KABANATA 2

0 0 0
                                    

| The Evil Scheme |

×××

“Ano'ng sabi mo? May bagong namamalakad na, sa hotel na 'to? Paanong nangyari 'yon?”

Her sister was the owner of the hotel. Iyon ang sabi kay Natalia ng ate niya. Wala siyang alam sa patakaran ng mga ganoong negosyo pero sigurado siyang hindi dapat iyon basta makuha ng kung sino.

“Ah pasensiya na po, Ma'am. Hindi po ako authorized na sumagot ng tanong ninyo. Pero kung gusto 'nyo pong makausap si Ma'am Meanne ay ise-set ko kayo ng meeting sa kaniya.”

“Me-Meanne?”

Did Natalia hear it right? Meanne ba talaga ang sinabing pangalan ng kausap niya? Iyong Meanne na kilala niya ba ang tinutukoy nito?

“Did I hear my name?”

Mabagal na umikot si Natalia nang marinig ang isang maarteng tinig na nagmula sa likuran niya. Nang masilayan niya ang pamilyar na mukha ng babaeng naka-pameywang nang mabungaran niya ay mabilis na nagsalubong ang mga kilay niya.

So she was right. She was thinking the right girl.

“Ow... Ikaw ’yong kapatid ni Kelly hindi ba? Wait─ What the hell brought you here? You know... You can't find Kelly here.” Meanne greated her with sarcasm.

Talaga namang mainit ang dugo niya dito. Hindi niya gusto ang tabas ng dila nito. Akala mo kasi'y tuwang-tuwa pa ito sa nangyari sa kapatid niya.

O baka nga...

“Ikaw... Ano'ng ginagawa mo sa hotel ng Ate ko?” mariing tanong ni Natalia na ikinatawa naman  ni Meanne.

“Hotel nino? Ni Kelly? Oh, that... She didn't tell you? I am the real owner of this hotel.” proud na sagot naman ni Meanne habang nililibot ang tingin sa paligid ng lobby. Tila proud nitong ipinagyayabang sa kaniya ang lugar na iyon.

“Ano'ng sabi mo?”

“Iyong Ate mo, tanga. Ikaw naman bingi. Psh! Magkapatid nga kayo.” Meanne even laughed harder.

Umalis na ito sa harapan niya. Pero dahil hindi pa tapos si Natalia dito ay agad niyang hinablot ang braso ng babae. Pilit niya itong pinaharap muli sa direksyon niya.

“Huwag mo akong tinatalikuran. Hindi pa tayo tapos mag-usap!” galit na sambit ni Natalia.

Wala na siyang pakialam kung pagtinginan man sila ng mga taong naroon. Hindi naman siya war freak na tao pero itong Meanne na 'to, sa tingin niya deserve nitong matikman ang galit niya.

Pero hindi lang siya ang galit. Dahil nang humarap si Meanne ay magkasalubong na ang mga kilay nito. Her angelic face turned deadly as she grabbed Natalia's hand and threw it.

“Wala akong kailangang ipaliwanag sa'yo.” anito. Pagkatapos ay lumingon ito at tinawag ang dalawang guard na nasa entrance.

Nang utusan ito ni Meanne ay agad siyang hinawakan ng dalawa sa magkabilang braso at sinimulang hilahin palabas ng hotel. Wala ng nagawa pa si Natalia dahil sa lakas ng mga ito.

Pagdating sa labas ng hotel ay binitiwan rin siya ng dalawa at hinarangan ng mga ito ang entrance.

Gustuhin man niyang muling pumasok ay hindi na niya iyon magagawa pa dahil sa mga bantay na iyon kaya bagsak ang balikat na lumakad na siya palayo.

Habang naglalakad ay samot-saring isipin ang nagsimulang maglaro sa isipan niya. Partikular na ang pagkamatay ng ate Kelly niya.

The real reason behind her sister death was that hotel. Iyon malamang ang magbigay dito ng matinding stress na nakapagpabagsak ng resistensya nito. Her payment for that f*cking wedding. Hindi niya alam na hindi pala iyon natupad.

Natalia's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon