Langit at Lupa

5 0 0
                                    

“What’s taking you so long, Denise? Pupunta tayo sa bundok and you’re wearing your freaking red lipstick? Akala mo ba pupunta tayo sa kasalan?” Kahit kailan kontra talaga si Kuya Darwin sa akin. Ano naman kung bundok ang pupuntahan namin? Is it a sin to wear a red lipstick kapag aakyat ka sa bundok? Maeengkanto ba ako doon? For all I know kaya siya excited pumunta sa bundok dahil doon nakatira yung secret girlfriend niya. Kung hindi lang ako mabait na kapatid sinumbong ko na siya kay Daddy, I’m pretty sure na ipapadala siya ni Daddy sa Manila para doon magtrabaho at hindi dito sa San Nicolas.

“So what? I’m pretty sure you’re just excited to see that teacher.” Sagot ko sa kanya at nanlaki ang mata ni Kuya. Tumingin siya sa likuran naming dalawa para siguraduhin na walang nakarinig sa sinabi ko. “And I want to look presentable no. This is the day na makukuha na natin yung matagal ng nilalaban ni Daddy na property. My red lipstick means victory and celebration for our family.” Nararamdaman ko na before this day ends, makukuha ko na yung gusto kong Japan trip kay Daddy. Kapag tuluyan na naming naangkin yung lupa ng mga taga bundok na yun, our money will double, as well as our fortune. Excited na akong magsuot ng kimono at bumili ng madaming luxury bags sa Tokyo. Gosh, iniisip ko pa lang yung lamig at ganda ng Japan, kinikilig na ako!

“Hindi ba sabi ko sayo na wag na wag mo babanggitin si Sheena dito? Pinagtatanggol kita kay Daddy sa tuwing inaabot ka ng madaling-araw sa mga night out mo. Subukan mo lang sabihin kay Daddy yung tungkol sa amin, bahala ka talaga sa buhay mo.” Pagbabanta ni Kuya, tinawanan ko lang siya. Wala din naman akong balak isumbong si Kuya. Alam ko naman na bata pa lang siya, kaibigan na niya si Ate Sheena. They basically grew up together. Kilala nila ang isa’t-isa, Ate Sheena can make my Kuya happy so I don’t see the need to spoil their relationship. I’m just worried na baka kapag nalaman ni Daddy ang tungkol sa kanila, he will do everything to tear them apart. Kilala ko si Daddy, kapag may gusto siyang gawin, he’ll go heaven and hell para makuha to. Bago pa ako makasagot kay Kuya, Daddy called us dahil malapit na kaming ma-late sa meeting ni Daddy sa mga taga-bundok.

“Don’t do that again.” Kuya whispered.

“Do you really think na isusumbong kita, Kuya? Don’t you trust me?” Agad kong sagot sa kanya. Humawak ako sa braso ni Kuya at sabay kaming naglakad papunta sa sasakyan. God, napakainit pala, sana hindi humulas ang make-up ko. It’s a good thing na I’m wearing a yellow sundress, kahit papaano, presko sa katawan. Pagsakay namin ng sasakyan, bigla ko naalala na magkikita na naman pala kami nung taga bundok na ang lakas mang-asar. Sana talaga wala siya doon kung hindi, I will just wait inside the car para hindi ko makita ang pagmumukha niya. Sa tuwing nakikita ko siya, kumukulo talaga dugo ko. I hate how he smiles at me, pakiramdam ko hinuhusgahan niya ang buong pagkatao ko. He’s so full of himself, I hate him for that. Sobrang confident, taga-bundok naman.

“Sana naman sumuko na sila. Wala na din naman silang magagawa kung ibibigay sa atin ng Judge ang Koprahan. Kung naging mabait lang sana sila sa akin eh sana hinatian ko sila. Mga mapagmataas kasi. Palibhasa nakatira sa taas…sa bundok!” Sabi ni Daddy habang binibilang ang perang ibibigay niya sa Judge para pumabor sa amin ang desisyon tungkol sa lupa. “Our riches will double! I’m pretty sure Nestor is crying on his grave!” dagdag pa niya habang tumatawa. Minsan iniisip ko kung tama ba yung ginagawa ni Daddy pero kung yung maling ginagawa niya will give me comfortable life and enormous amount of money, hindi na ako manghihimasok. Ganun naman talaga ang buhay hindi ba? Kung sino ang may pera, siya ang may kapangyarihan. Nagkataon lang na ngayon, kami ang may pera. Kami ang makapangyarihan.

In just 30 minutes, nakarating na kami sa paanan ng bundok. Pagbaba ko ng kotse, inalalayan ako ni Kuya paakyat sa meeting place namin. Sinundan namin si Daddy at pagdating sa koprahan, nakahanda na ang mga taga bundok, may tatlong upuan na naghihintay para sa aming mag-aama. Buti na lang wala si Mr. Overconfident, kung hindi, babalik talaga ako sa car. Pagkaupo namin ay inabutan agad kami ng tig-iisang bote ng softdrinks ni Ate Sheena. I can see that she’s trying not to smile at Kuya, ganun na din si Kuya sa kanya. Nakakainis yung mga tinginan nilang dalawa, ang baduy.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 05 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ikaw at ang bituinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon