KABANATA 1

3 0 0
                                    

| Marriage Of Pain |
 
×××
 
“Good morning, ma’am Natalia.”

“Good morning, Manang.” Isang matamis na ngiti ang isinagot ni Natalia kay aling Tarsing na matagal na nilang kasambahay.

Paakyat ito ng hagdan, habang siya naman ay pababa nang makasalubong niya ito. May dala itong mga puting tuwalya na maayos na nakatupi. Pagkabati nito sa kaniya ay mabilis rin itong umalis sa harapan niya, kaya pinagpatuloy niya rin kaagad ang naudlot na paglalakad.

Pagdating sa pinakahuling baitang ng hagdan ay nakatawag sa atensyon ni Natalia ang malaking kahon na nasa sala. Nakapatong iyon sa babasaging lamesa na naka-pwesto sa harapan ng malaking flat screen television. Imbes na sa kusina tuloy ay iyon muna ang inuna niyang puntahan para alamin kung ano iyon at kung para kanino na rin.

Para ba ito sa ate niya? She wonders. Tatlo lang naman kasi silang nakatira sa bahay na iyon kaya, kung hindi sa ate niya ay baka sa daddy niya iyon.

Sa ibabaw ng kulay puting karton may maliit na piraso ng papel na kinuha ni Natalia upang makita ang nakasulat roon. Tama nga ang una niyang naisip. Para sa ate niya ang regalong naroon.

Dala ng curiousity ay binuhat ni Natalia ang takip ng kahon. Hindi naman iyon naka-tape kaya mabilis niya iyong naiangat.

Halos lumuwa ang mga mata niya nang makita ang isang kulay puting gown na pangkasal. Maingat iyong nakatupi at nababalutan ng makikinang na diyamante.

Isa iyong damit pangkasal. Iyon kaagad ang naisip niya dahil masyadong bongga ang damit para isuot sa isang event. Isa pa ay hindi naman mahilig sa kulay puting damit ang ate niya at never pa itong dumalo sa anumang event na nakasuot ng ball gown na ganoon ang kulay.

Does that mean...

Ikakasal ba ang ate niya? Bakit hindi niya alam? Hindi man lang niya kilala ang boyfriend nito.

This is so unfair!

Nakasimangot na ibinalik ni Natalia ang pagkaka-ayos ng box at muling tinahak ang hagdan patungo sa ikalawang palapag ng kanilang bahay. Madiin ang mga hakbang na tinahak niya ang daan patungo sa silid ng kaniyang ate.

Hindi naman siya galit dito, pero disappointed siya. Paano naman kasi nito nagawang ilihim ang tungkol sa boyfriend nito.

“This is really unfair!” patuloy na himutok ni Natalia habang naglalakad.

Dahil bahagyang naiinis ay hindi na siya kumatok sa pinto ng kwarto ng kaniyang ate Kelly. Pinihit niya lang diretso ang doorknob. Mabuti at hindi iyon naka-lock.

Nang maitulak ang dahon ng pinto ay ni-examine niya kaagad ang paligid. Nang makita niyang nakaupo sa may beranda ang ate niya ay tsaka siya pumasok.

“Ikakasal ka na ba talaga, Ate?”

Napalingon naman sa kaniya si Kelly na bahagyang nakakunot ang noo na tila ba wala itong idea sa sinasabi niya.

Bahagyang pumapadyak pa si Natalia nang lapitan ang kaniyang ate. Nang makalapit ay napansin niya ang hawak nito sa kamay. May hawak itong larawan na agad niyang inagaw dito tsaka tiningnan kung kaninong larawan iyon.

Hindi niya kilala ang lalaking nasa picture. Pero sa tindig nito ay masasabi mo na kaagad na isa itong anak-mayaman. Maayos ang buhok nitong maikli at may makakapal na mga kilay. Halos pantay-pantay rin ang mga ngipin nitong kita dahil sa pagkakangiti. At ang labi nito ay kulay pink na halata namang dahil lang sa pagkaka-edit ng larawan upang maging perpekto ang pagkakakuha. Tsk!

“Ito ba ang lalaking pakakasalan mo, Ate?” Nguso ni Natalia.

“Ang gwapo niya hindi ba?” balik na tanong naman ni Kelly sa kaniya, kasabay ang pagpapakawala nito ng pilit na ngiti.

Natalia's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon