Chapter 2

5.8K 205 6
                                        


KANINA pa ako pabalik-balik na naglalakad dito sa likuran ng bahay dahil gusto kong makausap si Alvadon at inaasahan ko siyang magpapakita sa akin sa mga oras na ito.

Si Zea, nasa sala at tumutugtog ng piano. Bukod sa pag-guguhit ay pagtugtog ang nakahiligan ni Zea. Mas mabuti na iyon kaysa gumuhit siya. Mabuti rin dahil hindi na nagpumilit si Zea nang sabihin ko sa kanyang tumigil na siya sa pagguhit. Mas itinuon niya ang atensyon sa pag-aaral at pagtugtog. Kahit sa school nila ay mahigpit kong pinagbilin sa teacher niya na bawal humawak ng lapis at sketchpad ang anak ko. Hindi siya maaaring gumuhit. Nagtataka man ay sumang-ayon na lamang ang guro.

Simula nang magpakita si Alvadon sa anak ko tatlong gabi na ang nakalilipas ay hindi na ako mapakali. Araw-araw akong naghihintay dito sa kaniya sa bungad ng kakahuyan na pag-aari ko pa rin. Kailangan ko siyang makausap muli. Marami akong gustong itanong sa kanya at hindi ako matatahimik hangga't hindi ko mabigyan ng mga sagot ang mga katanungan gumugulo sa isipan ko. I've been dying to see that centaur again. I've been dying to ask him about Ayla.

Napasandal ako sa puno ng mahogany at pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Napaayos lang ako ng tayo nang maramdaman kong may presensya sa paligid. Simula nang maging aswang ako ay mas naging malakas ang pakiramdam ko. Hindi ko man alam kung ano pa ang kaya kong gawin ay matagal ko nang inihanda ang sarili ko. Alam kong may matutuklasan pa ako sa pagiging aswang though hindi ko masyadong nagagamit ang kakayahan ko. Sa pamilya ko ay si Sasha lang ang hindi pa nakakaalam habang sa pamilya ni Ayla ay lahat sila ay alam na. I can't hide it from them lalo na sa nangyari kay Ayla. They forgave me for what had happened pero ang isiping dahil sa akin ay nawala si Ayla made me feel more guilty. Her family was so understanding and they love Zea so much!

"Zyl..." Narinig kong tawag sa pangalan ko. Agad akong lumingon sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Alvadon na nakatayo at natatakpan ng anino ng puno.

"Alvadon," tawag ko sa pangalan niya. Pakiramdam ko ay bumilis ang tibok ng puso ko.

Hindi ko alam kung paano ako magsisimulang magtanong sa kanya. Natatakot akong makarinig ng balitang mas lalong magpapaguho ng mundo ko sa ikalawang pagkakataon. Ngunit hindi ko rin maaaring palampasin ang kahit katiting na pag-asa kong makasama uli si Ayla.

"Kumusta, Zyl? Kumusta ang anak mo?" tanong ni Alvadon na gumalaw ang apat na paa palapit sa kinaroroonan ko.

"We're fine," mabilis na sagot ko na hindi pinuputol ang magkaugnay naming mata ni Alvadon.

Napangiti nang matipid si Alvadon at gumalaw ang kulay gintong buntot nito. "Natutuwa akong nasa mabuting lagay ka lalo na ang anak ng Sefira."

Nahirapan akong lumunok nang marinig ko mula kay Alvadon ang pangalan ni Ayla. Nag-init ang mukha ko at anumang mang oras ay baka hindi ko na mapigilan ang pag-iyak. Damn!

"Handa akong sagutin ang lahat ng tanong mo, Zyl," saad ni Alvadon na bahagyang yumuko habang nakakuyom ang kanang kamao sa tapat ng dibdib. Maybe it's his way to show his respect.

"Si-Si Ayla..." Hindi ko alam kung narinig ni Alvadon ang sinabi ko dahil parang bulong lang ang kumawala sa lalamunan ko. Speaking about Ayla made me want to cry.

"Ang Sefira..." ani Alvadon.

Damn you! Mura ng isip ko kay Alvadon. Hindi ko kayang tagalan ang nakamamatay na kaba ko. Pakiramdam ko ay bubulagta ako ano mang oras sa kinatatayuan ko. Ganito ako kahina kapag si Ayla na ang pinag-uusapan. Damn, Alvadon! Tell me now!

"...ay nasa Orsiana, Zyl. Kasama niya aroon sina Ereneya at Almani."

I can't stop a tear from falling. Doble-doble ang lakas ng tibok ng puso ko. Hearing that confirmation from Alvadon made me want to jump for joy! Buhay si Ayla! Oh, God is so good! Hindi niya ako binigo. Hindi niya ako hinayaang mabigo sa ikalawang pagkakataon!

THIRD EYE III: Ayla and the Art of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon