The Art Of Death

13.9K 322 25
                                    

NANDITO ako sa verandah ng bahay sa ikalawang palapag at nakatingin ako sa malawak na lupain na sakop ng pag-aari ko habang binabantayan ang anak kong si Zea na mag-isang naglalaro sa damuhan. Sumandal ako sa railings patalikod mula sa kinaroroonan ni Zea.

Ilang taon na rin ang lumipas simula nang iwan kami ni Ayla. Nakakalungkot. Nakakamiss, but I can't do anything about it. Wala akong kakayahang buhayin siya.

Napatingala ako sa langit. Wishing Ayla would just appear in front of me. Hindi ko sukat akalain na mawawala siya ng ganoon nalang but years have passed and I should move on, right?Pero paano? Paano ako makakapag- move kung sa puso ko, umaasa pa rin akong babalik siya?

I heaved a deep sigh and I shook my head. Kung sana may ganoong kapangyarihan si Ayla 'di sana ay matagal na siyang bumalik sa akin. Sa amin ng anak niya. Five long years and I still yearn for her.

"Pa!" Napalingon ako sa gawi ni Zea nang marinig ko ang boses niya. She's waving at me at malapad ang ngiti niya.

"What?" tanong ko at humarap sa gawi niya.

"Wala po akong kasama maglaro, Papa. Can you join me?" Zea asked.

"Can't join you. Ikaw na lang ang maglaro. Do whatever you want," saad ko at tumalikod uli mula sa direksyon niya kaya hindi ko na nakita ang reaksyon niya.

"Thank you, Pa. I'll do whatever I want," narinig kong sagot ni Zea na may himig ng pagtatampo ngunit agad ko iyong pinalis sa isip ko.

Wala na akong narinig na kahit ano mula kay Zea. Nang lingunin ko siya ay tumatakbo siya palabas ng bahay na marahil ay galing siya sa loob at may dalang sketch pad. Regalo sa kanya iyon ng Ninong Karl niya since she's preparing for grade school next year. Naupo siya sa ilalim ng punong mangga at tumingin-tingin sa paligid.

Zea caught my interest. Inilagay niya sa mga hita niya ang sketchpad at sumandal sa katawan ng punong mangga. Pinapanood ko siya habang marahang gumagalaw ang mga daliring may hawak na lapis. Nakikita ko sa paggalaw ng hawak niyang lapis ang kasiguraduhan sa ginagawa niya. Kung titingnan ang ritmo ng pagguhit niya ay para siyang isang eksperto! Pero ngayon ko lang siya nakitang gumuhit!

Sumulyap siya sa gawi ko at nakangiting nagtanong. "Papa, gusto mo po bang iguhit kita?"

Sumikdo ang dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan. Isa iyong imbitasyon mula sa anak ko ngunit tumututol ang isip ko. Nang marinig ko ang sinabi ni Zea ay parang...ibinulong sa akin ang kamatayan ko.

"No," matigas na sagot ko na nagpalungkot sa mukha niya, "some other time, Zea," dagdag ko. Ayoko namang nakikitang palaging nalulungkot o nadi-disappoint sa akin ang anak ko.

"Okay po." She answered and continue on what she's doing. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya habang patuloy siya sa pagguhit. Ngunit napansin kong parang bumilis ang galaw ng kamay niya. Nakita kong biglang dumiin ang pagkakahawak niya sa lapis at hindi ko maintindihan ang sarili ko. I wanted to call her and stop her pero bakit? Gumuguhit lang siya at wala namang masama doon. Pinagsawalang bahala ko na lamang iyon at binigyan ng huling sulyap si Zea bago umalis sa verandah.

"Zyl.."

Napalingon ako sa may-ari ng kamay na nakapatong sa balikat ko. Nandito ako ngayon sa farm at tinitingnan ang dalawang baka na namatay. Nakarating sa kaalaman ko kaninang hapon na nakitang pinatay ang dalawang baka sa hindi malamang dahilan.

"Kuya Eddie. Ano'ng nangyari?"

"Hindi ko alam kung ano ang dahilan nito Zyl pero sadyang pinatay ang dalawang hayop. Nakita kong marami ang saksak nito sa katawan!" balita ni Kuya Eddie.

"Sinaksak? Ano'ng kasalanan ng baka para saksakin nang ganyan? Tsk!"

"Iyon ang nakapagtataka. Parang galit na galit ang may gawa nito. O, di kaya ay napagtripan lang ng adik."

THIRD EYE III: Ayla and the Art of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon