talaga ako sa sobrang sarap ng gulay na luto ni Kai.

"Hindi na po masyado eh! Pwede bang isama namin si Kuya Reni?" ani ni Kai habang hinihimay ang hipon sa plato niya. Hindi pa siya kumakain at naghihimay muna ng maraming hipon.

"Mabuti pa! Para sulit ang byahe niyo dito. Atsaka 'wag kayong mag-alala dahil pwede ng makapasok ang sasakyan doon para hindi na masyadong malayo ang lalakarin ninyo," saad ni Manang Riza habang nilalagyan siya ng ulam ni Manong Mike sa plato, sinisilbihan na parang prinsesa.

Sincerely, Your DearestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon