Heaven Leonora Celestiana Serrano.
"Oy, Celes." Dumapo ang tingin ko kay Marga nang tawagin ako nito.
Huminga ako ng malalim at inayos ang postura ko dahil kanina pa yata nila napapansin na nakatulala ako habang naka-tingin sa bintana. "Hmm?" i asked.
Narinig ko ang pagtikhim ni Marga bago magsalita. "Bakit palagi kang tulala riyan, ha? mukhang ang lalim ng iniisip mo ah."
Umiling ako at ngumiti. "Wala, iniisip ko kasi kung ano ang nauna, yung itlog ba o yung manok." Wala sa sariling sagot ko. Maya maya lang ay narinig ko na ang malalakas na tawa ng dalawa kong kaibigan dahilan para mapasapo ako sa noo ko.
"Manok talaga yung nauna, kasi paano magkakaroon ng itlog kung walang manok, 'di ba?" Napangiwi ako dahil sa itsura ni Marga, naka-de kwatro ito at naka sandal sa sofa ko na pang isahang tao lang.
Feel na feel yung sofa ko e, pag yan nadumihan, ipapalinis ko talaga sa kanya yan.
"Itlog talaga sis, saan manggagaling ang manok kung walang itlog? Ano 'yon? Magic?" Singit naman ni Kelsey.
Narinig ko pa ang pagtatalo nila tungkol sa tanong ko pero hindi ko na lamang ito pinag tuunan ng pansin. Pakiramdam ko kapag makikisabay ako sa kanila e sasakit lang ulo ko, kaya ayun sila parang aso't pusa na nagtatalo kung manok o itlog ba ang nauna.
Tumingin ulit ako sa bintana, bigla kong naramdaman na bumabaliktad ang sikmura ko kaya agad akong tumakbo sa bathroom pa sumuka. Siguro ay hindi ako napansin ng dalawa na umalis kaya hinayaan ko na lang din.
These past few days, ang dami kong nararamdaman. Palagi akong nasusuka, ayaw na ayaw ko sa mga ginisa na ulam, nagkakaroon din ako ng morning sickness. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ang katawan ko.
Hindi pa rin pala ako nakakapunta sa doctor para ipa-check yung blood ko dahil mahigit 4 weeks na akong delayed. 'Di bale, sa susunod magpapa appoint ako kay Dr.Lazaro.
Isang linggo na rin makalipas simula nung maging professor ko si Miss Herrera. Maayos naman ang lahat, sobrang strict niya pala talaga. Nung nakaraan kasi ay laman siya ng chismis sa University.
Ang usap-usapan ng mga students na nakakasalubong namin ay Terror Professor daw ito. Sikat din daw ito sa University na iyon dahil sa galing nitong magturo.
Lahat ng usap-usapan na iyon ay walang halong gawa-gawa lamang. Lahat iyon ay totoo. Pero kahit terror siya ay hindi ko pa naranasan na mapagalitan niya, kahit late ako minsan dahil sa umaga nananakit ang ulo ko kaya ayun, bumabagal ang pagkilos ko.
Kahit ayaw kong pumasok dahil sa nararamdaman ko, pinipilit ko pa rin. Ayaw na ayaw ko kasing nagkakaroon ng absents at lalong lalo na inaalagaan ko ang grades ko.
Lumabas ako ng bathroom hawak hawak ang tiyan ko. Nakasimangot akong naglalakad patungo sa pwesto ko kanina dahil wala naman akong naisuka puro tubig.
Biglang sumagi sa isip ko ang professor na iyon. Bigla akong kinabahan sa naiisip ko.
Posible kayang n-nabuntis niya ako?
Pero sa pagkakaalam ko ay hindi nila kayang makabuntis. Pero paano kung totoo ngang nagdadalang tao ako? Ano na lang ang mangyayari sa'kin? Anong gagawin ko?