Chapter 5

467 11 1
                                    

CHAPTER FIVE

"THANK you for spending the whole day with me, Oliver," wika ni Stephanie nang mabuksan niya ang pinto ng cottage niya.
Inihatid siya ni Oliver hanggang sa cottage na tinutuluyan niya pagkatapos nilang kumain ng hapunan. Hindi niya maipaliwanag kung bakit, ngunit pagkatapos niyang kumanta at sabihan siya nitong maganda siya ay biglang may tila nabago sa pagitan nilang dalawa. Bukod sa hindi na binitawan ni Oliver ang kanyang kamay ay napansin niya ang pag-iiba ng sidhi ng bawat titig ng binata sa kanya.
Hindi rin niya mapigilan ang sariling pagmasdan ito kapag nakakakuha siya ng tiyempo kaya hindi niya magawang sawayin ang binata.
Ngumiti si Oliver at tiningnan siya sa mga mata. "It's a pleasure to be with you, Ivy." Marahan nitong hinaplos ang kanyang pisngi. Magaan lamang iyon ngunit pakiramdam niya ay uminit ang buong katawan niya.
"Me too. Sige, goodnight," paalam ni Stephanie kay Oliver. Nang tumango ito ay pumasok na siya sa loob ng cottage niya. Bago niya isara ang pinto ay tiningala uli niya ang binata. May kung ano sa ekspresyon ng mukha nito na labis na nagpapabuhay sa kanyang dugo. Napalunok siya dahil biglang nanuyo ang kanyang lalamunan. "Oliver."
Bahagya itong ngumiti. "Goodnight, Ivy."
Lumunok siya at marahang tumango. Pagkatapos ay napipilitang isinara ang pinto ng cottage. Nag-click na ang lock niyon pero hindi pa rin niya binitiwan ang seradura. Pinakikiramdaman niya kung umalis na si Oliver ngunit wala siyang naririnig na pagkilos mula sa labas.
Mayamaya ay nakarinig siya ng mahinang katok. Napaigtad siya kasabay ng pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Huminga muna siya nang malalim bago binuksan ang pinto.
"May nakalimutan ako," wika ni Oliver.
Nakagat ni Stephanie ang kanyang ibabang labi. "A-ano 'yon?"
Sa halip na sumagot ay humakbang ito papasok sa cottage niya. Humakbang siya paatras at sinundan siya nito ng hakbang bago inilapat ang isang kamay sa batok niya habang ang isang braso ay pumaikot sa kanyang baywang.
"Ito," sabi ni Oliver. Pagkatapos ay mariin siyang hinagkan sa mga labi.
She was not an expert kisser, but her body seemed to know what to do by instinct. Tinugon ni Stephanie ang halik ni Oliver sa kaparehong intensidad. Nang hapitin siya nito nang husto at naglapat ang mga katawan nila ay napaungol siya sa idinulot na sensasyon niyon sa buong katawan niya. Awtomatikong umangat ang mga kamay niya patungo sa batok at buhok ni Oliver. Napaatras siya nang lalo pa itong pumasok sa loob ng cottage niya saka isinara ang pinto gamit ang isang paa.
Hindi pinakawalan ni Oliver ang mga labi ni Stephanie na tila uhaw na uhaw. He angled her face in a way that gave him more access to her mouth. In an instant, his tongue dipped inside her mouth and it made her knees melt. Napasinghap siya nang maramdaman ang paglalakbay ng kamay nito sa kanyang katawan pababa sa kanyang pang-upo at pinisil iyon. Then he lifted her and she had no choice but to wrap her legs around his waist. Humigpit ang pagkakahawak niya sa batok ni Oliver nang maglakad ito patungo sa kama.
Nang lumapat ang likod niya sa malambot na kama at nakubabawan siya nito ay saka lamang pinakawalan ang kanyang mga labi. She felt a sense of loss when their lips parted. Ngunit agad din iyong napalitan ng ungol nang bumaba sa leeg niya ang mga labi ni Oliver at nagsimulang maglumikot ang mga kamay pahaplos sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan. Napasabunot siya sa buhok nito. She was right, it felt good to touch his hair.
"Oliver," wika ni Stephanie nang bumaba ang mga labi nito patungo sa puno ng dibdib niyang nakalabas sa suot niyang summer dress. Napasinghap siya nang umangat sa dibdib niya ang mga kamay nito. He caressed her there and it made her restless. She shifted under him and he groaned. She opened her eyes because of shock and amazement when she felt how hard he was. Huminto ito sa paghalik sa kanya at tiningala siya.
Lalong sumidhi ang nararamdaman niya nang makita ang mga mata nito. His eyes were filled with desire and some other emotion that made her heart ache.
"Ivy, I want you so badly I don't know if I will be able to sleep if I don't have you in my arms tonight," sabi ni Oliver sa paos na tinig.
May tila mainit na kamay na humaplos sa kanyang puso habang nakatitig sa lalaki. Masuyo niyang hinaplos ang buhok nito. Pumikit ito.
"I want you too," bulong niya.
Dumilat si Oliver at nang magtamang muli ang mga mata nila ay nginitian niya ito.
"Kailangan pa ba kitang pilitin para ituloy ang ginagawa mo?" biro niya.
Bahagyang tumawa si Oliver. Then he ground his body against hers and she felt his readiness again. "Mukha ba akong magpapapilit?" ganting biro nito kasabay ng magaang na halik sa mga labi niya.
Napangiti si Stephanie at gumanti ng halik. Mayamaya pa ay lumalim na naman ang mga halik ni Oliver at naging mapaghanap. Ang mga kamay nito ay sinimulan nang hubarin ang mga damit niya. Tinulungan niya itong hubarin ang kasuotan nito. Nang kapwa na sila hubad ay hinalikan ni Oliver ang buong katawan niya na halos magpawala ng kanyang katinuan. And when he finally took her, she felt like everything else in the world seized to exist, except for the two of them. At alam niya, higit pa sa araw na nanalo ang banda niya sa contest na nagpasikat sa kanila, higit pa sa unang major concert nila o sa lahat ng concert nila sa iba't ibang bansa, ay wala ng mas espesyal pa sa gabing iyon sa buhay niya.

NAGISING si Stephanie dahil sa tama ng liwanag ng araw sa kanyang mukha. Napaungol siya nang madama ang bahagyang pananakit ng kanyang katawan, partikular sa pagitan ng mga hita nang kumilos siya upang lumayo sa sinag ng araw. Natigilan siya at tuluyang napadilat nang mapagtantong nag-iisa na lamang siya sa kama. Saglit siyang nataranta at iginala ang tingin sa cottage. Nakahinga lang siya nang maluwag nang makita si Oliver na nakatayo malapit sa banyo at bahagyang nakatalikod. Nakabihis na ito at nakasandig sa mesang naroon.
Nahagip ng tingin ni Stephanie ang steno pad sa kamay nito at napabangon siya. "Oliver, don't read that!" marahas na saway niya.
Lumingon ito. Nang bumakas ang amusement sa mukha ng lalaki ay nag-init na ang kanyang mukha. "Too late, nabasa ko na. Did you write this poem? Or is this a song?" tanong ni Oliver at muling tiningnan ang papel. "Oh... You smiled, and I felt my body tingle. You walked towards me, your gaze never left my face. And I was trapped with sensations so new to me," pagbasa nito.
Lalong nag-init ang kanyang mga pisngi at napabangon na sa kama habang kipkip ang kumot sa dibdib. Mabilis siyang lumapit kay Oliver at hinablot ang papel. Muntik pa siyang mawalan ng balanse dahil natapakan niya ang kumot. Mabuti na lamang at maagap nitong napaikot ang braso sa kanyang baywang. Nakuha niya ang papel ngunit napasandig naman siya sa dibdib nito. Awtomatiko siyang napasinghot. Amoy-bagong paligo na ito.
"You smell better than me, you know," amused na sabi ni Oliver.
Nang mapatingala si Stephanie ay nakita niya ang maluwang nitong ngiti. Patunay na alam ni Oliver na inaamoy niya ito. Lalo tuloy siyang nahiya.
