01

21 2 0
                                    

‼‼‼

"Ivy!"

napalingon ako ng narinig ko pag sigaw ng pangalan ko, naroon ang kateammate ko na tumatakbo papunta sakin

nakangiti ito habang ipinapakita pa sakin ang hawak nyang coke, napalinging nalang ako sa pinag gagawa ng gaga nato

" pag ito nakita nanaman ni sir na umiinom nyan papatakbohin ka nanaman nun  " nakangising saad ko dito ngunit wala padin itong tinag sa kanya sa nakangiti padin ito na parang nang aasar pa nga

" oa mo naman isang bote lang naman eh, oo nga pala nag chat na si coach sa gc, latag na daw tayo ng mga matts baka daw unahan pa tayo ng mga ibang player " saad nito kasabay ang pag inom niya 

di nadin kami nagsayang pa ng oras at agad na kaming pumunta sa court nang nakarating na nga kami dun ay nag kakabit na sila ng mga mattings binababa ko muna ang mga bitbit kong gamit saka tumulong sa kanila

" Arnisador! " agad nang sipag ayosan ang mga kateammates ko ng narinig na nila ang tawag ni kyle, ang captian ng team namin

" humanda sa pag p-pugay! " dagdag nito

" pugay! "

" po!" Sabay na pag pugay naming lahat

nag simula na nga ang training namin para sa pag hahanda ng provincial athletic meet lahat kami ay nag aasam ngayon na nanalo para nakapag laro ng CLRAA at para din nakalaro sa pambansang palaro, lahat naman din ata ng mga manlalaro ay ayun ang hinahangad ngayon.

ilang oras din ang tinagal ng warm up namin ngayon ay hinahanda na nila ang mga mag lalaro ng sparing, unang nag laro sila Kalvin at Agatha. ang weird nuh? lalaki laban sa babae? samin kasi naniniwala kami na kung hindi ka lalaban sa malalakas ay hindi ka magiging malakas gets nyo? kung hindi, edi wag

sila Jeo, Drie, at Jas ang taga bigay ng puntos nila, si abi ang taga oras habang si Kyle naman ang referee

nag simula na ang laban nilang dalawa at habang tumatagal ay nagiging maliksi si agatha, si Kalvin naman ay medjo bumabagal. yan kasi ang hirap kay Kalvin binigay niya agad ang lakas niya sa unang laban palang kaya mabilis siyang mapagod pag dating sa susunod sa round

natapos ang laban nila at si agatha ang nanalo, di naman kagulat gulat yun malakas naman kasi si Agatha kahit sa lalaki pa siya lumaban ay walang kahirap hirap niya yun matatalo

habang nag aayos na sila Nadia at Jack dahil sila ang susunod, yun nga lang ay may nagdatingan ang mga basketball, wala naman akong halos kilala sa kanila maliban nalang kay Rios dahil anak siya ng kumare ni mama

" ey pareng Kyle napaka aga nyo naman ata ngayon " saad ng isang lalaki na may kabutian pero di naman ganun katangkad mas matangkad pa nga ata ako

nakipag peace bumb pa ang ilan kila Kyle " oo nga kyle, san kami p-pwesto nyan " pag iingarte pa ng isa

Eto kasi ang nakakainis sa Pulong buhangin national high school eh, d-dalawa lang ang court or gym. isang pang junior high at isang pang senior high andito kami ngayon sa gym ng junior high dahil nakapwesto sa kabila ang mga volleyball girls n boys, andon din ang mga badmenton player. ngayon ang arnis at ang basketball sa nasa junior high pwede namang hatiin ang aera ng court okay lang naman samin yun di din naman ganung kalaki ang hakob namin, ewan ko lang sa kanila

natapos ang mga ilang oras ng training namin ngayon ay nag a-anyo na kami di naman lahat ay nag a-anyo kaya yung iba ay nag water break muna

Water break na may halong lunch break

Blue DreamsWhere stories live. Discover now