Ako nga pala si Marla Almira Villariba a fourth year high school student sa MNHS o Manhattan National High School. Char, sossy at bongga ng school ko ano! I am a genius type palaging top sa klase, halos lahat ng school activities ay present ako, may dahilan ako roon kung bakit.
Wala sa bukabularyo ko ang salitang "giving up" at ipinanganak akong matapang at martir. A sixteen year old girl na medyo maganda sa paningin ko- atleast di ba nagandahan ako sa sarili ko. Ika-nga "No one will start to believe you're beautiful if you didn't believe you are on the first place." Di ba lakas maka-hangin.
As for my family history. My mother died in a shabu raid when i was just around 5 years old while my father and i had a long distance relationship ever since, dahil nagtratrabaho siya sa malayo. Kaya ako lang ang mag-isa palagi sa bahay.
Hindi lang ako martir sa pag-aaral martir din ako sa love. Martir ako kay Zachary Mira. Sa loob ng tatlong taon, sobra akong nahuhulog sa kanya patay na patay, hulog na hulog at in-love na in-love. Ako si Marla ang pangit na handang gawin ang lahat mapansin lang niya, at magsisimula na ang istorya ko.
Patalumpati ni Madame Pangit,
Nagsimula ang lahat ng kagagahan ko pati na ang kabaliwan ko kay Zachary Miral, when i was about to transfer in Manhattan High. Kakalipat ko lang kasi ng tirahan mula sa probinsya and I am adding a few people on facebook mula sa Manhattan High para may kakilala naman ako kung saka-sakali pagpasok. At isa sa mga naging FB friends ko ay si Zach.
Alam kong imposibleng mangyari 'to na sa hindi pa kami nagkakilala ay kilala ko na siya sa FB. Actually we were not quite real friends dahil hindi naman kami nagkikita. Kumbaga I labeled it as virtual friends dahil sa palagian kaming nagcha-chat sa messenger. Kalimitan nga ay mga twelve na ako natutulog dahil lang sa kanya. Puno ng bungisngis ang mukha ko sa mga corny niyang jokes sa FB pero sa personal hindi ko siya nakikita ang alam ko lang ay gwapo siya dahil sa nakikita ko sa kanyang profile picture.
Kaya ng pumasok ako sa Manhattan High ay masyado akong excited na makita siya. As if kilala niya ako sa personal, balita ko kasi mula sa madaldal kong kapit-bahay na classmates daw siya ng anak nito.
Kaya nung first day of school ay natulala talaga ako sa nakita ko. Totoo nga, ang guwapo niya halos nga malaglag ang suot kong panty, at siyempre ano bang laban ko sa kanya. Kung sa diyaryo pa, siya ang Philippine Daily Inquirer at ako ang pinakaminamadaling magasin , kung siya ang sabon, ako ang dumi, siya ang ginto ako ang bato. Pero hindi ko alam kung saan ko nahugot ang kakapalan ng mukha ng mga sandaling iyon at nilapitan ko siya.
"Ahm," agad na lapit ko kay Zachary habang pinagkakaguluhan siya ng mga babae, kinukuyog at ako naman ay suot lang ng suot. Bahala na kung anong sabihin nila kay babae kung tao sumasali ako sa kuyugan moments.
"Ano ba,tumabi ka ngang punyeta ka hindi ka kasali dito at isa pa hindi ka naman papansinin ni Zach! Hindi siya pumapatol sa mga pangit ano!" nagtawanan ang lahat ng mga kababihang nakapalibot sa kanya sa sinabi nito sa akin. Hinawi ko ang mukha niya, wala namang maganda sa kanya. Mukha siyang isdang danggit. Kung iistimahin silang lahat na nagsisiksikan do'n ay nagmumukha silang sardinas.
"Oo nga naman, kaya alis...tshupe!" pabulyaw pa nung isang babaeng halatang hindi naman mayaman at medyo mabaho pa ang hininga.
"Aba! malay ko ba ako ang kalabitin ni Zach dahil kayo ang lalandi niyo!" Ngiwi ko sa kanila habang patuloy pa rin sa pakikipagtulakan sa ibang mga naroroon.
"Gusto mo bang sabunutan kitang panget ka!" napa-cross ako ng palihim sa utak ko. Ang dami nila isa lang ako, pero anyway kaya 'to ng rabies ko.
"Sige subukan mo!" maldita kong tingin sa kanya. Mabait naman ako paminsan-minsan sa mga taong hindi mukhang oso ang ugali. Pero kapag ako na ang inaapi, itago niyo na lang yang kaspa at puting buhok niyo makikita niyo ang bangis ko.
"Hey, ladies...ladies leave her alone," Ngumiti siya sa'kin. Siyempre dahil gwapo ay naging gaga naman ang tibok ng puso ko.
"Are you okay, gusto mo ba ng autograph ko ha," Napa-smirk ako sa sinabi niya. Bakit kaya kalimitan sa mga gwapo ang arogante. Kung may panget na lalapit magpapa-autograph agad ang unang naiisip. Ganito ba kalakas ang celebrity-status sa utak niya.
"What? ano ba 'tong lalaking 'to ang taas ng tingin sa sarili, huwag mo akong itulad diyan sa iba na gagawin ang lahat just to get your autograph, duh, he's so different ang layo sa mga sinasabi niya sa Fb," imik ko pa.
"May sinasabi ka ba,"
"Ah, ha w-wala,"
"Okay lang ba sayong tawagin kitang , Almira? Or should I say Marla?"
Na-shock ako sa sinabi niya alam niya ang pangalan ko sa FB, hindi niya ako nakalimutan. Pero nairita din ako ng sinabi niyang magpapa-autograph raw ba ako sa kanya. Ang hangin.
"I prefer if you call me Marla. And excuse me nakaharang kayo sa dinadaanan namin. Hindi ko kailangan ng autograph mo sayo na yan, hindi ka artista!"napanganga lahat ng mga nakapalibot sa amin at napatingin sa akin, hindi ko na lang sila pinansin. Tumalikod na ako at naglakad palayo. Kung nakakamatay lang siguro ang mga tingin ay matagal na akong ibinaon ng mga fans ni Zach sa lupa.
Dumiretso na lang ako sa bagong classroom na naka-assign sa akin. I was second year back then. Wala pang masyadong friends bago pa kasi kalilipat lang galing sa probinsya and besides wala akong balak maghanap. Ang motto ko kasi sa buhay "Study first, before your lakwatsha moments". Kaya hayun nga kahit first day of school nagtataray. Bahala na kung anong sabihin nila sa'kin. Anyway tanggap ko na naman yun. Pangit nga ako di ba. And that's the cruelest thing i did ever experienced in my life. Nung nasa matris pa lang kasi ako ni Mama, kicking as a fetus ay malaki ang expectation ko na kasingganda ako ng mga artistang pinapanood niya noon. But my gosh, nagulat na lang sila paglabas ko dahil iba ang kamukha ko. Imbes na yung bida sa teleseryeng si Liza Soberano ang lumabas, eh sa maligno ata ang naging wangis ni ateng. Makapagnobena nga oh.
BINABASA MO ANG
It Started With A Crush
RomanceMarla and Zach's romance started in a cliche high school setting. Were the man was a proud and popular campus heartthrob and the woman was just an ordinary ugly duckling. As cliche as it is, both blossomed as a wonderful teenage love story. Pero sa...