Jam PoV
"Akin na yung notes mo!" Sabi ko sa kaklase ko, nandito kami ngayon sa parking lot ng academy.
"H-hindi pwede." Sagot niya
"Sumasagot ka pa?!" Sigaw ko at kinuwelyuhan siya
"E-eto na.." nanginginig niyang inabot sa akin yung notes niya.
"Tsk! Ibibigay mo rin pala eh"sabi ko at kinuha na yung notes, nagmadali na siyang umalis.
"Hoy! Kenneth!" Tawag ko sa kanya
"Oh?" Sabi nito
"Oh.. (hagis sa kanya ng notes) gawin mo na yung assignment natin" sabi ko
"Eeehh.. ayoko, may lakad pa ako mamaya"sabi niya at hinagis naman kay Kyle.
"Oh? Bakit ako?"sabi ni Kyle sabay hagis ng notes kay Jerick
"Anong gagawin ko dito?" Tanong ni jerick
"Kainin mo" seryosong sabi ni kenneth
"No thanks, busog pa ako" sabay hagis naman... SA AKIN! -_-
Tiningnan ko nman sila isa-isa.
"Busog pa ako" sabi ni Jerick
"Oh? Pogi ko no?" Sabi naman ni Kyle habang naglalagay ng wax sa buhok.
Tiningnan ko naman si Kenneth.
"Problem? Chix lang yan!" Sabi naman ni Kenneth na cool na cool, nakasandal pa sa pader habang nakacrossarms.
Napailing na lang ako.
"Ehem!" Nag clear ako ng throat, ang bilis nilang umayos ng tayo sa harapan ko.
Tinaas ko yung notes.
"Ahhh ako na, nagugutom na pala ako" sabi ni Jerick
"Hindi ako na! Pogi dapat ang gumagawa ng assignment"sabi naman ni Kyle
"Hindi! Ako dapat.. gusto ko pang makauwi ng buhay sa mga chikababes ko"sabi naman ni Kenneth
Mukhang tanga lang. Nag-kakagulo na sila.
Napa face palm na lang ako. Totoo lang? Kaibigan ko ba talaga tong mga to?
Hinagis ko na lang yung notes ng may matamaan ako..
Athena PoV
"Ma alis na po ako!" Sabi ko
"Ah sige, mag-ingat ka anak" sabi ni mama sumakay na ako sa bike ko at umalis na. Anyways ako nga pala si Athena Manahan simple lang ang pamumuhay na meron ako, oo mahirap kami pero kahit ganun di ko naman kinakahiya yon . Ano naman ngayon kung mahirap kami? Di naman mahalaga yung estado ng tao sa buhay. Ang mahalaga marunong kang magpahalaga sa mga bagay na meron ka. Nag-aaral ako sa Royal Academy este mag-aaral pa lang pala. Nagtataka siguro kayo kung pano ako nakapasok sa school na hindi afford ng kagaya ko? Simple lang, Scholarship. Mapalad ako kasi isa ako sa napili na mabigyan ng scholarship, kaya pagbubutihan ko..
Tapat ng gate.
"Wow!" Wala akong masabi sa laki ng gate.. Kung ganito yung labas pano pa kaya yung loob? Waaaah! Excited na ako!
Pagpasok ko..
"Woooooooow!" As in wow! Higit pa to sa inaasahan ko..
Sa kalagitnaan ng pagdedaydream ko.. may tumama sa akin galing sa part na parking lot ata?
"Hey.. beautiful lady, whats your name?" Sabi ng lalakeng may 'K'
"Ath---" naputol yung sasabihin ko ng magsalita yung may 'J' na kwintas
"Hoy Miss! Pulutin mo nga yan!" Utos sa akin. Ayos din tong lalakeng to ah?
"Tsk! Pasalamat ka gwapo ka" bulong ko"May sinasabi ka?" Tanong niya
"Wala, pupulutin ko na nga eh" sabi ko tsaka pinulot na yung notebook, naglakad naman ako palapit sa kanila para iabot yung notebook.
" oh" sabi ko sabay abot ng notes sa kanya, pero di niya kinukuha at nanatili lang nakatingin sa akin.
"Bkit?" nagtataka kong tanong, tumayo siya sa pagkakaupo sa trunk ng kotse at naglakad palapit sa akin, kaya paatras din ako ng paatras hanggang sa wala na akong maatrasan kasi pader na pala yun. Tumingin ako sa mata niya, ang masasabi ko lang napakaganda ng mata niya.. maya-maya sinandal niya yung kamay niya sa pader.. Napalunok naman ako, yung first kiss ko baka---
"Bago ka dito noh?"sabi niya habang nakatingin ng diretso sa mata ko, phew! Akala ko pa naman.. aahh never mind.
"Oo" sabi ko tsaka umalis na siya sa pagkakaharang sa akin at umupo ulit sa trunk ng kotse.. maglalakad na sana ako ng may magsalita.
"So di mo pa kami kilala?"tanong naman nung may 'K' na kwintas
"Hindi.. bakit sino ba kayo?"tanong ko.. mamaya naglakad siya papalapit sa akin..
"Im Kenneth Mapue, My Queen" sabi niya tsaka hinawakan yung kamay ko tsaka kiniss yun.
"Ahhh.. hehe! A-alis na ako"sabi ko at nagmadali ng maglakad.
"Wait ako pa!" Habol naman nung isa pa, di ko na lang pinansin.
Bahagya akong napahinto at naalala yung nangyari kanina.
"Hindi hindi.. nandito ka para mag-aral.. okay erase! erase!" Sabi ko tsaka pumunta na sa room na inassign sa akin.
*****
Next Chapter..
BINABASA MO ANG
The Bully And The Bullied
ComédieNag-umpisa lahat ito ng mapunta ang topic na wattpad sa aming usapan.. ng maisipan ng kaibigan ko na gumawa daw kami ng story at ang bida daw ay ang dalawa naming kaklase na UBOD NG GWAPO! ♥♥ ang JAMES REID at ang DANIEL PADILLA ng 10-Newton☆ Napa...