AT:4

11 4 17
                                    

"Buti naman at may gana kayong bumisita dito. Ayoko nang makita ang blurred na mukha ng apo ko. Kung ano-ano lang naiisip ko."

Hindi pa umiinit ang pwet namin ni Terrence sa bamboo na seat ni Lola Erna, nagbubunganga na kaagad siya sa amin.

"Good morning po, Lola ha," bati ko sa kanya para kumalma naman siya pero mas lalo pa yatang uminit ang ulo niya.

“Thank you po sa mainit na pagtanggap sa amin, ‘La,” biro sa kanya ni Terrence. Siniko ko naman ang katabi ko. Ito naman. Natututo na rin sa mga puns ko.

Ngayong gabi ang high school reunion. Last week pa naibigay sa akin ang invitation na ‘yon pero kanina lang ako nag-respond. Kanina lang din kami nag-ayos ni Terrence para magpunta sa Bulacan.

Unang sumalubong si Mama sa amin nang makarating kami dito sa kasuluk-sulukan ng Bocaue. Abala na siya ngayon sa pagluluto ng tanghalian. Si Lola naman ay may nakaambang patpat sa aming dalawa.

“Ikaw, Acy! Ang tagal na kitang kinukulit na pumunta dito, panay ka tanggi.”

“Lola, busy po ako.”

“Heh!” Inabutan ni Lola Erna ng isang mangga si Terrence. Nakabalat pa. Tapos yung akin, may dagta pa.

Tanggap ng angkan ko si Terrence kahit nawi-wirduhan sila sa paraan ng pagkakakilala naming dalawa. Magaling naman kasing makisama ang lalaking ‘to. Katulad ngayon, nawiwili si lola sa paraan ng pagbabalat niya ng mangga.

“Mali ka, Terrence. Ang laki-laki mong lalaki tapos may pagkatanga ka.”

“Pasensya na po, in love lang.” Nakatingin pa sa akin si Terrence. Inirapan ko nga.

“Pinapurol pala ng apo ko ang utak mo. Kawawa ka naman.”

Ilang beses akong kumurap sa harap ni lola. Ngumisi lang ito sa akin. Kinuha ko na lang ang kutsilyo para pagbalatan ng mangga ang sarili ko. Kaso itong si Terrence naman, hinablot pa sa akin.

“Ako na.”

Tumaas ang kilay namin ni lola. Hudyat na mag-lola nga talaga kami. Maya-maya ay tumawa siya.

“Magtigil nga kayong dalawa. Namimiss ko lang tuloy ang lolo mo. Sayang nga lang at LDR kami. Langit siya tapos ako, nandito lang sa Pinas.”

Nang sumapit ang hapon, gumayak na kami ni Terrence papunta sa alma mater ko noong high school. Sasamahan niya raw kasi ako pero doon lang siya sa katabing 7-11 maghihintay.

“Mag-iingat kayo ha,” paalam sa amin ni Mama. Bago kami sumakay sa tricycle, niyakap ko muna silang dalawa. Matatagalan na naman kasi bago ako bumisita dito ulit.

Matapos ang tricycle, sa jeep naman kami sumakay ni Terrence. Sa buong biyahe, hawak lang niya ang kamay ko.

“Hindi naman ako mawawala, ah,” sabi ko sa kanya. Mas hinigpitan pa tuloy niya ang pagkakahawak sa akin.

“Alam ko,” sagot niya. “Gusto ko lang na hawakan ang kamay mo.”

Nag-thumbs up lang ako sa kanya. Ano bang pwedeng reaksyon kapag nagiging keso siya bigla? Inirapan ko na lang sila.

Napatingin ako sa katapat namin. Sa palagay ko nasa early 20’s pa lang ang dalawa na ‘yon. Magkadikit na magkadikit. Hawak ng lalaki ang baywang ng babae at nakasandal naman ang ulo ng babae sa balikat ng katabi niya. Napatingin tuloy ako kay Terrence na hawak lang ang kamay ko. Ni hindi pa magkadikit ang hita naming dalawa.

Sa ganitong pagkakataon ay napapaisip ako. Minsan, naiisip ko na parang hindi kami gaanong intimate ni Terrence. Parang bukod sa kasal, may kulang pa sa amin. Ako ba ang mali? Ako ba ang may pagkukulang? Hindi ko maalala kung kailan ako nag-initiate kay Terrence na sandalan ang balikat niya o dumikit man lang sa kanya. Pero alam ko naman sa sarili ko na siya ang gusto kong makasama habambuhay.

Naikot lang ba ang pag-ibig sa paghawak ng kamay? Sa pagsandal? Sa paghawak ng balikat? Sa pagkakadikit ng sarili?

25 na ako pero para pa rin akong bata kung magtanong pero wala naman sa edad ito. Hindi porke sobra na sa dalawang dekada ang edad ko, ibig sabihin ay alam ko na ang lahat. Pwede pa rin naman akong magtaka.

Pwede ko ring hanapin ang mali sa sarili ko.

Binigyan ako ng ngiti ni Terrence nang mapansin niya ang tingin ko sa kanya.

“Nabo-bored ka na ‘no?”

Baka naman ang pag-ibig ay naka-sentro rin kung gaano ang alam mo sa isang tao. At marami pang hindi alam si Terrence tungkol sa akin.

Sa 7-11 pumasok si Terrence nang maihatid niya ako sa gate ng dati kong high school. Madali lang makapasok basta may dala na dating ID. Hindi nga lang pwede ang outsider kaya hindi ko siya naisama sa loob.

Dahan-dahan lang ang paglalakad ko katulad ng marahan na pagpasok ng mga alaala sa isipan ko… dito ako unang nag-cutting. Partida, christian school pa ‘to.

Walang kupas ang ganda. Mas lalo pa nga yatang umayos magmula nang maka-graduate ang batch namin. Hinintay lang yata na makaalis kami bago sila magrenovate.

Nang makita ko ang karatula na may nakasulat na “reunion”, sinundan ko lang ‘yon.

Tumunog ang cellphone sa loob ng dala kong handbag. Kinuha ko kaagad. Si Terrence lang pala.

Nagsend siya ng selfie niya kasama ang siopao. May kasunod ring picture ng isang bote ng C2 apple. 

“Ingat ka d’yan, Acy ko. Kainin ko lang ‘tong mga favorite mo ah.” basa ko sa chat niya. “Ang korni talaga ni Terrence,” bulong ko pa.

Magrereply na sana ako nang mapansin kong may taong huminto sa harapan ko. 

“Acy? Is that you?” 

Kumunot ang noo ko nang marinig ang pamilyar na lalim ng boses na ‘yon.

“Long time no see…” sabi pa nito.

Nang makita ko ang mukha niya, natulala na lang ako.

May isa pa palang alaala na manunumbalik sa akin. Matagal ko na ‘tong kinalimutan. Matagal kong pinaniwala ang sarili ko na NBSB ako at tanging si Terrence lang ang naging lalaki sa buhay ko.

Isa pala siya sa hindi pa alam ni Terrence tungkol sa akin...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 12 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Adult ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon