Hindi na siguro tayo babalik sa dating tayo,
Kasi wala naman talagang "tayo"
Dahil hindi naman nga naging "tayo"
At kailanma'y hindi magiging tayo, dahil hindi nga naman tayo talo...
Pero alam mo, namimiss ko yung mga pagkakataong magkasama tayo.
Yung masaya lang tayo. Yung wala tayong pakialam sa sasabihin ng mundo ..
Yung mga pagkakataong feeling natin, tayo lang yung nag-eexist sa mundo.
Yung mga panahong kuntento na ako sa kung anung meron tayo.
Na basta sa araw-araw, meron ikaw na bumubuo sa araw ko, sa buhay ko ..
Yung tipong makita lang kitang masaya, masaya na din ako.
Yung basta maalagaan lang kita, okay na ko.
Hindi na ko naghahangad ng higit pa sa kaibigan nung mga panahon na yun.
Hanggang isang araw, hindi ko alam paano tayo napunta sa puntong hindi na tayo nagpapansinan..
Siguro kasi napuno na din ako.
Hindi mo kasi ako pinapakinggan.
Tsaka nasasaktan na din kasi ako.
Hindi ko na alam saan ako lulugar..
O kung may lugar ba talaga ako sayo nung una palang..
Naalala ko kasi yung sabi mo noon.
Ayoko na sanang balikan.
Pero kapag nadidinig ko yung boses mo umiiyak ako.
Huling beses na tumawag ka sa akin nun, nagkunwari akong hindi ko alam yung number na yun. Pero alam kong ikaw yun.. work related ba? o parehas nating namimiss ang isa't-isa?
Habang umaandar ang sasakyan nun papuntang opisina sa bago kong trabaho, umiiyak ako. Tas nagtatanong ako sa isip ko ng mga bagay-bagay ..
"Bakit siya tumawag?"
"Bakit hindi siya nagsasalita?"
Siguro nga ...
Tuluyan na nating pinutol ang ugnayan natin sa isa't-isa.
Pero teka.. wala nga pala tayong ugnayan hindi ba?
Itinuring mo nga ba akong kaibigan sa halos walong taon nating pinagsamahan?
Nagkaroon ba ako kahit kaunting puwang sa buhay mo?
Or am I just a convenience para sayo?
Na kapag iniwan ka na ng lahat sa mundo .. kapag wala ka nang choice .. kapag wala ka nang matakbuhan, sa akin ang punta mo?
Napapagod na kong mag-isip.
Pero simula ngayon.. sana wag mo nang subukang muling guluhin ang mundo ko.
Kasi sa pagkakataong pinaranas mo sa akin na hindi mo na ako kailangan...
Hindi na din kita kailangan......