03

5 0 0
                                    

‼‼‼

Lumipas ang linggo at nag karoon naman kami ng unting bonding kasama ang mga kapatid ko yun nga lang di nakauwi si Kuya Eli ang pinaka panganay samin, may kalayoan kasi ang pinag tatrabahohan niya sa may pampangga pa pero kahit na ganun ay sinusubukan naman niyang umuwi kahit papaano

nagmamadali na nga akong bumababa ng jeep dahil nga nalate ako ng pasok, di kasi ako nakatulog ng maayos dahil tong bunsong kapatid namin si Vinia ay iyak ng iyak na pumasok sa kwarto ko kagabi dahil natatakot siyang mag isa sa kwarto nya

oh tanong, bakit hindi kay mama pumunta? may takot kasi si Nia kay mama dahil nung bata pa siya ay madalas siyang paloin ay sigaw sigawan actually kahit si Ava na sumunod saakin ay may takot din kay mama may kalupitan kasi talaga si mama kapag nagagalit

Sobra din kasi ang kulit ng mga kapatid ko kaya ayun laging napapagalitan at napapalo nila mama, minsan ay na kay nanay nila ava at Vinia dahil mas malapit ang bahay nila nanay sa pinapasokang eskwelahan nila Ava

si Kuya Nicholas naman ay nasa manila doon siya nag aaral ng kolehiyo sa kursong medisena, third year collage na siya dun kaunti na nga lang ay makakatapos na siya, Si Kuya Eli kasi ay hanggang Second year lang ang tinapos niya dahil huminto na siya sa pag aaral dahil nadin sa hirap ng buhay namin

tulad nga ng sabi ko, hindi kami mayaman sakto ang kinikita nila mama para samin kaya nag papasalamat talaga kami at anjan sila mama at papa dahil kung hindi? hindi kona alam

hindi pa nga ako nakararating sa gate kay sumalubong na agad sakin ang muka ni Bryle

Ano namang ginagawa ng lalaking to ng gantong kaaga? ang alam ko mamaya pa ang training nila ah

" hi miss arnis girl" Bait nito sakin na nakangiti at kumaway pa gamit ang kanan nitong kamay

kasama nito si Rios na nakangiti din sakin anong meron sa dalawang tarantadong to?

gusto ko sanang tanongin sila kung bakit ang aga nila pero naalala na nalate na nga pala ako kaya nag paalam nako sa dalawang to ay nag mamadaling nag lakad papuntang court

ngunit diko namalayan na sumunod pala silang dalawa sakin, hingal na hingal akong nakarating sa court nag mamadali nadin akong binababa ang mga gamit ko at sumabay sa pag wawarm up nilang lahat

" bakit nalate ka? " si kalvin

" nalate ng gising eh, hehe " tumango nalang ito at hindi na sumagot pa

maya maya din ay biglang dumating si coach at ang mga loko naman ay biglang nag sipag sipagan na kunwari ay talagang ganadong ganado mag papapalo sa gulong

" Arnisador!! " tawag ni kyle

" handa sa pag pupugay! "

" pugay! "

" Po!!"

tumango naman si coach Mateo samin lahat kami ay umupo sa sa matts habang si coach ay nakatayo sa harap namin

" ang sabi ng coach ronald ay mag gagawa daw ng jersey ang mga teakwando, ngayon kung kasaling mag papagawa nga sila ay gusto ko sanang magpagawa din tayo ng jersey natin. okay lang ba yun sa inyo? " agad namang nag silikotan ang mga kateammates ko at mukang excited sila sa sinasabing jersey

ang problema lang ay kami ang mag babayad nun, pano yun? wala naman akong pera para dun dahil yung perang nakuha ko sa banda ay binigay ko kay mama dahil kailangan ni kuya nicholas ng pera dahil naubusan daw siya ng pera dun sa manila

bumuntong hininga ako at mukang nahalata ni abi " ayos kalang? mukang may iniisip ka ah " alalang saad ni abi habang sinisilip pa ang muka ko, umiling naman ako dito sabay ngiti

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 26 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Blue DreamsWhere stories live. Discover now