This Guy Inlove With You, Pare
H
aving a feelings for someone especially if its your bestfriend is hard but the hardest thing is both of you were the same gender.
"Hoy pre, kanina ka pa tulala. Ayos ka lang ba?" tanong ng bestfriend ko, si Tres. Tumingin ako sa kanya at tumango.
"Oo naman, ako pa. Sya nga pala pre, may tanong ako." bumilis ang tibok ng puso ko dahil kinakabahan ako kung ano ang e sasagot nya sa itatanong ko.
"Sige pre, ano yun?" tumingin ako sa mga mata nya. Alam ko na mali ang magkagusto sa kapwa ko lalaki pero hindi ko mapigilan eh, I like my bestfriend.
"Anong gagawin mo kapag may magkagusto sayo na lalaki?" lakas loob kong tanong kahit kinakabahan ako sa magiging sagot nito.
"Ano ba namang tanong yan Rid, syempre lalayo ako." pagkatapos nyang bitawan ang mga salitang yun ay biglang gumuho ang mundo ko. Tumayo ako at umalis sa harap nya. Tinatawag nya ako pero hindi ako lumingon at diretso lang ang lakad ko.
Ito na nga sinasabi ko, bakit ko pa kasi sinabi yun. Napaka-tanga mo Rid. Alam mo namang straight pa sa ruler yang bestfriend mo pero na fall ka parin arghhh.
"Rid!" natigilan ako at lumingon sa tumawag ng pangalan ko, bumungad sa akin si Tres.
"Hoy bat ka umalis?" dahan dahan itong naglakad palapit sakin, at ako naman ay hindi makatingin sa kanya.
"Ano..ah..wala. Ang init kasi dun kaya umalis ako." pagsisinungaling ko.
"Tungkol pala sa sagot ko kanina, hindi yun ang ibig kong sabihin." tinignan ko sya ng may pagtataka sa mukha.
"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan kong tanong.
"Ang ibig kong sabihin kapag may nagkagusto sa akin na lalaki ay lalayo ako....kung hindi ikaw yun."
—🎀