Part 6: Quarelous Heart

219 15 0
                                    

Marla's POV

Its our last period class sa hapon. Mabilis akong umakyat ng hagdan, galing kasi kami ni Rea sa TLE class namin major in Garments. Kalahati pa lang ako ng third floor ay parang bibigay na yung mga paa ko. Pagod kasi ako kanina sa pabalik-balik na pag-e-execute ng Basic Exercise forms sa P.E. Idagdag pa ang jog in place at pagtakbo sa malaking oval ng school.

Subalit worth it naman lahat ng pagod ng makita ko si Zach kanina. Medyo mahimatay na nga ako sa sobrang kilig kulang na lang ay magka-epilepse ako. Para bang may kuryenteng dumadaloy mula sa katawan niya papunta sa katawan ko. Nagsimula na ngang uminit ang pakiramdam ko kanina buti na lang hindi ko natuloy sa pagsagot yung tanong niya sa'kin.

Mamaya ikukuwento ko kung ano ang nangyari, right now i must take a few steps para makarating sa room namin. I need a drink, parang nagdideleryo na yung mga paa ko sa sobrang sakit. A split seconds, ay hindi ko namalayang nakarating na pala ako sa loob ng room agad kong isinuot yung footmop ko bago tuluyang umupo.

(Start of Flashback)

12:00-1:00 lunch break

"Gusto mo ba ako." 

"H-ha?" tinitigan niya ako ng mataman at lalo pa niyang hinigpitan ang hawak sa beywang ko. Unti-unti rin niyang inilapit sa'kin ang kanyang makinis na mukha. Nagwewelga na ang puso ko, parang gusto ko ng pumutok sa sobrang kilig. Nauutal ako sa tanong niya, kinakabahan at parang aligagang napapatitig sa guwapo niyang mukha.

"Answer me please, do you like me."

"K-kasi, ano." pakiramdam ko nakatali yung dila ko dahil wala akong mahagilap na sagot, wala akong masabi. Para akong nalunod ng mga sandaling iyon.

"K-kasi Zach, k-kasi a-ano kasi," nakatingin pa rin sya sa'kin halatang hinihintay niya yung sagot ko.

But in the glitch of my mind ay nakaramdam din ako ng imposibilities. Biruin mo nga naman, the campus casanova and a drop-dead heartthrob ng school ay magkakagusto sa isang plain looking at ugly duckling na babaeng walang kaartehan sa katawan, biruin niyo yun. Marami namang mas maganda pa saking babae diba? Why would she fall for me?

"M-Marla."

"H-ha?" napa-igtad ako. Muntik ko nang makalimutan yung sitwasyon ko.

"Answer me please!" may halong pagpapa-cute yung tono ng boses niya.

"Go Marla kaya mo 'to." imik ko pa.

"Zach," isang mahabang pause yung pinakawalan ko bago nagsalita ulit.

"Zach the truth is, ever since I got here in Manhattan High ay hindi ko maiwasang tignan ka o pansinin ka. You are attractive and just like those other women around ay imposibleng hindi kita mapansin." napalunok ako ng laway. "My timid glances towards you really mean anything. So, if you are asking that if I am in love with you, ang sagot ko ay—."

Nagulat ako ng biglang may nagsalita mula sa pintuan.

"Hi, Zach," naputol yung gusto kong sabihin ng bumukas ang pinto ng room at iniluwa roon ang mga classmates ko. Mabilis din kaming bumitiw at nagmamadaling tumayo saka binalingan sila. Medyo nataranta  ako't agad na umupo sa seat ko at walang kibong nagbukas ng libro na tila walang nangyari. Gusto ko siyang tapunan ng tingin ngunit alam kong nakatingin rin sya sa'kin.

Kinikilig ako sa nangyayari sa amin. And I couldn't help myself but to smile secretly, kaya hanggang sa natapos ang dalawang subject class namin ay puro sulyap lamang talaga yung nagagawa ko sa kanya.

End of Flashback

Mabilis akong dumiretso sa SSG Quarters. Pagkatapos ng klase, ay meeting na naman ang aatupagin ko with my other members kaya hindi ako dapat ma-late. Malapit na rin kasi ang World Teachers Day kaya magiging abala na ako sa mga susunod na araw para paghandaan ang malaking event na iyon.

It Started With A CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon