Chapter 5~ Secret

3 0 0
                                    

"Nga pala iha pareho lang kayo ni Jack ng pinapasukan, kaya sabay nalang kayo?"

"Po?", sabay naming sabi at tayo ni Jack.
Hmmp, as if naman gusto ko din siyang kasabay. Napakayabang talaga ng Jack na to.

"Bakit may problema ba kayo sa isa't- isa at ayaw niyong maging mag kaibigan?"

"Wala po tita !"
"Wala po Ma!"

Nakakainis! Hanggat maari ayaw ko siyang makasama dahil maalala ko lang ang ginawa niya sa aking pagpapahiya.

"Hoy babae, wala dapat makakaalam na sa iisang bahay tayo nakatira at huli na itong pagsasabay natin it's either ako ang mauuna o ikaw"

"As if naman gusto kitang kasabay?"

"Alam ko naman na gusto mo,dahil may gusto ka sa akin"

"Napaka mo! Ho-y wa-la na akong gusto sayo!"

"Eh ba't nauutal ka, haha pangit na nga, denial pa!"

"Bwisit ka!"

Bakit kasi ayaw makisama ng bibig ko, minsan ko lang siya mapagsalitaan utal utal pa, napaghahalataan tuloy na may gusto pa ako sa kanya.

"Mich, musta na? Okay ka na ba ? Nakalipat ka na ng bahay? Saan at ng nadalaw ka namin"

"Teka nga! Ba't kayo sabay sabay na magsalita? At pwede ba hinay hinay isa lang po ang bibig ko at to answer your question, opo maayos na ako, nakalipat na ng bahay at kung saan, ahmm hindi ko masasabi dahil very private ang family na natirhan ko, happy?"

"Fuu daming English~ kaya crush kita Mich, kasi alam kung matalino ka"

Minsan talaga tong si Bayron hindi ko masakyan ang trip, bakit niya ba ipinagpipilitan na crush niya ako, eh alam niya namang si Jack lang talaga kaya walang pag-asa. Hay! Kahit sa isip ko Jack parin.

"Mich, may naghahanap sayo sa labas"

Huh? Sino, eh wala naman akong ibang kakilala na taga ibang section. Nganga as in nganga, bakit siya andito akala ko ba sikreto?

"Hoy pangit, ang laway mo?" Pasimple kong hinawakang ang baba ko nakakahiya ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi, ba't kasi pumunta pa siya dito? Akala ko ba sikreto? Di kaya may gusto sakin si Jack, ehhh, nakakilig to the highest level.

"Natulala ka na diyan? Akin na ang baon ko, naipagpalit ata ni mama"

Crashzzzz-----huh??baon?? Yun pala ang pinunta niya, kainis masyado ka kasing assuming Mich, yan tuloy bagsak ka na naman.

Impossible LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon