She Got Tired..

85 6 0
                                    

1- She Got Tired..

Third person's POV:

May mabait at mapagbigay na babae pero stress na stress lagi kahit saan man sya magpunta. Sa sobrang kabaitan nya, halos lahat na ng tao na nasa paligid nya ay inaabuso sya.

--SCHOOL--

"May, pahiram naman ng lapis!"sabi ng isa sa mga kaklsae nila

"Eto oh" inabot naman niya ang kailangan ng kaklase at tuloy tuloy o sunod-sunod na ang pag hiram at tanong sa kanya pero kahit ganon at may sarili syang ginagawa ay pinapahiram at sinasagot pa rin niya ang mga ito dahil sa kanyang sobrang kabaitan.

"May, pahiram naman ng pambura"

"Eto oh"

"May, pahiram naman ng pantasa"

"Oh eto na"

"May, pahiram naman ng correction tape"

"Wait lang naman"

"May, pahiram naman ng ganto"

"Sandali"

"May, pahiram naman ng ganto"

--BAHAY--

"Ma! Nandito na po ako!" sabay mano nya sa kanyang ina ngunit bago nya magawa iyon ay nakakuha sya ng malutong na sampal galing sa kanyang ina.

Kinagat na lang niya ang kanyang labi at tumungo dito.

"Ma? B-bakit po?" nauutal na tanong nya sa kanyang ina habang naktungo at nakakuyom ang mga kamay.

"May gana ka pang magtanong nyan hah?!!" pagalit na tanong ng kanyang ina sa kanya na kahit ganon ay di nya ito kayang sagutin at nagtitimpi pa rin hanggang ngayon.

Oo, napakatagal na siyang sinasaktan ng kanyang ina ngunit kahit ganon ay ipinipilit pa rin nya at sinasabi sa kanyang sarili na 'mahal ako ng ina ko kahit ganyan''at kahit na napakasakit ay itinitiis ko pa rin' ..yan ang mga katagang lagi nyang sinasabi sa kanyang sarili.

Pero pagod na pagod na syang masaktan di lang physically kundi pati emotionally na rin.

Pagod na syang maging mabait sa lahat.

Pagod na pagod na syang maging dictionary sa kanyang mga kaeskuwela.

Pagod na syang maging national bookstore araw-araw.

Pagod na pagod na din syang umiyak lagi.

Pagod na syang magturo sa mga di nakikinig.

Pagod na din syang magprotekta sa lahat kahit di nila alam na pinoprotektahan sila.

Pagod na pagod na rin syang maging martry at magparaya ng kanyang mga mahal para sa kanyang mga kaibigan.

At pagod na pagod na pagod na syang magtiwala sa lahat ng tao sa paligid nya.

Bakit? Dahil lagi syang tinatraydor, pinaplastik, at sinasaktan na kahit na alam niyang gagawin nila ito ay pilit pa ring pagkatiwalaan ang mga ito. Kahit na sabihan syang napakalaki nyang TANGA alam nya na ito kaya okay lang. Akala ng iba ay masaya sya dahil sa kanya lahat ang atensyon pagdating sa pangangailangan ng bagay.  Na sa halos araw-araw nyang pag ngiti at pagatawa na halata sa kanyang mukha na masaya sya hindi pala. Hindi pala sya masaya na ganon ang pagtrato ng laha sa kanya. Na sa kaloob-looban nya pala'y puno na ng sakit, pagdurusa, hirap, at pagod.

PAGOD NA PAGOD NA SYA DATI PA...kaya magbabago na sya...

Dahil kailangan nya.....

※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※

A/N: Hello po mga readers! ●▽●// *kaway kaway* kung meron...hahaha.....thanks for reading this....You can vote and be my follower and I'll follow you back..oh and you can also comment...By the way, this the first chap and at the same time prologue..

Behind her smilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon