Chapter 3

2 0 0
                                    

~•~•~•~

"Mali nanaman. Hindi yung heel ng paa mo yung ihahakbang. Toes na yung ipo-point bago tatalon." Sita ko kay Auguste ng mali nanaman yung step na ginawa niya. Totoo talaga yung sinabi niya na hindi siya magaling sumayaw kase maliban sa nalilito siya sa steps, very awkward din yung pag galaw niya.

"Shuta naman 'bat ba kase nakakalito 'tong sayaw na 'to?" Second PE class na namin and currently inaaral na namin yung second part ng sayaw since hindi namin natapos nung last meeting. Thankfully, next-next week pa yung performance para daw may oras pa kami to practice since two hours a week lang yung klase namin sa kanya.

"Buti nga madali-dali lang siya. Kaysa naman pinag tinikling pa tayo, 'di ba? Oh, ulit tayo mula simula." Pumwesto na ulit ako sa harap niya, "32 counts ulit per step ha? 'Tas dalawang beses magpapalit ng pwesto sa first and second step. Game na?"

Malalim na buntong hininga yung pinakawalan niya bago tumango, "Game."

"One, two, three, go." Sinimulan ko na magbilang para magsabay kaming dalawa sa pagsayaw. So far, sabay naman kami tas talagang titig na titig siya sa mga paa niya habang humahakbang-hakbang.

Hindi ko mapigilan pag-ngiti ko nung umabot na kami sa parang kabayo-kabayo na part. Para kaseng kaming nag ga-gallop 'tas yung mukha niya super focused sa paa niya.

"... Eight, seven, six, five, four, three, two, one."

Nagpakawala siya ulit ng malalim na hininga bago ngumiti na parang relieved na relieved, "Tama na 'yon, 'di ba?"

"Yup. Hinga ka muna 'dyan mamaya pa ata ituturo yung last part." Agad siyang napasalampak sa bench malapit saamin. Maaawa na sana ako sa kanya kung individual yung grading nung sayaw. But considering na by partner 'to, for sure maaapektuhan ng performance nung isa yung grades naming dalawa.

"Eve, may tubig ka ba?" Sabi niya habang pinupunasan yung sarili. Tumango ako at inabot yung tumbler ko sa kanya na wala 'man lang bawas.

"Inumin mo lang, 'di ko pa 'yan nababawasan." Sabi ko ng makitang tinatanggal niya yung pinaka-takip and inuman.

"Sigurado ka? Hindi ka mandidiri?"

"Hindi naman ako laway conscious, 'tsaka hindi ko pa talaga 'yan nababawasan."

"Eh 'bat mo pa garod dinadala?"

"Wala, pinapadala lagi ni mommy hindi naman ako nauuhaw."

Kumunot yung noo niya sabay ilang-ilang, "Kainit-init ng panahon 'di ka umiinom ng tubig." Tinuloy pa rin niya yung pagbukas nun tumbler ko sabay inom. Pagkatapos, sinarado niya ulit yung tumbler tapos binuksan yung pinaka-inuman sabay abot sakin, "Oh, uminom ka kahit konti. Mainit lalo na't sayaw pa tayo ng sayaw.""

Tinaasan ko siya ng kilay, "Eh hindi pa nga ko nauuhaw. Ni hindi nga ko pinagpapasiwasan, oh."

Inirapan niya ko. Kalalaking tao umiirap, amp. "Iinom ka o ako pa mismo magbubuhos sa bibig mo?"

Sasagot pa sana ako ng bigla siyang lumapit sabay hawak sa batok ko, "Oo na, oo na! Iinom na, bwiset!" Kinuha ko na yung tumbler ko tsaka uminom ng dalawang lagok. Perwisyo na 'to, mamaya masamid pa ko pag inalalayan pa niya ko ng ganon.

"Iinom din naman pala dami pang satsat- ARAY! MARAMI PANG LAMAN 'YAN, HA." I stuck my tongue out sabay lakad palayo. Hinampas ko kase yung tumbler ko na higit kalahati pa yung laman pero mahina lang naman. OA lang talaga siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 25 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Single Dance was All it TookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon