~•~•~•~
"Gehlie~ sama ka mamaya?" Bungad na tanong sakin ni Amy pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ng classroom.
"Bakit? Anong meron?" Tanong ko pagka-lapag ng bag sa assigned seat ko. Kakabalik pa lang namin after mag-sem break pero gala na agad binabalak ng mga 'to.
"May bagong milk tea-han malapit sa 7/11. Try natin baka masarap!" Sabi ni Zahra na nakaupo sa may desk ng inuupuang arm chair ni Amy.
"Pass. Hindi ako papayagan." Umupo na ko sa upuan ko at nilabas sa bag yung librong binabasa ko ngayon. Medyo maaga naman ako pumasok kaya may oras pa 'kong magbasa bago mag -ring yung bell para sa flag ceremony.
"Girl ano 'yan, bible? Hineram mo na lang sana yung nasa altar— ARAY HA MABIGAT 'YAN!" Mahina kong tinuktok yung libro sa ulo ni Zahra. Kahit na black tas matigas yung cover libro, basang-basa naman kase yung title niya. Buti na lang wala pa si ma'am Cherry baka masermunan pa kami kung narinig niya pinagsasabi ne'to.
"Bugok ka kase. Nababasa mo naman yung title kakana ka pa ng ganyan?"
"In her defense, kasing kapal naman talaga ng bible yang libro, girl. Pakapal na ng pakapal mga binabasa mo. Wattpad ka lang dati, ah." Umiling-iling nalang ako sa sinabi ni Chelsea at umupo na. Totoo rin naman na compared sa mga wattpad books na binabasa ko noon, sobra-sobra yung kapal ng novel na dala ko ngayon. Sinibukan ko lang naman siya basahin kase ni-recommend siya sa'kin ni ate Nico at eto daw yung mga tipo kong genre. And so far, hindi siya nagkakamali. Super nae-enjoy ko siya kaya nakakalahati ko na kahit two days pa lang niya pinapaheram sa'kin.
"Hmp! Wala kang puso, Gehlie hindi ka 'man lang nag-sorry. Dahil dyan, sasama ka mamaya sa ayaw o sa gusto mo. Kukuntsabahin ko mamaya si Kylie para may kasama akong ipaalam ka kay tita Melanie." Umilang nalang ulit ako at sinimulan ng basahin yung libro ko. Hindi naman siguro ako sesermunan kung silang dalawa ni Kylie yung magpapaalam sakin. Palibhasa sila pinakamalapit kay mommy sa lahat ng mga kaibigan ko.
After two chapters, nag-ring na yung bell para sa flag ceremony. Niligpit ko agad sa loob ng bag ko yung book 'tas sumunod na 'kina Chelsea na pumila sa labas ng classroom. Dito sa St. Rose of Lima Institute, required na pipila muna sa labas ng classroom yung mga students tas naka-linyang pupunta sa covered court. Siguro para lang mas organized pag pupunta doon.
Habang naglalakad, dinadaldal nanaman kami ni Zahra. Magkakasunod lang naman kami since hindi nagkakalayo yung mga height namin.
"Shet, girl! Andito si kuya Lark!" Sigaw niya sabay hampas sakin ng malakas after makita yung crush niya sa higher year. Hinila-hila 'tas yugyog pa niya ko habang naglalakad kami kaya ilang beses akong muntikan matapilok sa bato.
"Tigilan mo ko, Z. Kapag ako natisod--- AY SHUTA KA!" Agad akong napakapit sa kung sino 'man nasa tabi ko bago ako masaldak sahig.
"Ginagawa mo?" Napaangat ako ng tingin ng makitang si Auguste pala yung nakapitan ko. Naka-arrange kase kami by height 'tas lagi ko siyang nakakatabi sa pila at halos magkalapit lang yung height namin.
Tinulungan niya kong umayos ng tayo bago ko bitawan yung braso niya. Agad kong sinamaan ng tingin si Zahra na akala mo nakakaawang tuta na nagtatago sa likod ni Chelsea. "Peace lang tayo, Gehlie hehe. Lilibre nalang kita milk tea mamaya, promise!" Inirapan ko siya at sinundan na yung mga nasa unahan ko papunta sa pwesto ng section namin. Sumunod din naman sila saakin kase ako lang din yung sinusundan nila sa pila.
BINABASA MO ANG
A Single Dance was All it Took
RomanceGehlie Bravo was never a hopeless romantic. No matter how much she loves romance and happy endings, she believed that a love like that only happens between the pages of a book. And no matter how many guys attempted to woo her, nobody can penetrate t...