AT:2

19 4 9
                                    

“Good evening, Teh,” bati ko kay Terrence. Naabutan ko siyang nasa sala at naghahalo ng kape sa tasa.

“Good eve. Dinner ka na.”

After kong mailagay sa shoe cabinet ang sinuot kong white shoes, dumiretso na kaagad ako sa kusina.

Sa townhouse kami nakatira. Co-owned namin ‘to at fully paid na rin noong 4th year anniversary namin bilang magka-live in. Sa ngayon, hindi pa namin naipaayos ang harapan pero may fence na. Mas nag-invest kasi kami sa loob ng bahay. Maliit lang ang sala pero swak na para maging mini cinema kapag weekends. Projector lang at white screen, pwede na. Wala rin kaming television. Medyo mas malaki ang space ng kusina dahil dining na rin namin ‘to.

“Anong dinner?”

“Nagluto ako ng adobo.”

Swak na househusband si Terrence. Hindi siya nagger, buti na lang. Malinis siya sa lugar. Parang araw-araw din yatang may general cleaning dito at nagsisikintaban ang mga gamit. Meron kaming aparador na punong-puno ng cleaning materials. Nakumpara ko tuloy sa pantry namin na cereal at mga kape lang ang nakalagay.

Parehas kaming hindi mahilig sa pagkain pero kung sa pagluluto naman. Sige, ibibigay ko ang stage kay Terrence. Matutulog na lang ako.

Mag-isa lang akong kumakain ng hapunan. Si Terrence naman ay tulala lang sa sala. Ganito kami kapag may kanya-kanyang ginagawa. Walang nangungulit. Wala ring maingay. Mas gusto namin na mag-enjoy sa kanya-kanyang interes kaysa may pinipeste na isa. 

“Tapos ka na?” tanong ni Terrence sa akin nang magpunta siya sa lababo para ilagay ang pinaggamitang tasa. “Akin na plato mo.”

“Hindi ba, shift mo na?” Alas sais y trenta na sa wall clock. 

“Nag-log in na ‘ko, don’t worry. Hinintay lang kitang makapag-dinner bago ako bumalik sa taas.” Nagsimula na siyang maghugas ng pinggan.

“Magbibihis lang ako,” paalam ko sa kanya. “By the way, salamat sa adobo.”

“Syempre, paborito mo ‘yan, eh.”

Nginitian ko lang siya. Ngumiti lang din siya.

Wala akong reklamo kay Terrence. Hindi rin kami touchy na live-in partner. Para lang kaming mga pusa na natutong mag-coexist sa isa’t isa. May reklamo ba ako doon? Ang sabi ko nga, wala.

Nakalabas na ako sa kwarto nang makita ko siya na paakyat naman.

“Dinala ko na bag mo para ‘di ka na bumaba. Matulog ka na rin kaagad.”

“Thanks.” Kinuha ko ang bag mula sa kanya. “Inaantok na nga rin ako.”

Bago pa ako pumasok sa kwarto, isang ngiti na naman ang ibinigay namin sa isa’t isa.

“Good night, Acy.”

“Galingan mo sa work, Teh.”

Sa kabilang kwarto pumasok si Terrence. Nandoon kasi ang dalawang PC (tag-isa kami) at mga bookshelves. Kumbaga, yun ang opisina niya at mini library ko. Dito naman sa pinasukan ko, closet at bed namin ang nandito. Suggestion ko na ganon ang maging sistema namin dahil WFH din siya at ayokong maipaghalo niya ang space kung saan magpapahinga at space kung saan siya required na maging productive. 

Nakapikit na ako nang maramdaman ko ang paggalaw ng kama, brasong nakapulupot sa akin at may nakapatong pa sa balikat ko.

“Hoy, start na ng trabaho mo,” suway ko kay Terrence na may oras pang yumakap sa akin kahit nasa kalagitnaan na ng shift niya bilang graphic designer.

Adult ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon