Chapter 4

0 0 0
                                    

A week after ay sinimulan na rin kaming i pull-out sa klase every 3 pm until the end of the day. Kaya stressful din kasi kahit excused kami sa klase ay hindi pa din puwede na makaligtaan ko yung mga dapat ipapasa. The teachers gave us longer deadlines pero hindi rin naman ako umaasa na malayo pa iyon, I still need to finish it early kasi sa susunod ay iba na naman ang gagawin ko. I hate procrastinating. I hate cramming. Nakakastress lalo sa utak. Kung iba naman ay mas gumagana sila kapag ganoon, ako naman hindi.

Kami pa rin madalas ng lalaking iyon ang naglalaban every practice at sa nagdaang mga araw ay nakakalima na rin ako na panalo sa kaniya.

Ngayong hapon naman ay kalaban ko ang second year na rep. At dahil second year pa lang siya ay naiikumpara ko ang laro ko sa kaniya at sa lalaking iyon. Mas nakikitaan ko ng loopholes si Ate Shane, kaya sa unang laro namin ay naipanalo ko.

Napangisi siya ng mas malaki ang puntos ko sa kaniya at sinabi pang, "Iba talaga ang alaga ng Regional Representative."

"Regional Rep?" tanong ko.

Tumango si Ate Shane sa akin bago nagsalita ulit, "Noong first year pa ako which is last year ay umabot siya ng regional. Proud na proud ang school sa kaniya kasi first time kasing may umabot sa regional galing sa municipality dito."

"I was even shocked ng tinuruan ka niya and he looked comfortable sa iyo kasi never pa raw siya nagturo. Kilala niyo na ang isa't-isa before?" tanong ni Ate Shane.

Sasagot na sana ako na ngayon ko lang siya nakilala ng tinawag si Ate Shane ng kaibigan niya. Kaya naman ay umalis siya at nagpaalam sa akin.

Lumabas na lang din ako ng math club na room kasi nagbreak din sila kaya nagpasiya akong bibili ng pagkain kasi naman wala rin naman akong makakalaro. Wala siya dito dahil may need pa daw silang tatapusin at si Ate Shane naman ay hindi pa bumabalik. Nasa canteen na ako at bibili na sana ng bananacue ng tinawag ako ni Stefanny.

Wala pala silang klase kasi nagiistandby sila dito sa canteen.

"Brielle!" she called me.

Nang naibigay na ang bananacue ay lumapit ako sa kaniya at nakitang kasama pala niya sila Angel ulit. We never had lunch together since I can't remember. I always had one with Marianne kasi roon din naman siya sa classroom kumakain.

Some even asked me kung nag-away ba kami ni Stefanny and I answered them na hindi naman. She just started hanging out with them, mas madalas na, simula noong tinulungan kami nila Laurel. Though, naghahangout naman talaga siya kasama sila even before pa.

I know Stefanny since before, she likes friends who are a bit socialite. I understand her if she wants to be with Angel because she's famous, a beauty, and has a lot of friends and admirers. I am not like Angel so I don't have any bad feelings towards Stefanny kasi hindi rin naman ako inaaway niyan. We seldom go home together kasi parati siyang sumama kay Laurel at kung hindi naman ay kay Angel.

"You're close with Kuya Zach these days", panimula ni Stefanny.

I know where this is going. Marianne told me last time na may gusto daw si Angel sa lalaking iyon. I even saw her talk with him pero hindi naman iyon nagkuwento kung anong nangyari and I never ask because I think it was too personal.

"Are we?" tanong ko.

It sounded sarcastic. I just don't like it when people ask me about him with some motive. I caught a glimpse of Angel rolling her eyes pero hindi ko iyon pinansin. "Angel likes him Brielle. Can you talk to him? Angel just wants to talk to him kasi", mahinahong wika ni Stefanny sa akin.

I did not answer her right away at lumingon muna ako kay Angel. I laugh a little which caught her attention. Maybe, I am just too protective of him, too. Kahit wala naman akong karapatan na maramdaman ito - I just don't like her for him. He is too good for her at isa pa ang tanda-tanda na niya at sila naman kung makaakto ay para siya lang ang lalaki sa mundo.

Heartbeat of the OceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon