PROLOGUE

1 0 0
                                    

"mahal na mahal kita, dimo ba ako kayang pagbigyan?" sambit ni Yohan habang nakatitig sa mga mata ni Nica, halos mapaiyak nalang sa sobrang sakit ng nararamdaman si Nica na halos gusto na niyang isigaw na mahal din niya si Yohan.

"Yohan, hindi talaga pwede hindi ko kaya" mangiyak ngiyak na saad niya , hindi niya alam ang gagawin niya gusto niyang yakapin ang binata ngunit may kung anong pumipigil sakanya para gawin yon.

"please! Nica pagbigyan moko kung hindi mag wowork pakakawalan na kita" tanging pikit nalamang ang nagawa ni Nica, pinipilit niyang alisin sa isip ang lahat.

"sorry Yohan, mahal kita pero, sasaktan ko lang din ang sarili ko pag tinuloy natin to" napahawak nalamang si nica sa kanyang dibdib , gusto niyang aminin dito ang nararamdaman, ngunit hindi, hindi niya maaaring gawin yon, dahil yon nalamang ang paraan para makalimutan niya ito.

" one last chance nica, i promise aayusin ko kung ano man ang hindi ko maibigay sayo" saad ni Yohan habang pinipilit na kunin ang mga kamay ni Nica sa kanyang dibdib.

sobrang nasasaktan siya gusto niyang bawiin lahat ng salitang binitawan niya kay Yohan, pero nasa isip parin niyang mali ito. Mali ang mahalin ang lalakeng ito.

patuloy sa pag mamakaawa si Yohan, patuloy din ang pag tanggi ni Nica, gusto na niyang umalis, gusto na niyang lumayo para di na siya masaktan.

"mahal na mahal kita please! nica please! diko kayang mawala ka saakin" sambit ng binata ngunit patuloy sa pag mamatigas si Nica at pilit na pinapalayo ang binata sakanya.

"mali ito Yohan, maling mali" tanging salitang nasambit niya,

"paanong mali? alam ko mahal mo ako, at alam mo din kung gaano kita kamahal, walang mali don" pag pupumulit ni Yohan , ngunit nag mamatigas na si Nica , hindi na niya kayang lingunin pa ang binata.

" maling-mali, sa panaginip lang tayo ok Yohan, hindi sa totoong buhay, dito lang tayo nag kakasama" saad nito habang nakatitig lang sakanya si Yohan.

"totoo ako Nica, hindi ako biro lang, totoo ako" saad ni Yohan kay Nica, ngunit wala nang natitirang saya sa mukha ng dalaga.

"huwag mong guluhin ang utak ko Yohan, hindi ka totoo, aalis na ako at wag mona ako ulit guguluhin" humahagulgol na siya ngunit nasa harapan niya parin ang binata, na tila ba ayaw pakinggan ang sinasabi ni Nica sakanya.

"Babalik ako Nica , babalikan kita" saad ni Yohan, saka nagbigay ng napakagandang ngiti.

napatitig si Nica sa kanyang mga labi, hindi na niya alam ang gagawin niya, totoo naba ito? aalis na nga ba talaga sa isipan niya ang binata?, hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Yohan , ngunit umaasa siya na magkakaroon na ng katahimikan ang puso niya, nasa isip parin ni Nica na babalikan siya nito pero pinatatag niya ang kaniyang loob.

"huwag na please! diko na alam ang totoo at hindi, dahil sa mga ginagawa mo" huling sambit niya ng bigla siyang nagising dahil sa malakas na katok sa pinto.

The Man in My DreamsWhere stories live. Discover now