CHAPTER ONE

2.1K 80 36
                                        

Unang araw ng klase ko ngayon, Pakiramdam ko ay magiging mahirap ang pagdadaanan ko. Hindi ko alam kung bakit naiisip ko iyon pero malakas ang pakiramdam ko na hindi magiging maganda ang mangyayari sa'kin ngayong taon na ito.




Graduating student ako, kaunting tiis na lang ay matutupad ko na rin ang pangarap ko na maging isang Architecture.





Tahimik lang akong naglalakad sa hallway dahil hinahanap ko ang room na ibinigay sa'kin. 204 iyon.






Nang may makasalubong ako na lalaki at tingin ito nang tingin sa'kin bago pa man ako lagpasan. Ngunit nang malagpasan ako nito ay napatakip ako sa ilong ko nang maamoy ko ang matapang na pabango nito.






“Ang tapang ng pabango niya.” bulong na reklamo ko sa sarili ko habang paakyat ng hadgan dahil nasa 3rd floor pa raw ang room na iyon.






Pagdating ko sa 3rd floor ay nahanap ko agad ang room 204. Nakita kong nakasara na ito kaya napalunok ako. Late na ako.






Kapag kasi naka-sarado na ang pintuan ng classroom ibig sabihin nito ay nagsisimula na ang klase. Napalunok ulit ako bago itaas ang kanang kamay ko at dahan dahan na kumatok sa pintuan.






Ilang segundo lang ay bumukas na ito at bumungad sa'kin ang babaeng mukhang masama ang timpla. Ngunit parang huminto ang mundo ko nang mapagtanto ko kung sino iyon.





Siya yung babaeng naka one night stand ko 1 month ago. Shit.




Mukhang hindi naman ako nito naaalala. Tumikhim muna ako para makuha ang atensyon nito.





“Ah, M-ma'am?.." pagkuha ko sa atensyon niya. Nagawa ko namang kunin ang atensyon nito at bumalik sa dati ang itsura niya.





Naka-tingala pa ako dahil hanggang leeg lang ako nito. Edi siya na matangkad, tsk.





"Come in." Halos mapahinto ako dahil narinig ko ang boses niyang malalim. Ibang iba ang boses niya noong gabi na iyon.






"Mr. Cruz, move at the back." Napakamot ang lalaki sa ulo niya at walang nagawa. Umupo na lamang ito sa likod at yumuko.






Ramdam ko ang mga tingin ng babae sa may bandang gilid ko. Tumikhim pa siya para kunin ang atensyon ko, tiningnan ko siya at nakita ko ang maliit na ngiti sa kanyang mga labi.






Hinawakan nito ang table kung saan naka-pwesto ang lalaki kanina. “Sit here, this is your permanent seat from now on.”





Tumingin muna sa'kin ito nang seryoso at tumikhim.





"Again, I'm Idris Zamora Herrera. I will be your professor in Architectural Design." Maiksing pakilala niya.






Kaunti lamang ang layo namin dahil nasa pinaka unahan, naamoy ko ang amoy niyang napaka bango. Hindi ito yung katulad nung sa lalaki kanina na sobrang tapang ng pabango, sa kanya ay sobrang bango talaga.






Parang gusto kong kunin sa kanya yung suot niyang long sleeve polo. Ang bango talaga, shet.






Parang nakikita ko lang na bumubukas ang bibig nito pero wala akong naririnig na kahit anong tunog, naka mute ba siy—







"Introduce yourself, Miss." Parang bumalik ako sa reyalidad nang makita ko siyang nakatingin sa'kin at itinituro ako kaya itinuro ko rin ang sarili ko, like i'm asking if ako ba ang kausap niya.





Leonora (GxG)Where stories live. Discover now