Chapter 10~ Differences

6 0 0
                                    

"Ugh, ayoko na Jack, please maawa ka sa akin" lumuhod ako kasi pagod na pagod na ako mentally.

"Ano ba, kasisimula lang natin, akala mo ba gusto ko na inuulit ang pinag-aralan ko dahil sa'yo? Hindi, nakaplano ang buhay ko at nasisira ito sa walang direksyon na taong katulad mo. You know how my life was so perfect then suddenly you came, you turn my world into chaos"

"Pasensya na ha? Akala mo ba gustong-gusto ko to? Oo gusto kong makasama ka pero hindi sa ganitong paraan na napipilitan ka lang. Kung gusto mo hindi na ako sasali diyan sa lintik na show na iyan" tumutulo na ang luha ko niyan hindi ko lang maisip kung ano ba ang nangyayari sa kanya at bigla na lang siyang nagtantrums at ako pa talaga ang pinagbuhusan niya akala niya, kahit gusto ko siya hindi naman ako ganun ka desperada para gamitin ang lahat ng paraan na makasama siya kahit ayaw niya.

"Don't be childish, think of the people who will also bear the consequences of your wrong decisions, you only pity yourself, what about the others? who will pity on them?"

"What is your problem with me? Bakit ako ang pinag-iinitan mo" alam ko pulang-pula na ang ilong at mata ko dahil sa kakaiyak.

"Puro ka kasi laro, you are proving to me how unresponsible you are like your grades"

"Wow, ang hard mo pre!"tinaas ko ang kamay ko lampas ulo na nakatihaya sabay sabing "Ganito ka kasi"binaba ko "habang ako dito lang! mababa, alam ko matalino ka pero wag mong ipangalandakan sa akin kung gaano ako ka bobo. Hindi na ako magpapaturo sa iyo kasi baka kahit madapa ka ako pa ang sisihin mo, alam mo naman ang malas ko sa'yo ginagawa kong miserable ang buhay mo. Well, magpakasasa ka sa boring at perpekto mong buhay" nanlilitid na talaga ang leeg ko dahil sa galit sa kanya.

"O tapos ka na? Alis na!" Binugaw pa talaga ako, ano ako aso??

"Oo, masusunod kamahalan"

---
"Wow, congrats Jack!" May pahawak-hawak pa sa kanyang kamay. Ang landi ng mukhang paa na to at ang isa pang malandi nagpapahawak din. Hmmph, madapa sana kayo.

"Mich? May problema ba?" Tanong ni Bayron habang kinakaway sa mukha ko ang kanyang kamay."Huh? Wala naman"

"Kung ang inaalala mo ay iyong pagkatalo wag munang isipin yun, diba sabi ko we deserve each other because we are both losers"

"Duh! Tigil-tigilan mo ako Bayron, please lang wala ko sa mood"

"Okay ingat, kahit saan ka magpunta alam kung nasa puso kita parati. Kaya mag-ingat ka papakasalan pa kita"

"Eeew, Bayron nakakadiri ka. Magmomongha nalang ako"

Hay! salamat umalis narin ang walang hiya. Napapa- buntunghininga na lang ako. Dapat ko na sigurong kalimutan ang pagsintang-parurot ko kay Jack dahil kahit saan tingnan hindi talaga kami bagay. We have many differences. Maybe we are not really meant for each other.

Impossible LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon