KABANATA 1

137 50 17
                                    


HUGIS ROSAS

Wala akong nagawa paglabas ko ng bahay kundi ang humuni sa malawak na hardin malapit sa kinaroroonan ng palasyo.

Malinis at maaliwas na hangin ang aking nalalanghap habang hawak - hawak ang laylayan ng aking mahabang suot na sumasayaw sa mahalimuyak na bangong dala ng mga bulaklak sa paligid.

Lumapit ako sa maraming paro-parong nagkukumpulan sa paligid ng marami at makapal na hardin ng mga rosas. Ito lang ang pinakamaraming uri sa aming kaharian kaya hinding- hindi ako magtataka kung halos muntik na akong matusok ng mga halaman nila dito sa paligid ngunit kahit isa man sa mga iyon ay nag-iingat ako dahil sa habilin sa akin ni Ina. Hindi raw ako dapat humawak ng mga halaman na iyon dahil mapanganib lalo na sa akin.

Hindi ko rin alam ang kung ano ang mapanganib sa kakarampot na tusok ng halaman na yon, ngunit lumapit parin ako ngayon dala ng pagkamangha sa lumilipad na mga paro - paro sa paligid.

" Hahahah.... ang saya,huy! Habulin mo ako," turo ko sa mga paro-paro habang tumatakbo sa damuhan. Nagpatuloy ako sa paikot- ikot sa paligid hanggang sa makasubsob ako sa mayabong na halaman ng rosas na kasing tangkad ko lamang.

Napasigaw ako sa sakit dahil sa mga tusok ng halaman na iyon. Naramdaman ko ang matinding baon na parang karayom sa dibdib ko. Nanghihinang nagpalit ako at gumamit ng teleportation.

Bumungad sa akin ang lugar kung saan ang labasan ng kaharian. Naroon si Ina kasama ang iba pang mga diwatang katulad ko. Agad na nagtatakang lumapit ang aking ina sa akin habang ang iba ay nagtatakang nakatitig lamang sa akin at parang iniisip bat ako nandoon sa lugar na iyon.

"Rosa anak, anong nangyari bat naparito ka?. Hala, mukhang nanghihina ka anak saan ka ba nagpunta-" nagaa-lalang sabi ng aking ina. Bago pa man mandilim ang paningin ko nakita ko ang paglapit ng iba sa akin nang mapagtantong may nangyayaring hindi maganda sa akin.

Nagising nalang ako na nasa loob na ng aming silid ni Ina. Inikot ko ang aking paningin sa paligid. Makukulay na alitaptap sa labas ng bintana ang pumapalibot sa isang puno sa labas. Nagtatakang lumapit ako sa bintana at pinagmasdan ang nangyayari sa labas. Mga alitaptap na lumilipad,sumasayaw na mga dahon dahil sa hangin at mga bituin sa labas na pinalilibutan ang nagaagaw na liwanag sa langit. Doon ko lang napagtantong mag-gagabi na pala.

Tumingin ako sa gilid ng aming silid ni Ina at nakita ko mula roon ang isang piraso ng natuyong rosas. Kinuha ko iyon nang mapansing nahulog, gamit ang aking kanang kamay. Nang makuha ko ay may napansin akong nakasulat mula roon ngunit hindi ko mabasa. Wala akong ibang ginawa kundi isilid nalang iyon sa ibabaw ng mesa.

Bumalik ako sa higaan ko ngunit may napansin ulit ako. Nahagip ng aking mga mata ang isang bulaklak na inuman na may lamang katas ng pinaghalong halaman nakapatong sa ibabaw ng upuan sa gilid. Alam ko iyon dahil sa ginagamit namin iyon na pang gamot. Nagtaka ako sapagkat wala namang may sakit. May roon nga ba o baka si Ina?!

Hinilot ko nalang ang aking sintido upang liwanagin ang aking isipan na paniwalain na wala namang may sakit sa among dalawa. Wala akong naalala mula pa kanina. Mas lalong wala akong naaalala kung anong nangyari at bakit ngayon lang ako nagising kung kailan mag gagabi na?

" Ako'y naguguluhan. Hindi dapat ako matulog ng buong araw lang paano ang mga gawain dito sa bahay? Paano si Ina?" Paikot-ikot ako sa aming silid habang sinasambit ng mga iyon.

" Sandali, si Ina. Nasaan kaya si Ina, mabuting magtanong na lamang ako."Palabas na sana ako ng aming silid ngunit naalala ko pagganitong oras ay nagtatrabaho siya. Bumalik na lamang ako sa aming silid at umupo sa higaan. Sa tingin ko hindi na ako tuloy nakapaglato dahil buong araw tulog lamang ako. Tsk!

Ginalaw - galaw ko ang aking katawan dahil nakararamdam ako na medyo masakit ito ngunit pansin ko na mas masakit ang nasa dibdib ko.

" Bakit kaya wala akong maalala ngayong araw? Isang palaisipan na naman ito. Mabuti pa sabihin ko kay Ina na sumasakit na namn ang dibdib ko," mahinang kausap ko sa sarili bago tumayo at kinuha ang sapin sa paa at sinuot iyon.

Bago pa man ako makatayo ay bigla na lamang bumukas ang pinto at iniluwal si Ina. Lumunok muna siya bago lumapit at nagsalita. "Mabuti naman at nagising ka na. Huwag ka munang gagalaw. Inumin mo muna ang nasa bulaklak na iyong para gumaling ka," sabi niya at tinuro ang nakita ko kanina na nakapatong sa ibabaw ng upuan sa gilid.

Kinuha ko iyong doon at umupo ulit sa higaan ko." Para saan po ba ito Ina? Wala naman po di ba akong sakit-"

"Kailangan mo yan. Lalo ka lang manghihina," pamumutol niya sa sasabihin ko. Nangunot ang noo ko sa kaniyang sinabi. May sakit ba ako? At nagtataka ako dahil hindi niya na ako sinabihan ng- ikaw talagang bata ka.

"Ina may sakit ba ako? Ano po bang nangyari sa akin? Bakit pinapainom mo ako nito?" tanong ko habang tumitingin sa hawak kong bulaklak na may lamang katas na gamot. Inumin mo na lamang mamaya ka na magtanong anak."

Nagdadalawang - isip na ininom ko ang aking hawak na gamot. Naramdaman kong dumaloy ito sa mula sa aking kalamnan hanggang sa bumaba sa aking tiyan na parang hangin. Tumingin ako kay Ina at nakita kong ngumiti ito sa akin. " Anak kanina pala galing ako sa pagpupulong sa palasyo. Hindi ba alam mo na magplano silang may papupuntahin sa palasyo upang paaralin?"

May kakaibang ngiti ang nakikita ko sa mga mukha ni Ina -may halong saya. "Oo nga po alam ko sa totoo niyan nakwento ko na iyon sa mga kaibigan ko po."

" Napagpasyahan ng lahat roon na ikaw ang papupuntahin roon anak," nasayang sabi ni Ina. Agad na nanlalaki ang aking mga mata."Talaga po Ina?" Nakangiting tumango ito sa akin.

" Ikaw anak ang inaasahan ng Lola mo na ipadala doon upang marami kang malaman tungkol sa pamamalakad roon ng sa gayon ay mabilis na lamang ang pamamalakad natin dito." Hinawakan niya ng mahigpit ang dalawa kong kamay.

" Inaasahan ka ng lahat dito anak kaya wag mo na palampasin ang oras na ito. Ngayon lamang nagkaroon ng ganitong bagay sa buong palasyo anak kailangan ka ng lahat at wag kang mag alala dahil kilala ko ang guro roon. Magaling magturo ang matandang guro roon at may makakasama ka pa bago pumunta sa totoong paaralan anak."

Hindi ko mapigilan ang saya at niyakap siya. " Maraming salamat Ina. Hindi ko po makakalimutan ang araw na ito, napakasaya ko po."

Napakasaya ko dahil ako lamang ang maswerteng makakapasok ng palasyo at tuturuan pa ako ng libre." Walang anuman anak basta wag kang lalapit sa mga halaman ng rosas baka matusok pa ang balat mo. Mawawalan ako ng anak na maganda ang balat," biro pa nito sa akin na halos araw- araw naging paalala sa akin. Hindi narin ako nagtaka kung bakit kasi kapakanan ko lamang ang iniisip niya.

" Oh, sige na pupunta lang ako ng palasyo para sa isa pang pagpupulong na mangyayari. Magluto ka narin bago ako dumating anak." Tumango ako bago siya kumalas sa pagkakayakap namin, kasabay ng paglaho niya sa harap ko.

Huminga ako ng malalim bago naisipan na tumayo para sana magluto ngunit bigla na lamang akong napa-upo ulit dahil sa pagkislap ng kakaibang hugis Rosas na bigla na lamang lumitaw sa dibdib ko. Hindi ito namumukadkad at kalahati lamang. Agad nataranta ako kung ano iyon. Unti- unti ay nawala ang kislap at iniwan nito ang nakaukit na hugis kalahating rosas sa dibdib ko.

Rose KingdomWhere stories live. Discover now