Prologue

15 2 0
                                    


Walang emosyon akong naka-titig sa karagatan, pinagmamasdan ko ang bilog at masinag na buwan. Biglang umihip ang napaka-lamig na simoy ng hangin at pinanindigan ako ng balahibo marahil sa suot kong sleeveless dress na kulay lila.

Niyakap ko ang aking sarili at umupo. Itinungo ko ang aking ulo at pumikit, mula sa likuran ay naramdaman ko na may yumakap sa akin ng mahigpit. Akala ko si Lyanne pero no’ng hinawakan ko ang kamay ay naramdaman kong ugatan ito at kamay ng lalake.

Napa-isip ako kung sino iyon, tumingala ako at tumingin sa naka-yakap sa akin. Nanlaki ang mata ko nang makita ko siya, mahigpit na naka-yakap sa akin at naka-pikit.

Si Artheo.

Nag-tama ang tingin naming dalawa at nginitian niya ako saka siya nag-salita.

“Bakit ka naman nandito sa labas? Gabi na po baby, tara na.” Wika niya sa akin, ngumiti ako sa kaniya ngunit hindi pa rin ako nag-sasalita. Hinalikan niya ako sa pisnge at tumingin sa akin, nag-salita ulit siya.

“Baby? Galit ka ba? May nagawa po ba akong mali?” Tanong nito sa akin ngunit umiling ako. Napag-pasiyahan kong umimik sa kaniya.

“Nope.” Wika ko, bumitaw siya sa pagkaka-yakap sa akin at tumingin naman ako sa kaniya.

He smirked.

“Hindi po ako aalis mahal.” Wika nito at nakampante naman ako, pinagpagan niya ang kaniyang pants na puno ng buhangin at umupo sa tabi ko. Hinubad niya ang suot niyang jacket na kulay pula at isinuot sa akin sabay niyakap niya ako. Tumambad sa akin ang biceps niya marahil naka-sando itong itim at ang jacket niya lamang ang nag-sisilbing panangga sa lamig.

“Baby naman, why did you took off your jacket? Put it back, baka lamigin ka at magka-sipon ka. Tita Jenny will be mad na naman, you know naman po na love na love ka non e.” Wika ko kay Artheo but he didn’t mind what I said, lalo niyang hinigpitan ang yakap niya sa akin at hinalikan ako sa pisnge.

Kumawala ako rito at hinarap siya, umayos ako ng upo at yumakap sa kaniya ng napaka-higpit.

I’m glad that this isn’t infatuation anymore, I’m glad that I met the most green flag man in the world, and that is him.

Mr. Arthur Theodore Paulo Guevara.
-
“Come on Artheo, sarguhin mo na!” Sigaw ni Lyanne kay Artheo habang naka-upo sa may counter ng bar. Nag-tama ang tingin namin ni Artheo at pinuna niya naman ako.

“Mahal? Smile naman d’yan, you’re being grumpy na naman ba? Hayst, sarguhin ko lang po ito then I’ll be at your side.” Wika niya sabay wink. Ramdam ko na namula ang mukha ko at mainit pa ito, tumingin ako kay Lyanne. Kasama niya ang boyfriend n’ya, si Kenneth.

Grabe after ten years sila pa rin pala, ang tatag talaga ng mga bff ko e.

Ibinalik ko ang tingin ko sa bola ng bilyar at napa-isip.

Bakit kaya ganito? Deserve ba talaga ako ni Artheo? Nakakapanibago, hindi ako sanay. Siguro dahil ito sa last rs ko noon 4 years ago. Ang lalakeng nagpa-bago ng buhay at estilo ko. Si Tristan Lester Francia, I wonder if nasaan na iyon? I guess nasa healthy rs na siya with her gf, Melody Aria. It’s been a year tho, baka sila talaga? Hmm and I’m happy for them. As long as Artheo is here by my side, I feel like I’m always safe, kampante ako sa kaniya.

Habang naka-tulala sa mga bola ay agad akong hinalikan ni Artheo sa pisnge na ikinagulat ko naman.

“Mahal? Naka-tulala ka na naman? Why? Is there something wrong?” Malambing niyang wika pero umiling ako. I kissed him at his forehead then hugged him tight, I whispered at his ear by saying.

“Thank You for everything mahal, I love you.” After that, I saw him smiling like an idiot, so I pinched his cheeks. I grabbed my bag then he holds my hands.

Thread Of Hearts Where stories live. Discover now