"So, is that a poem or a song?"
Natigilan siya at napatingin sa hawak na papel. Pagkatapos ng mga nangyari sa kanila nang nagdaang gabi at masigurong espesyal sa kanya si Oliver, sa tingin niya ay tama lang na malaman nito ang kanyang tunay na pagkatao. Baka kapag nagsabi siya kay Oliver ay maging dahilan din iyon upang magsabi rin ito ng tungkol sa sarili.
Lumunok muna si Stephanie. "Actually... that's a song..." Bumakas ang interes sa mukha nito at itinayo siya nang maayos. Huminga siya nang malalim. "Oliver, ang totoo kasi niyan—" Napahinto sa pagsasalita nang biglang tumunog ang cell phone nito na nakapatong sa bedside table.
Sabay pa silang napalingon doon. Hindi kumilos si Oliver ngunit nang hindi iyon huminto ay marahas ngunit mahinang nagmura ito bago lumapit sa cell phone. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagka-tense nito nang makita kung sino ang tumatawag. Nagtagis ang mga bagang ni Oliver nang sagutin ang tawag.
"What do you want?" malamig na tanong nito sa kung sino mang tumawag dito.
Napamaang si Stephanie kay Oliver. Iyon ang unang beses na narinig niya ang tonong iyon at unang beses na nakita niyang ganoon kadilim ang mukha nito. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kumot na nakatapi sa kanya.
"What? Ano'ng kailangan mo at pumunta ka pa rito?" Tumaas ang tinig nito.
Napasinghap siya. Napalingon ito sa kanya. Tila noon lang naalala na naroon siya. Tumikhim ito at bahagya siyang nginitian kahit pa hindi iyon umabot sa mga mata.
"I'm busy so, why don't you just go home— Shit!" bulalas nito nang tila binabaan ng kausap. Huminga ito nang malalim bago lumapit sa kanya.
"Are you okay?" hindi nakatiis na tanong niya.
Bahagyang ngumiti si Oliver at hinaplos ang buhok ni Stephanie. Pagkatapos ay hinalikan siya sa mga labi. "Yes. May kailangan lang akong asikasuhin sandali. Okay lang ba kung mauna na ako sa main lobby ng resort? I'll just wait for you there. Take your time, I know you're a little sore," masuyong sabi nito.
Ngumiti na lamang siya at tumango kahit na gusto pa niyang magtanong. Hinalikan siya ni Oliver bago nagmamadaling lumabas ng cottage.
Napabuntong-hininga si Stephanie. Hindi niya nasabi kay Oliver ang gusto niyang sabihin. Hindi bale, mamaya magtatapat na siya rito. Ilang sandali pa siyang nanatiling nakatayo roon bago kumilos upang maligo at magbihis. Pagkatapos ay wala pang sampung minuto ay lumabas na rin siya ng cottage upang sumunod kay Oliver.

NANINGKIT ang mga mata ni Oliver at nagtatagis ang mga bagang nang makita niya ang pigura ng pinakahuling babaeng nais niyang makita. Nakatayo ito sa gilid ng reception na para bang pag-aari ang buong resort. Nang mapatingin ito sa kanya ay ngumiti pa ang babae na lalo lamang nagpakulo sa dugo ni Oliver.
"What the hell are you doing here?" nanggigigil na asik niya.
The bitch had the gall to laugh. "Masama bang dalawin ang stepson ko?" wika ni Daressa Nadal-Matias, ang asawa ng kanyang ama. Nang akmang hahawakan siya nito ay pumiksi siya.
"Walang nangyayaring mabuti kapag nagpapakita ka sa akin," prangkang sabi niya.
Dati itong starlet na madalas maging cover girl ng men's magazine na under din ng kompanya nila. Kahit noong buhay pa ang ina ni Oliver ay nakakasagap na sila ng mga tsismis na may relasyon si Daressa at ang kanyang ama. Hindi lamang siya naniniwala dahil mukhang maayos ang relasyon ng kanyang mga magulang noong nabubuhay pa ang kanyang ina. Ngunit nagbago ang paniniwala niya nang wala pang isang taong namamatay ang kanyang mama ay iniuwi na si Daressa ng kanyang papa sa bahay nila bilang bago nitong asawa.
Ni isang beses, kahit sa isip ay hindi itinuring ni Oliver na pangalawang ina si Daressa. Bukod sa limang taon lang ang tanda nito sa kanya, noon pa man ay hindi itinago ng babae ang interes sa kanya. At least, kapag silang dalawa lang. He told his father so many times, in the most subtle way he can, that his new wife kept seducing him. Ngunit sa tuwina ay wala siyang napapala. Either hindi nito makuha ang mga parunggit niya o ayaw lang siya nitong paniwalaan ay hindi niya alam. Ilang beses pa silang nag-away na mag-ama dahil doon. Hanggang sa nagsawa na siyang magsabi sa ama.
"Your father told me about the deal you made with him. Really, darling, bakit hindi mo na lang i-give up ang magazine na 'yon? It's just a liability to the company," wika ni Daressa.
Kinuyom niya ang mga kamay. "What I do about my magazines is none of your business."
Lumapit ito sa kanya at sa pagkakataong iyon ay nagawa nang kumapit sa braso niya bago pa man siya makapiksi. "It is my business, Oliver. Hindi mo ba alam? Your father already talked to his lawyers to give me fifteen percent of the company's share. Inaayos na lang nila ang mga papeles," pabulong na wika nito.
Muntik nang maitulak ni Oliver si Daressa sa pagbugso ng pagrerebelde sa kanyang dibdib. "Ano ba talaga ang dahilan at nandito ka?" nanggigigil na tanong niya. Alam niyang hindi pupunta roon si Daressa para lang ipangalandakan sa kanya ang kakayahan nitong paikutin sa mga palad nito ang kanyang ama.
Sumilay ang mapang-akit na ngiti ni Daressa na lalong ikinainit ng dugo niya. "Gary went abroad for a media summit. I'm bored. Nalaman kong nandito ka kaya pumunta ako. Let's have fun, darling."
Kinalas niya ang mga kamay nito sa braso niya. "Kailan mo ba ako titigilan, ha? Hindi pa ba sapat sa 'yo si Papa? Hindi pa ba sapat na nagkakaganito kami nang dahil sa 'yo? Balak mo pa bang dagdagan ang rason para lalo kaming mag-away? Why don't you just leave me alone? I'm working here!"
Tumaas ang isang kilay nito. "Alam mo ang sagot diyan, Oliver. Hindi ba, sinabi ko na sa 'yo noon, ikaw ang talagang gusto ko. You were so gorgeous even then, you know. Pero ayaw mo akong pansinin so I married your father who's very much interested in me."
Nagtagis ang mga bagang ni Oliver. "You are crazy," nanggigigil na sikmat niya.
Ngumiti si Daressa. "I know. At mukha namang hindi ka nagtatrabaho. I heard from the receptionist that you've been with a woman all this time."
Napabuga siya ng hangin sa sobrang inis. "She's the work. I need her and her band para maisalba ang Exposed na gustong-gusto ninyong patayin ni Papa. Now, if you want to stay here then do so. Pero magtse-checkout na ako ngayon. Bahala ka sa buhay mo," nanggigigil na sikmat uli niya.
Hanggang kaya ay hindi siya papayag na matuon kay Ivy ang atensiyon ni Daressa. Palibhasa ay wala itong ibang ginagawa sa buhay kundi ang magpasarap sa perang kinikita nilang mag-ama kaya mabilis itong maburyo sa buhay.
Bago pa ito makapag-react ay tinalikuran na niya ito. Ngunit hindi pa man siya nakakahakbang ay natigilan na siya nang makita kung sino ang nakatayo sa kanyang likuran.
Nanlamig ang buong katawan niya. His heart slammed painfully against his chest when he saw the shocked expression on Ivy's face. He knew, the magic between them was broken... and it was his fault.

Wild Flower 1: A Liar's Kiss - Maricar DizonWhere stories live. Discover now