PROLOUGE

2 0 0
                                    


"ano ba talaga tayo?! nalilito na ako sayo gab! gulong gulo na ako kung ano bang meron saatin!" galit, sakit, pagod yan.

yan ang mga nararamdaman ko ng masabi ko sa kaniya yan, totoong gulong gulo na ako sa sitwasyon namin ngayon, hindi ko alam kung ano ba talaga kami, kung magkaibigan ba o may namagitan naba? hindi ko alam napaka gulo ng sitwasyon namin


alam kong assumera ako, pero hindi naman yata tama na ganitong treatment ang makuha ko sakaniya. hindi ba pwedeng daretsahin niya ako? kasi ako umaasa ako sa mga motibo na binibigay niya


"sorry yhana, sorry kung ganon ang nakikita mo saakin kapag kausap o kasama kita, sorry kasi hindi ko naman intensyon na bigyan ka ng motibo e. akala ko kasi wala lang sayo ang mga yun, akala ko hindi mo bibigyan ng meaning lahat ng yun." sabi nito saakin, habang ako eto nakayuko umiiyak sa harap niya.

sobra na kasi yung sakit, sobra pa sa sobra. umasa ako sa kaniya na baka magkaroon din siya ng feelings para saakin, pero mali ako ako lang itong umasa sa kaniya, ako lang itong tanga na binibigyan ng meaning lahat ng ginagawa niya para saakin.


"kung ganon wala lang pala ako sayo? umasa ako sayo gabriel........" hindi kona alam kung anong mangyayari pagkatapos neto hindi ko alam kung mag uusap paba kami ulit neto.


"umasa ako na baka may feelings ka din saakin, umasa ako na kaya mo ako binigyan ng motibo na ganon kasi nagugustuhan mona ako, pero hindi pala ako lang itong tangang umaasa sayo. sorry." sabi ko dito sabay alis sa harapan niya kasi kung makikita kopa siya baka lalo lang akong umiyak.

me and him (short story)Where stories live. Discover now